Chapter 26- Long Wait is Over

6.1K 206 37
                                    

James POV


Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko. Ilang beses akong kumurap dahil sa sinag ng araw mula sa bintana. Nasa puting kwarto ako. 


"Prince James.." tawag sa akin, "Kamusta na po ang kalagayan niyo?" tinignan ko ang nagsalita. Si Lina, isa sa Vampires Apprentice.


"Nasaana ako Lina?" uupo sana ako pero pinigilan niya ako, "anong nangyari?"


"Kailangan mo munang magpahinga Prince James. Malala pa ang mga sugat mo," inalalayan niya, "Nandito ka ngayon sa hospital. Kinailangan na dalhin ka dito dahil kapag hindi namin ginawa 'yon tuluyan ka ng mamamatay. Isang normal na tao ka na ngayon Prince James kaya limitado lamang ang buhay mo."


"A-Alam na ba nila ang tungkol sa nangyari sa akin?" tanong ko.


Bumuntong hininga si Lina at tumango, "Patawad Prince James dahil hindi kami nakarating agad. Hindi namin nagawa ang tungkulin namin bilang mga Apprentice niyo, hindi namin kayo naipagtanggol." yumuko siya sa harap ko, "Patawad po."


"It's okay Lina. Biglaan lahat ng nangyari. Wala kayong kasalanan." I said. 


Natahimik kami ng ilang segundo saka ko naalala ang isang tao. 


"Si Amanda," napaupo ako sa kama, "Nasaan si Amanda?"


Ngumiti si Lina, "Darating na rin siya maya-maya, Prince James."


Detective Clyde's POV


"Magandang umaga, pwede ko na bang imbestigahan si Cj Mendez?" tanong ko sa kanyang Manager. Ilang araw na akong pabalik balik dito pero sa tuwing bumabalik ako laging sinasabi ng Manager niya na wala raw si Cj.


"I'm sorry Detective pero wala talaga siya ngayon. He's on vacation kaya please lang po let's give him some time to relax himself."


"Talaga bang nagbabakasyon siya o tinatago mo?" tanong ko sa kanya.


Tumawa siya ng mahina, "Bakit ko naman gagawin 'yon? I'm his manager at ginagawa ko lang ang trabaho ko. Nasa vacation siya ngayon kaya please lang ho bumalik na lang kayo next time. Okay?" Isasara na sana niya ang pinto pero pinigilan ko siya, "Ano ba!"


"May kinalaman ang alaga mo tungkol sa pag sunog ng Waldorf Academy at malaki ang koneksyon niya sa Presidente ng paaralan na 'yon."


"Wala akong alam sa sinasabi niyo detective."


Isasara niya sana ulit ang pinto pero muli ko siyang pinigilan, "Gusto ko lang siya kausapin kahit saglit lang."


"Wala nga siya dito diba?"


"Carlo Francois ang tunay niyang pangalan hindi ba?" nakita ko ang pag laki ng mga mata niya, "Siya si Carlo, ang anak ni Rebecca Lazaro at ni William Francois. At ikaw," tinignan ko siya ng seryoso, "Ikaw yung babaeng dumating noong nakaraan araw."

The  Vampire Royalties: HIDE & SEEKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon