Amanda's POV
Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko. Sa pag dilat may kakaiba akong naramdaman sa buong katawan ko. Hindi na ako nanghihina. Bumalik na sa normal ang lakas at ang katawan ko. Napahawak ako sa aking tiyan pero nagulat ako dahil maliit na ito at bumalik na rin sa dati.
Anong nangyari?
Napaupo ako sa kama at inilibot ang paningin ko sa buong kwarto. Naguguluhan ako sa mga nangyayari. Bakit nagka ganito ang aking tiyan? Napatayo ako sa kama nang biglang pumasok si Kurt Kenley dito sa kwarto ko. Naka ngiti lamang siya sa akin.
"A-Anong nangyari? B-Bakit bumalik sa normal ang tiyan ko?" natataranta kong tanong sakanya ngunit ngumiti lamang siya.
"Pinapatawag kayo ni Ramon, Princess Amanda."
"Bakit? Sagutin mo ang tanong ko! Anong nangyari? Ilang araw na ba akong walang malay?!"
"Tatlong araw po, Princess Amanda."
"A-Ano?"
"Si Ramon po ang magpapaliwanag ng lahat. Pinapatawag niya na po kayo. Nasa Garden Pavillion po siya ngayon." Lumapit sa akin si Kurt at inalalayan ako. Naiiyak ako. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Tatlong araw akong walang malay.
Pagdating namin sa Garden Pavillion nakita ko na agad si Ramon kasama si Julia at Kristina na parehong naka talikod sa akin. Agad agad akong lumapit kay Ramon.
"Ramon, a-anong nangyari? A-Ang baby ko? B-Bakit naging ganito ang tiyan ko?" sunod sunod kong tanong.
Ngumiti siya, "Iyan ang dahilan kaya kita pinapunta rito, Amanda." kumunot ang noo ko. "Lumabas na siya, Amanda. Lumabas na sila. Ang mga anak niyo ni James." nanlaki ang mga mata ko.
M-Mga Anak?
Biglang humarap sila Kristina at Julia sa akin at sa mga bisig nila, may mga karga silang sanggol. Napaluha ako sa sobrang tuwa. "Amanda, kambal ang anak niyo ni James. Ang pinaka unang Pureblood Twins sa lahi ng mga bampira."
Dahil sa sobrang tuwa sobrang nanginginig na ang mga tuhod ko habang naglalakad palapit sa kanila. Patuloy na umaagos ang luha ko at hindi nawawala ang mga ngiti sa labi ko. Tears of joy. Nang makalapit ako mas lalo akong napaluha nang makita ko ang nakangiti nilang mukha--isang lalaki at isang babae.
"P-Pwede ko bang kargahin ang isa sa kanila?" tanong ko kay Julia.
"Syempre naman Amanda, anak niyo ni Kuya James ang mga ito. Natutuwa ako dahil tita na rin ako." nakangiting sabi ni Julia. Ilang saglit pa ay binigay niya sa akin ang anak kong babae. Jusko, ang saya saya ko. Sa sobrang saya ko hindi ko na mapigilan ang bawat pag patak ng luha ko. Ganito pala ang feeling maging ina? Ang sarap sa pakiramdam. Matapos kong buhatin ang anak kong babae iyong anak kong lalaki nanaman ang binuhat ko--kamukhang kamukha niya ang tatay niya. Kamukhang kamukha niya si James.
"Sino ba ang panganay sa kanilang dalawa?" tanong ko.
"Unang lumabas ang babae. Pero sa mga bampira kung sino ang huling lumabas iyon ang magiging panganay. Ibig ang batang buhat mo ngayon ang magiging panganay niyo ni James." nakangiting sabi ni Ramon. Napatitig ako sa anak kong lalaki at naalala ko nanaman si James. Gising na kaya siya? Kailan kaya siya magigising? Miss na miss ko na siya. Alam ko na masakit ang mga mangyayari sa akin pag gising niya dahil hindi niya alam na may anak na kaming dalawa. Nakakalungkot lang dahil bago siya mamatay, hindi ko nasabi sa kanya na magkakaroon na kami ng anak.
Nakatitig lang ako sa mga anak ko. Ang ganda at ang gwapo nila. Pareho silang nagmana sa papa nila. Nakakatuwang isipin na isang ina na talaga ako ngayon. Parang kailan lang.
BINABASA MO ANG
The Vampire Royalties: HIDE & SEEK
VampireTHE SEARCH IS NOT YET OVER. Dahil sa isang pagkakamali ay muling babalik ang propisiya na siyang iniiwasan ng lahat. Palaging may mawawala at palaging may magtatago. May bagong labanan nanaman kaya? Ito na kaya ang huli? ABANGAN!!! THE VAMPIRE ROYAL...