Dylan's POV
"Iniatras na ng ibang directors at producers ang kanilang inioffer na palabas para sa sikat na aktor na si Cj Mendez ng dahil sa issue. Ito na nga ba ang katapusan ng kanyang career?"
"Sikat na actor na si Cj Mendez, pinaghahanap na ng mga pulis"
"Cj Mendez kompirmado na isa nga talagang kakaibang nilalang dahil sa sunod sunod na ebidensya"
Paano nalaman ng mga tao ang tungkol kay Cj Mendez?
"Dylan!" Biglang dumating si Manager Alex kaya agad kong pinatay ang TV. "Dylan, I have some good news." She said. Bumuntong hininga ako.
"Ano yun?"
"Sayo inioffer ang mga movies na dapat ay para kay Cj Mendez. After your taping mamaya, may meeting ka with the director for your next project."
"Cancel it."
"D-Dylan--" tumayo ako kinuha ang jacket sa kama ko "Dylan! San ka pupunta?! May meeting ka pa mamaya!" Hindi ko siya pinansin at agad kong kinuha ang susi ng kotse ko. Hanggang sa paglabas ko naka sunod pa rin sa akin si Manager. Huminto ako sa tapat ng elevator at hinarap siya.
"Wala akong balak tanggapin ang mga inooffer nila sa akin. Para iyon kay Cj Mendez." Sabi ko. She cross her arms at tumawa ng mahina.
"Kailan ka pa naging concern kay Cj Mendez, Dylan? He's a monster. He's a freaking vampire. Diba dapat maging masaya ka pa ngayon? Babagsak na siya sa Showbiz Industry." Tuloy tuloy niyang sabi. Napa kagat nalang ako sa labi ko.
"What if I tell you na I'm a monster like him?" Seryoso kong sabi sakanya. Nagulat naman siya sa sinabi ko. "What if I tell that I'm also a vampire like him? Anong gagawin mo?"
"What are you talking about?" Nagtataka niyang tanong. Ngumisi lang ako at hindi na siya pinansin pa. Agad akong sumakay ng elevator papunta sa parking lot para kunin ang kotse ko.
Paano kaya kapag nalaman ng mga tao na katulad ko si Cj Mendez? At isa pa, sino ang may pakana ng lahat ng ito? Sino ang bumulgar ng totoong pagkatao niya? Nakakapagtaka.
Habang naglalakad ako sa may parking lot papuntang kotse ko bigla akong napahinto nang may naramdaman akong dumaan sa likuran ko. Mabilis akong lumingon pero wala naman. Ilang araw na rin akong ganito. Yun bang kung ano ano nalang ang nararamdaman at pumapasok sa isipan ko. Dali dali akong sumakay sa kotse ko at nagsimula ng magmaneho.
Pupunta lang ako sa Waldorf Academy, baka sakaling makita ko si Cj. At kung hindi man, pupuntahan ko nalang siya sa bahay niya.
Seryoso lang ako sa pagda-drive hanggang sa bigla nalang sumakit ang ulo ko sa hindi ko malaman na dahilan. Damn! What is happening to me?!
"Dylan. Dylan." Isang boses ang patuloy na ume-echo sa isip ko. Laging tinatawag ang pangalan ko.
"Shit!" Napasambunot ako sa buhok ko at ibinaling ang atensyon ko sa pagda-drive at baka kung ano pa ang mangyari sa akin.
"Dylan. Dylan."
"Ahhhhhh!" Sigaw ko. Ano ba! Ano bang nangyayari sa akin?!
Napatingin ako sa salamin at nanlaki ako mga mata ko nang may nakita akong tao na nakaitim sa back seat ng kotse ko. At dahil sa pagkagulat ko agad kong nailiko ang kotse. Mas lalong nanlaki ang mata ko nang may nakasalubong ako na isang malaking truck at hindi ko inaasahan ang sunod na nangyari. Ramdam na ramdam ko ang malakas na pagka bangga nito sa kotse ko. Hanggang sa naramdaman ko nalang ang unti unting panlalabo ng paningin ko.
Hindi. Hindi ako pwedeng mamatay. Bampira ako.
Bago pa man ako tuluyan mawalan ng malay, muli kong nakita ang taong naka itim. Lumapit siya sa akin at kinuha ang suot kong sing sing na ibinigay sa akin ni Cj Mendez.
BINABASA MO ANG
The Vampire Royalties: HIDE & SEEK
VampireTHE SEARCH IS NOT YET OVER. Dahil sa isang pagkakamali ay muling babalik ang propisiya na siyang iniiwasan ng lahat. Palaging may mawawala at palaging may magtatago. May bagong labanan nanaman kaya? Ito na kaya ang huli? ABANGAN!!! THE VAMPIRE ROYAL...