Chapter 58- Real Traitor

625 16 5
                                    

Third Person's POV

Tatlong magkakasunod sunod na putok ng baril ang umalingawngaw sa buong Cransylvania. Napatigil sila James nang marinig ang putok ng baril at dali daling hinahanap si Amanda at Jade.

Samantalang hindi pa rin makapaniwala si Amanda sa nangyari. Yakap yakap pa rin niya ang kanyang ama at naramdaman niya ang likido na nasa likuran ng kanyang ama.... dugo, ang daming dugo. Napatingin siya kay Gilbert at bigla itong sumuka ng dugo na siyang ikinagulat niya maging ni Jade.

"P-papa? W-Wag! H-Hindi. Wag kang pipikit. Okay?" Hinawakan niya sa pisngi si Gilbert habang yakap yakap pa rin siya nito at ang ulo nito ay nasa may balikat niya.

"A-Amanda makinig ka. G-Ginawa ko ang lahat para protektahan ka. K-Kahit masakit pumayag ako noon sa gusto ng mama mo na ipasok ka sa Wadorf Academy." Bigla nalang may tumulo na luha sa mga mata ni Gilbert kaya humagulgol na sa pag iyak si Amanda, "p-patawarin mo ako anak. P-Patawarin mo si papa dahil h-hindi ko man lang napigilan ang lahat ng 'to."

"P-Pa! Huwag kang magsalita ng ganyan! W-Wag mo kong iiwan! S-Sasama na nga ako sayo diba?!"

"M-Mahal na mahal kita, A-Amanda." Huling sinabi ni Gilbert sa anak nito at muli ay umalingawngaw nanaman ang putok ng baril at tumama nanaman kay Gilbert ang tatlo pang bala na naging dahilan ng pagka matay nito. Biglang napagbagsak si Amanda sa sahig habang yakap yakap pa rin si Gilbert at sa hindi kalayuan ay natanaw niya ang isang pamilyar na tao at may hawak itong baril --- kasama si Josephine, William, Blaze at Yumi.

"M-MAMA?"

Napalingon din si Jade at nanlaki ang mga mata niya nang makitang buhay na buhay si Rebecca. Agad namang tumakbo si William at Yumi palapit kay Jade.

Unti unti namang napabitaw si Amanda kay Gilbert na ngayon ay patay na. Lumapit siya kay Rebecca at napatingin siya sa hawak hawak nitong baril. Hindi pa rin siya makapaniwala ngayon at sumasabay pa ang walang hintong pag agos ng mga luha niya.

"A-Anong ibig sabihin nito? B-Bakit mo pinatay si papa?" Tanong nito kay Rebecca.

"Dahil kailangan, anak." Sagot ni Rebecca.

Maya maya pa ay biglang dumating si James. At nagulat siya nang makitang patay na si Gilbert.

"Is that Rebecca?" Tanong ni Julia. At dahil don ay agad napatingin si James kay Rebecca kausap si Amanda at kasama sila Josephine.

"OMG! Jade!" Sigaw ni Kristina at sabay silang tumakbo papunta kay Jade. Naistatwa na lamang si James sa kinatatayuan niya ngayon. Sa mga oras na to, alam niya na lubos na nasasaktan si Amanda. At sa oras na malaman ni Amanda ang lahat sigurado siya na magagalit ito.

"M-Mama, bakit mo pinatay si Papa? Alam mo bang isa sa amin ni James ang pwedeng-----"

"Hindi na ikaw o si James ang itinakdang papatay kay Gilbert, Amanda." Biglang nagsalita si Josephine, "nagbago na ang propisiya at ang mama mo ang bagong pureblood at ang itinakdang papatay sa papa mo." Nanlaki ang mga mata ni Amanda sa sinabi nito, "Hindi na namin sinabi sayo dahil heto, alam na namin na pipigilan mo lang ang papa mo at sasama ka sa kanya."

"S-Sasama na nga ako sakanya diba? S-Sasama na nga ako sakanya para matapos na ang lahat ng to!"

"Amanda makinig ka! Masamang tao ang papa mo! Kailangan mong protektahan ang mga anak nyo! Ikaw ang pureblood Princess kaya dapat maging malakas ka!" Sermon sakanya ni Josephine, "pero sa nakita ko kanina naging duwag ka. Hindi mo ginawa ang responsibilidad mo bilang pureblood Princess! At sa tingin mo kapag sasama ka sa tatay mo magiging masaya ka? Tatalikuran mo ang mga anak nyo? Ganun ba 'yon?!"

The  Vampire Royalties: HIDE & SEEKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon