Julia's POV
Kakatapos ko lang mag ayos. Ang sabi kasi ni Kuya James kailangan na naming umalis dito. May gagawin pa raw kami at kailangan na namin ng sariling bahay kung saan pwede kami mag-usap lahat tungkol sa pag gawa namin ng plano. Kailangan na talaga namin mahanap sila mama, papa at si tita Stella.
Pati si Amanda.
Ewan ko kay kuya James kung ano ang nangyayari sa kanya. Pakiramdam ko may problema silang dalawa ni Amanda pero ayaw niya lang ipaalam sa amin. Well, sanay na ako. He's good in pretending at lalong lalo na sa pag tago ng mga problema niya.
Lalabas na sana ako nang mapansin ko si Kurt sa dining area. Tahimik siya at titig na titig sa baso na may lamang tubig. Isa pa ang lalaking yan, ang kapal ng mukha niya para sumama sa amin. Ang kapal ng mukha niya para magpakita sa akin tapos ginamit niya pa si Kuya James. If I know may masama nanamang binabalak yan. Hindi ko nga alam kung bakit nagawa niyang lokohin si kuya. Kahit kailan ang galing niya talaga manloko. Ang galing niyang mag panggap. And at the end, may papatayin nanaman siya. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa niyang pag patay sa akin noon. Inis na inis at galit na galit pa rin ako sa kanya.
Aalis na sana ako ng tumayo siya bigla at lumapit sa akin, "P-Princess Julia—" napayuko siya, "P-Pwede bang—"
"Move a side. Naka harang ka sa daraanan ko." I said coldly without looking at him. I didn't heard him speak but he's just standing in front of me. Tinignan ko siya ng masama, "Unbelievable." tinulak ko siya para wala ng harang sa daraanan ko. Ang lakas ng loob niya na kausapin ako. Hindi ko ata kayang makasama ang bwiset na Kurt Kenley na 'yon.
Dahil badtrip na badtrip na ako, lumabas na ako ng bahay para hintayin sila kuya. Oo nga pala, hindi pa masyado napapakilala ni kuya sa amin ang babae na nagmamay-ari ng bahay na 'to. I guess hindi na rin kailangan dahil mukhang mabait naman siya. Hindi ko lang alam kung paano sila nagkaka'kilala ni kuya at kung paano napunta sa lugar na ito si kuya James.
Nilibot ko ang paningin ko dito sa labas ng mahagip ng mata ko ang isang kotse sa kabilang kalsada. Sa loob ng kotse parang may isang tao na naka tingin dito sa puwesto ko. Nararamdaman ko eh. Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa taong 'yon pero ilang saglit pa ay biglang umandar ang kotse paalis.
Weird..
"Julia, lets go now." nilingon ko sila, "Oh siya nga pala, your brother and si Kurt susunod nalang daw sa atin. Basta ang usapan, sa Waldorf Academy tayo magkikita kita." sabi ni Kristina.
"Bakit kailangan kasama pa ang Kurt na 'yon?!" reklamo ko.
"Gusto ng kuya mo." sagot ni Kurt.
"Wala ka ng magagawa Julia. At isa pa, mukhang mapapagkatiwalaan naman ang Kurt Kenley na yun eh." Wow. Blaze as in wow.
"How can we trust the guy who killed me? And most importantly, we don't need him. Okay?"
"Julia.." -Blaze
"Tss. Tara na."
BINABASA MO ANG
The Vampire Royalties: HIDE & SEEK
VampireTHE SEARCH IS NOT YET OVER. Dahil sa isang pagkakamali ay muling babalik ang propisiya na siyang iniiwasan ng lahat. Palaging may mawawala at palaging may magtatago. May bagong labanan nanaman kaya? Ito na kaya ang huli? ABANGAN!!! THE VAMPIRE ROYAL...