Chapter 41- Threats

3.2K 128 29
                                    

Someone's POV

"Huy! Anong ginagawa natin dito sa Waldorf Academy?! Baka mapano tayo dito!"

Hindi ko akalain.

Hindi ko akalain na magiging ganito ang Waldorf Academy. Ano ba ang nangyari sa school na 'to?

"Sandali.." napahinto ako nang biglang pumasok si Gelo sa isang silid. Si Gelo ay ang aking childhood friend at ang pinaka paborito ni daddy sa lahat ng kaibigan ko. Bago ako pumasok sa silid na yun ay tinignan ko muna ang nakasulat sa itaas ng pintuan-- Student Council Office.

"James Waldorf, the president. Jade Waldorf, the Vice-President. Julia Waldorf, the Secretary. Kristoff Emblem and Raven Blackros? Anong joke 'to?" natatawang sabi ni Gelo. Bwiset na 'to. Ano bang nakakatawa? Tss.

Hindi ko na siya pinansin pa at lumapit ako sa table niya-- ni Raven Blackros. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa tuwing naaalala ko siya. Parang may kakaiba na sa puso ko, hindi na siya tulad noon.

Napatigil kaming pareho ni Gelo ng may marinig kaming yabag ng mga paa papunta dito. Parehong nanlaki ang mga mata namin. Nagkabanggaan pa kaming dalawa dahil hindi namin alam kung saan kami magtatago.

"Dun!" tinuro ni Gelo iyong kulay pulang kurtina sa may bintana. Malaki ito kaya pwedeng pwede pagtaguan. Mabilis kaming tumakbo papunta sa kurtinang iyon at sabay na nag tago. Bigla akong kinabahan.

Sino ba ang paparating?

"Sabi ko naman sayo eh, hindi nalang sana tayo pumunta rito." Bulong saakin ni Gelo.

"Ako pa ang sisisihin mo ngayon? ikaw kasi, pumasok pasok pa dito!"

"Eh sumunod ka rin naman eh!"

"Heh ewan ko sa--" pareho kaming napatigil nang biglang may narinig kami na malakas na pag palo "T-Teka, ano yun?" Bulong ko.

Sinubukan kong silipin kung sino ba ang may kagagawan nun pero pinipigilan ako ni Gelo.

"Ano ba 'tong pinasok mo, Raven?!"

R-RAVEN? T-Tama ba ang narinig ko?

"Isa kang malaking gago! Bakit hinayaan mong mangyari ang bagay na 'yon?! Arrrrgh!" Sigaw niya sabay suntok nanaman ng malakas sa mesa. Ewan ko lang pero narinig ko na para bang nasira yung mesa. Pero talaga bang si Raven yan?

Dahil sa kuryosidad hindi na ako nakapag pigil pa at sinilip ko na talaga siya. Dahan dahan akong sumilip at hindi ako pwedeng magkamali, siya nga--si Raven Blackros.

Naka tayo siya sa harap ng mesa niya dto sa opisina. Nakayuko siya at para bang ang laki ng problema niya. Tama nga ako na nasira yung mesa dahil sa pag suntok niya. Wala pa rin naman siyang pinagbago, ganun pa rin siya. Habang nakatingin sa kanya hindi ko na namamalayan na unti-unti na pala akong lumalabas sa kurtina.

"Huy! Mag tago ka nga ng maayos." Nagising yung diwa ko nang bigla akong tawagin ni Gelo kaya ayun, dali dali akong bumalik sa pagka tago. "Ano bang nangyayari sa'yo? Nakita mo ba kung sino?" Bulong niya.

"Oo nakita ko." Walang ka expresyon kong sagot.

"Eh bakit ganyan ang mukha mo?" Tanong niya.

"Kilala ko siya."

"Kilala mo yang dumating?" Tumango lang ako.

Nagulat ako ng biglang may umalis sa kurtina na pinagtataguan namin at bigla nalang ako hinawakan ng mahigpit sa leeg ko. Napa pikit ako at pilit na tinatanggal iyong kamay niya sa leeg ko.

"Gago to ah! Bitiwan mo si Yumi!" Narinig kong sigaw ni Gelo.

"Yumi?" at dahil sa narinig ko natigilan at unti-unti kong idinilat ang mga mata ko. Sa pag dilat ko nakita ko na nasa harap ko si Raven. Kitang kita ko ang pagka gulat sa mukha niya at naramdaman ko rin ang unti-unti niyang pag bitaw sa leeg ko. Nakatitig lang ako sa kanya ganun din siya. Pero bakit ganito? Although may nararamdaman ako pero yung puso ko pakiramdam ko hindi tumitibok o na eexcite man lang ngayon.

The  Vampire Royalties: HIDE & SEEKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon