Chapter 47- Mysterious Pavillion

3.1K 114 69
                                    

Yumi's POV

Nandito kami ngayon ni Raven sa tabi ng tinatawag nilang 'makulay na ilog'. Ang pagkakaalam ko tuturuan niya raw akong ilabas ang kapangyarihan ko kasi ako na raw ang papalit sa ate kong si Aurora, na siyang pinakamataas ang posisyon dito sa Transylvania. Pinaka malakas na kalahating wizard at witch daw siya, iyon ang kwento nila saakin. Until now, hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari lalo na kay James, Amanda, sa ibang Royalties, sa mga magulang ko at lalo na sa tunay kong pagkatao. Pati si Gelo nadamay tuloy.

"Yumi, I want you to say focus. Hindi to madali dahil maaaring naka salalay saiyo ang susi patungo sa Cransylvania." Hindi ko man lang naramdaman ang presensya ni Raven. Nasa harap ko pala siya at kanina pa nagsasalita.

"Alam ko." Malamig kong sabi. Napansin kong natahimik siya kaya napatingin ako sakanya. Naka kunot noo siya. "Bakit? May problema ba?"

"Wala naman. I think nagbago ka." He said. Natawa ako ng mahina nang dah sa sinabi niya.

"Lahat ng tao nagbabago."

"Why suddenly?" Tinignan ko siya. "Mas maganda pa rin yung dating Yumi. I prefer to call you Yumi Santiago than Princess Yumi eh." Tapos tumawa siya. Napatingin ako sa dimple niya. Sa labi niya. Sa mga mata niya and again, naaalala ko ang ginawa kong katangahan noon sa harap niya. Naalala ko ang ginawa kong pag amin sakanya. Naalala ko kung paano niya ako balewalain at saktan lang.

Inalis ko ang tingin ko sakanya at ibinaling ang atensyon ko sa bulaklak na pinitas ko.

Oo hanggang ngayon masakit pa rin. Pero hindi yung tipo na masakit na masakit. Hindi na tulad noon yung nararamdaman ko para sa kanya. Wala na ang pagka hanga ko sa kanya kahit na sinisigaw ng utak ko na may gusto pa ako sakanya iba pa rin talaga ang dinidikta ng puso ko ngayon. Hindi ko maintindihan.

"Hindi pa ba tayo magsisimula?" Tanong ko.

"Kamusta ka na, Yumi?" Biglang tanong niya. "Sorry pala sa ginawa ko sayo noon. I didn't mean to--"

"Raven, nandito tayo para mag ensayo diba?" Seryoso kong tanong. "Nakaraan ay nakaraan, tapos na yun. Mas mabuti pang magsimula na tayo."

"Okay." Bumuntong hininga siya, "Basta I'm sorry, Yumi."

Hindi ko na siya pinansin pa. Oo nasaktan ako ng lubos sa ginawa niya noon pero naisip ko na siguro nga dapat hindi nalang ako umamin at nagpa dalos dalos. Nakatulong ang pag alis ko sa Waldorf Academy noon dahil iyon ang naging way ko para mag bago ako ng ganito. Nag bago ako pero hindi ko akalain na ganitong pagbabago ang mangyayari saakin.

"Let's start now, Yumi." Napatingin ako kay Raven. "Dahil hindi pa natin alam kung ano nga ba talaga ang mga kapangyarihan mo, iisa-isahin natin. Bawat technique na ginagamit sa ibat ibang kapangyarihan gagawin natin." Humakbang siya papunta sa harapan ko at hinawakan ako sa magkabilang balikat, "magsisimula tayo sa telekinesis."

So tulad ng sinabi niya sinubukan namin ang mga techniques sa pag gamit ng telekines. Gamit ang isip ko at kamay kailangan kong maipagalaw o mailutang sa ere ang palakang nasa harap ko ngayon pero kahit anong gawin ko ayaw talaga.

Telekines, teleportation, healing, pag lipad o kahit ano pa hindi talaga.

"Alam mo Raven siguro nga hindi ako ang makakatulong sa inyo. Baka nagkakamali lang kayo sa inaakala niyo." Sambit ko at naglakad na paalis. Naramdaman ko naman na naka sunod siya sa akin.

"No Yumi! Sigurado kaming lahat na isa ka sa nawawalang kapatid ni Aurora." Napahinto ako. "Alam kong may kapangyarihan ka." Humarap ako sa kanya ng naka kunot ang noo.

"Anong sabi mo? Isa ako sa nawawalang kapatid ni Aurora? Ibig sabihin---"

"Ibig sabihin may isa pang nawawala na kapatid niyo. Wala kaming balita sakanya. Hindi namin alam kung nasaan siya."

The  Vampire Royalties: HIDE & SEEKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon