Erin's POV
Mag-isa at tahimik lang ako habang nanonood ng TV. Kain lang ako ng kain na parang wala ng bukas.
Umalis na sila James kaya back to normal na ulit ang buhay ko. Nagpaalam siya sa akin kanina na kailangan na raw nilang umalis. Maghahanap sila ng bahay dahil ayaw niyang maka sabagal sa akin. Okay lang naman sa akin na dito na sila tumira eh, pero hindi talaga pumayag si James.
Ilang beses akong bumuntong hininga habang nanood ng TV. Hanggang sa napahinto nalang ako ng dahil sa head ng balita.
"Isang sikat na actor na si Cj Mendez third party sa relasyon ng isa ding sikat na actor na si Dylan Glamour sa girlfriend nito."
Dahil sa balitang yun agad kong pinatay ang TV. Leche talaga. Ba't pa ba ako nasangkot sa issue na yan? Naku. Sinira ni Dylan Glamour ang tahimik kong buhay. Noon hindi naman nangyari ito, kahit nung kami pa ni Cj walang nangyaring ganito. Walang naka alam ni isa sa mga tao. Tapos tuwing nagkikita kami masyadong pa'sikreto. Pero nang dumating sa buhay ko si Dylan, wala na. At ang mas malala, si Cj pa ang nagmukhang masama.
Speaking of Cj, kamusta na kaya siya? Alam na kaya niya ang tungkol dito? Imposible naman kung hindi diba? Kahit anong gawin ko hindi ko maiwasan ang mag alala sa kanya. Kahit na sinaktan niya pa ako hindi ko maiwasa na isipin ang kalagayan niya ngayon. Sigurado ako na guguluhin nanaman siya ng media. Kahit ganyan si Cj, isa siya sa pinaka importanteng tao sa buhay ko. Mabait naman siya eh. Mapagmahal pa at iyan ang mga katangihan na nagustuhan ko sa kanya.
Napahinto ako sa pag-iisip ng biglang may nag doorbell. Sino nanaman kaya yan? Sana naman si James. Agad akong tumungo sa may gate at binuksan ito. Haay, hindi na talaga ako mag e-expect sa susunod.
"anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. Naka tingin lang siya ng seryoso sa akin at bigla nalang ako hinila papasok sa bahay, "O-oy! Ano ba! Bitiwan mo nga ako!" pinalo palo ko ang kamay niya na naka hawak sa wrist ko, "Ano ba!" pina upo niya ako sa sofa kaya tinignan ko siya ng masama, "Ano sa tingin mo yang ginagawa mo?!" sigaw ko.
Tumayo siya sa harap ko habang naka lagay ang dalawang kamay niya sa bewang niya. Bumuntong hininga siya at napa kagat sa labi. Shet, bakit ang hot mo Dylan Glamour? "Alam ko na mabubwiset nanaman sa akin ang CEO ng agency ko kung gagawin ko ito."
"anong pinagsasabi mo?" tanong ko sa kanya.
"I've decided not to bother you anymore. Let's end this issue. Tama na ang pagpanggap." umiwas siya ng tingin sa akin, "bukas harapin mo na ang mga reporters. Sabihin mo ang lahat lahat. Tatapusin ko na rin ang kontrata ko na sana noon ko pa ginawa. Aalis na ako."
Hindi ako naka imik dahil sa mga sinabi niya. Seryoso ba siya? Haharapin ko talaga ang mga reporters bukas? Paano kung may mangyaring masama sa akin? Teka teka, bakit ba ang daming kong reklamo? Tss.
Tumayo na ako nang mapansin ko si Dylan na hanggang ngayon ay naka tayo pa rin. Akala ko ba aalis na siya?
"Akala ko ba aalis ka na?" hindi siya nag salita. Problema nito? Lumapit ako sa kanya, "Oy, akala ko aalis ka-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng makita ko siya. Kaya pala hindi pa umalis si Dylan dahil nandito siya. Anong ginagawa niya dito? Tinignan ko si Dylan, masyadong masama ang tingin niya. Kulang nalang magkaroon na ng kidlat sa pagitan nilang dalawa.
BINABASA MO ANG
The Vampire Royalties: HIDE & SEEK
VampireTHE SEARCH IS NOT YET OVER. Dahil sa isang pagkakamali ay muling babalik ang propisiya na siyang iniiwasan ng lahat. Palaging may mawawala at palaging may magtatago. May bagong labanan nanaman kaya? Ito na kaya ang huli? ABANGAN!!! THE VAMPIRE ROYAL...