Chapter 44- Replace

3.5K 122 64
                                    

Third Person's POV

Nagulat ang lahat sa ginawang anunsyo ni Lina. Maging si Amanda at Raven ay parehong hindi naka imik sa kanilang mga nalaman.

"W-wala akong kapatid." Wika ni Yumi na hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala sa kanyang mga nalaman. "Alam niyo ba kung ano ang mga pinagsasabi niyo?"

"Ang mga magulang mo Yumi ay kampon ni Miranda." Nagulat ang lahat sa sinabi ni Lina "Bata ka pa lang inilayo ka na ng mga taga Cransylvania sa ate mo at inutusan ni Miranda ang dalawa sa mga puppet niya." Tuloy tuloy na sabi ni Lina "pero dahil malakas si Aurora nagawa ka pa rin niyang hanapin. At hindi niya akalain na sa Waldorf Academy ka niya matatagpuan."

Hindi naka imik si Yumi. Para bang may kung anong gumugulo sa isipan niya. Hanggang sa may bigla nalang siyang naalala. Iyong mga panahon na nasaktan siya ng lubos kay Raven, may isang babae na nagpakita sakanya.

"A-Aurora.." Pag banggit niya sa pangalan nito. "Aurora, siya yung babaeng nag bigay ng panyo sa akin noon at sa panyo na binigay niya naka burda ang pangalan niya."

"Tama ka nga, nagpakita sayo noon si Aurora at kung hindi ako nagkakamali, may ginawa siyang kakaiba sa puso mo." Agad na kumunot ang noo ni Yumi at napahawak nalang siya sa dibdib niya.

"S-Sa puso ko? Anong ibig mong sabihin?" Tanong niya.

"Ginawa niyang manhid ang puso mo upang wala ka nang maramdaman pa. Dahil bawal magmahal ang kung sino man ang pwedeng papalit sa pwesto ni Aurora dahil magiging kahinaan lamang iyon."

"Ibig sabihin ba Lina, alam na ni Aurora noon pa na mangyayari ang mga 'to?"

"Tama ka Princess Amanda." Napatingin naman si Yumi kay Amanda.

"Princess Amanda? Pati siya kapatid ni Aurora?" Bakas na talaga sa pagmumukha ni Yumi na sobra sobra na siyang naguguluhan sa mga nangyayari. Natawa ng mahina ang mga apprentice sa tanong ni Yumi.

"Si Princess Amanda ang Pureblood Princess dahil siya ang itinakda kay Prince James." Sagot ni Sean

Nanlaki ang mga mata ni Yumi sa sinabi ni Sean. Hindi siya makapaniwala.

"Totoo ba ang sinabi niya, Amanda?" Napakamot na lamang si Amanda sa kanyang batok at tumango. "Sandali, naguguluhan ako." Sambit ni Yumi.

"Siguro Lina kailangan na natin siyang dalhin kay Ramon. Si Ramon na ang bahalang ipaintindi sa kanya ang lahat." Request ni Sean. Tumango naman si Lina at agad na inilahat ang kamay ni Yumi sa kanya at sinasabi na sumama sakanila. Nag dadalawang isip pa sana siya pero sa huli wala na rin siyang nagawa kundi ang sumama sa mga ito. Naiwan sila Raven at Amanda sa labas ng Pavillion pati na rin ang kaibigan ni Yumi na si Gelo na hanggang ngayon ay nasa after shock pa rin.

"Anong gagawin natin dito?" Tinuro ni Amanda si Gelo gamit ang kanyang nguso.

"Ako na ang bahala, Amanda. Dadalhin ko nalang muna siya sa kwarto ko." Lumuhod si Raven at ibinaba si Gelo sa kanyang likuran. "Magpahinga ka na." Nakangiting sabi nito kay Amanda.

"Salamat sa pagdala kay Yumi dito, Raven." Napatigil ito "kung hindi dahil sayo hindi natin malalaman ang lahat lahat. Ang laki mong tulong Raven." Napabuntong hininga si Raven at hindi na nilingon pa si Amanda.

"Basta para sayo. Sig na, magpahinga ka na." Sambit ni Raven bago naglakad paalis.

Naiwang mag-isa si Amanda at ilang beses na napa buntong hininga dahil sa mga nangyayari. Hanggang sa bigla nalang pumasok sa isip niya si James at ang mga nangyari kani kanina lang. Hindi pa huli ang lahat--isip niya. Kahit masakit, kakayanin niya. Mahal niya si James kaya tulad ni James gagawin niya rin ang lahat maalala lang siya nito.

The  Vampire Royalties: HIDE & SEEKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon