Chapter 42- Meet Again

2.5K 107 15
                                    

Raven's POV

"Kailan ka pa bumalik?" tanong ko kay Yumi. Hindi ko akalain na magkikita kami ulit. Akala ko hindi na siya babalik.

"Matagal tagal na rin" sagot niya. Isa rin sa mga napansin ko ang pagbabago niya. Kung noon napaka jolly niya ngayon madalas na siyang naka poker face. I don't know kung anong nangyari sa kanya. "Siya nga pala, anong nangyari dito sa Waldorf Academy? Sino ang sumunog?" Tanong niya.

"AKO," diretso kong sagot. Napahinto siya sa paglalakad ganun din kaming dalawa ng kaibigan niya.

"Bakit mo yun ginawa?"

"Utos mismo ni James. Mahabang istorya, Yumi. Madami nang nangyari."

"Si Amanda? Kamusta siya?" Tanong pa niya. Oo nga pala, hindi alam ni Yumi na isang pureblood Princess si Amanda. Ang pagkaka alam niya lang ay naging bampira ito pero hindi niya alam na siya ang Pureblood Princess.

"Okay naman siya." sagot ko. Hindi niya rin alam na may anak na si James at si Amanda.

"Pwede ko ba siyang makita?" tanong niya habang naglalakad na kami palabas dito sa Waldorf Academy.

Pwede nga ba? Siguro naman. Alam ko na matutuwa si Amanda kapag nakita niyang muli si Yumi at masaya na ako kapag nakitang masaya si Amanda.

Tumango ako kay Yumi bilang tugon. Paglabas namin ng Waldorf Academy napansin ko na parang may lumiliwanag sa kanyang batok--- isang hugis bituin.

"San ba tayo pupunta?" biglang humarap sa akin si Yumi, "bakit Raven? May problema ba?"

"Ha? Wala wala." Pagsisinungaling ko.Weird, wala namang ganoon na tattoo si Yumi dati ah?

"San tayo pupunta?" Tanong ulit ni Yumi. Biglang nagising ang diwa ko sa tanong ni Yumi. Nasa tattoo niya kasi nakatuon ang buong atensyon ko. Tumingin lang ako sa kanya at nginitian nalang siya.

"Pupunta tayo sa Transylvania." Sagot ko.

"Transylvania?" Nagtataka niyang tanong. Tumango lamang ako, "Ngayon ko lang narinig ang lugar na yan ah?"

"I know. That place is extraordinary."

"Weh?" Biglang sumingit yung kasamang lalaki ni Yumi sa usapan, "baka mamaya kung saan mo kami dalhin ni Yumi dyan e."

"Gelo, manahimik ka nalang." Sabi niya rito. Tumingin siya sa akin ngumiti ng tipid--hindi na katulad ng mga ngiti niya noon, " Tara. Alis na tayo?" Tumango lang ako.

Nauna silang naglakad ng kaibigan niya habang ako naman ay naka sunod lang sa kanila. Siguro naman okay lang sa lahat na dalhin ko ang dalawang 'to sa Transylvania lalo na ngayon, para kay Amanda. Alam ko na kailangan niya ng karamay ngayon at sigurado ako na matutuwa siya sa pag balik ni Yumi. Okay na yun, para kahit papano maging masaya siya, makita ko lang siya na masaya sapat na yun para saakin.

"Bakit ka nga pala nagwawala kanina sa loob?" Biglaang tanong ni Yumi saakin. Napatigil ako, "Bakit?" Tanong niya.

"W-wala. Tara na. Kailangan na nating umalis dito."

Jade's POV

Alam kong ang tanga tanga ko na dahil patuloy pa rin akong umaasa kay Amanda. Pero hindi eh, mahirap nang iwasan ang nararamdaman ko. Oo alam ko na hanggang ngayon kapatid pa rin ang turing niya sa akin. Pero hayaan niya lang ako na bantayan at alagaan siya habang hindi pa nagiging okay ang lahat. Bahala na nga talaga.

Badtrip akong naglakad pabalik sa headquarters. Kahit gustuhin ko mang samahan si Amanda wala pa rin akong magagawa. Gusto niyang mapag-isa kaya hahayaan ko nalang muna siya.

The  Vampire Royalties: HIDE & SEEKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon