Third Person's POV
Papatayin na sana ni James nang biglang naglaho si Gilbert na parang bula. Ni hindi siya kumurap o pumikit man lang, ngunit paano? paano nawala ng ganun ganun lang si Gilbert?!
"What the--- where's Miranda and Veronica?!" maging sila ay nakawala rin kay Kristina. Napatakbo palapit sakanila si James.
"Anong nangyayari? Pano nangyari 'yon?" nagtatakang tanong ni Raven.
"May tumulong kay Gilbert." sagot naman ni James. "Hindi pa natatapos dito ang laban kaya huwag tayong kampante. Alam ko na gagawa at gagawa si Gilbert ng paraan upang matalo tayong lahat."
Napadabog sa inis si Kristina ganun din si Kristoff. Ilang beses namang napabuntong hiniga si Raven at Yumi. Samantalang si Amanda ay kanina pa naka upo at umiiyak. Lumapit si James sakanya at lumuhod sa harapan niya.
"Amanda," malambing na tawag ni James. Miss na miss niya na ang kanyang asawa. Matagal tagal na rin silang hindi nag uusap simula nang mamatay siya, mawalan ng malay at muling nagising. Gustong gusto niya mang yakapin si Amanda noong pag gising ngunit di niya magawa dahil natatakot siya na baka hindi pumayag si Amanda na makipaglaban mag isa si James. Pero ngayon wala na siyang magagawa, at kahit anong gawin niya laban pa rin nilang dalawa ni Amanda ito.
Hinawi niya ang buhok ni Amanda at pinunasan ang mga luha na patuloy na umaagos.
"I'm sorry." tanging nasabi ni James at niyakap si Amanda. Malakas na humagulgol si Amanda at natahimik nalang sila at iba pang mga Royalties. Alam nila kung gaano kahirap para kay Amanda na patayin ni James ang tatay niya. At alam din ng lahat kung gaano kahirap para kay James na patayin ang tatay ng pinaka mamahal niyang babae. Ngayon pa lang, nasasaktan na siya sa tuwing nakikita ang pag iyak ni Amanda.
"Rafael! Rafael!" napatigil naman ang lahat at sabay na napalingon kay Kristoff na ngayon ay higa higa si Rafael sa kanyang lap. "Wag kang pumikit! Rafael!" at dahil sa nakikita ni Amanda ngayon ay muli siyang humagulgol sa pag iyak. Nanghihina si Rafael at si Jade naman ay pilit na pinapagaling ni Raven. Tumakbo palapit ang mga Apprentice kay Rafael pati na rin sila Kristina.
"S-Salamat sa inyong lahat." nanghihinang sabi ni Rafael. Nilingon niya si Amanda na ngayon ay patuloy pa rin sa pag iyak, "P-Princess Amanda, m-maraming salamat sa lahat. D-Dahil sayo nakilala ko ang sarili ko. D-Dahil sayo nagising ako sa katotohanan." at dahil sa sinabi nito ay agad na tumakbo palapit si Amanda sakanya. Simula nang makarating si Rafael sa Transylvani, hindi sila gaanong nakakapag usap ni Amanda dahil sa mga nangyayari kaya lubos na nasasaktan si Amanda ngayon. Si rafael din ang tumulong sakanya upang maka takas mula sa Cransylvania kaya malaki ang utang na loob niya dito.
"R-Rafael, lumaban ka." hinawakan ni Amanda ang kamay niya, "Gaganti tayo kayla Miranda kaya lumaban ka, ha?"
"I-Iganti nyo nalang ako. P-Pakisabi kay mama na mahal na mahal ko siya kahit pa na puppet lang ang turing niya sakin. P-Pakisabi na totoong nanay na ang turing ko sakanya." Hinang hina na si Rafael ngayon, "S-Salamat sa inyong lahat. Princess Amanda, g-gusto kita. G-Gustong gusto kita---" sa huling pagkakataon ay nagawa na ring aminin ni Rafael ang nararamdaman nya para kay Amanda.
* Cranyslvania *
"Nasaan nanaman ang batang 'yon? Hanapin nyo si Rafael ngayon din!" utos ni Miranda.
"Masusunod!"
Ngumisi lamang si Rafael noong mga oras na yon at umalis na. Gawain nyo na talaga ang mag ikot ikot sa gubat at maghanap ng pwede niyang pag libangan. Ayaw nya kasing manatili lang sa loob ng Cransylvania dahil lagi nalang nagagalit ang kanyang ina na si Miranda. Simulang nang maka balik si Miranda ay sya na halos lahat ang gumagawa ng plano kaya si Rafael ay medjo nababalewala na rin.
BINABASA MO ANG
The Vampire Royalties: HIDE & SEEK
VampireTHE SEARCH IS NOT YET OVER. Dahil sa isang pagkakamali ay muling babalik ang propisiya na siyang iniiwasan ng lahat. Palaging may mawawala at palaging may magtatago. May bagong labanan nanaman kaya? Ito na kaya ang huli? ABANGAN!!! THE VAMPIRE ROYAL...