Chapter 9- New?

6.3K 202 49
                                    

Erin's POV



Huy Erin! Kumalma ka! Para ka namang shunga na hindi mapalagay dyan eh!


Ano ba kasi ang nangyayari sa akin?


Kanina pa to eh. Gabi na ngayon tapos hindi pa rin ako mapalagay. Napatingin ako sa kamay ko. Kanina nung hinawakan ni James ang kamay ko para bang nakaramdam ako ng kakaibang kabog sa dibdib ko. Hala, ano ba 'tong nangyayari sa akin?



"Erin."


"Ay kabayo!" napahawak ako sa dibdib ko, "O-Oh James, n-nandyan na pala kayo." umiwas ako ng tingin sa kanya.


"May problema ka ba?" tanong niya. Aba, isang himala ata. Ngayon niya lang ako tinanong ng ganyan ah.


"W-Wala naman. Hehe. Kumain na ba kayo? Ipaghahanda ko kayo." tanong ko sa kasama niyang si Kurt. Tumango naman ito, "sige sandali lang."


"Wait Erin." Napahinto ako ng tawagin ako ni James. Nag aalanganin pa akong tumingin sa kanya.


"B-Bakit?" Erin! Umayos ka nga!


"Tutulungan kita."


Nagulat ako sa sinabi niya, "Ha?"


"I will help you." he said.


"Ako?" tinuro ko ang sarili ko, "tutulungan mo?" hindi ko makapaniwalang tanong.


"Yup. May problema ba?"


"W-Wala naman." nagkibit balikat ako. Naunang pumunta sa kusina si James habang ako hindi pa rin makapaniwala sa mga kinikilos ni James ngayon. Tinignan ko ang kasama niyang si Kurt, "anong meron sa kanya?" I mouthed. Pero ayun, wala ring idea si Kurt.


Tumungo nalang ako sa kusina para sundan si James. May kakaiba talaga sa kumag na 'to. Hindi ko lang alam kung ano pero feeling ko merong nangyari sa kanya. Tulalang tulala lang ako sa kanya, kasi naman siya ang nag handa ng lahat. Siya ang nagluto, nag hugas ng mga natirang pinggan. Isang himala talaga! Ngayon ko lang rin nalaman na marunong pala siyang mag luto.


Wow. As in wow!


"Will you stop looking at me?" biglang sabi niya habang nag huhugas ng kamay.


"A-Ano kasi..naninibago lang talaga ako sa'yo."


"You know what Erin, people change." tumingin siya sa akin habang pinupunasan ang mga kamay niya "people change for the better."


Hindi ako naka imik.


Change? Sandali lang. Kaya ba siya nagkakaganito dahil dun sa fiance niya? Dahil sa panloloko sa kanya ng harap harapan? Kaya ba naisipan niyang magbago para makalimutan ang lahat? Bakit ngayon ko lang ba naalala? Hmp.

The  Vampire Royalties: HIDE & SEEKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon