Julia's POV
"K-Kristoff?" Is this real? Totoo bang buhay siya? Ngunit, paano?
Ngumiti lang siya sa akin, "Ako nga, Julia."
"P-Paanong buhay ka? A-Anong nangyari?" Nauutal kong tanong sa kanya. Bukod sa hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari, sumasabay pa ang pag bilis ng heart beat ko. Ano ba naman 'tong nangyayari sa akin?
"Mahabang istorya." he said. Humarap siya kay Blaze, "Si ate?"
"Nasa taas, sa kwarto niya."
Tumango si Kristoff at mukhang pupuntahan na sana si Kristina ng bigla ko siyang tanungin muli, "How did you know na nandito kami ngayon?" Napahinto siya, "Sinong may sabi sayo na nandito kami?"
Nilingon niya ako. Hindi ko alam kung bakit pero may kakaiba sa mga tingin niya, "Kailangan ko pa bang sabihin?" Tumawa siya ng mahina, "I used my powers of course. Hindi ba malakas ang pandinig ko?"
"p-pero--"
"Pupuntahan ko muna si ate."
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil agad siyang umakyat para puntahan si Kristina. Natahimik ako. Ba't ganito? He's strange. Yung mga tingin niya sa akin, yung mga ngiti niya, kakaiba.
Third Person's POV
"Anong plano mo ngayon?" tanong ni Raven kay James habang naglalakad sila pabalik ng bahay. Malinaw na ang lahat para kay James na hindi si Amanda ang babaeng nakausap niya at lalong lalo na ang hinalikan ni Hector.
"I'll wait for her." he answered.
"Don't wait for her, just go and find her." sambit ni Raven, "pero James, sinabi mong hindi mo na siya mahal," natigilan si James, "sinabi mong mahal mo na si Erin kaya panindigan mo 'yon."
"Baliw ka na ba Raven?!" sigaw ni James, "Ano bang problema mo ha?! Bakit ba kinakalaban mo na ako ngayon?!"
Ngumisi si Raven, "hindi kita kinakalaban James. Pinapamukha ko lang sa'yo lahat ng pagkakamali mo," tinignan siya ng seryoso ni Raven, "Mahal mo si Erin diba? Para san pa kung babalikan mo si Amanda?"
"Damn you Raven!" sinuntok niya ng malakas si Raven, "Mahal ko si Amanda!"
Tumayo si Raven, "Eh bakit sinabi mong mahal mo si Erin?" tanong ni Raven, "sa tingin mo ano ang magiging reaksyon ni Amanda kapag nalaman niyang may mahal ka ng iba? Masasaktan nanaman siya. Pang ilang beses na James? Maraming beses na. Kaya kahit hindi niya ako kayang mahalin, gagawin ko ang lahat. Hindi man nagawa ni Jade pwes ako, magagawa ko."
"Bullshit!" sinuntok siya muli ni James. Galit na galit na si James ngayon. Sinubukan siyang awatin ni Kurt pero hindi nito nagawa, "Mahal ko si Amanda! Kaya wag kang magkakamaling agawin siya sa akin!"
BINABASA MO ANG
The Vampire Royalties: HIDE & SEEK
VampireTHE SEARCH IS NOT YET OVER. Dahil sa isang pagkakamali ay muling babalik ang propisiya na siyang iniiwasan ng lahat. Palaging may mawawala at palaging may magtatago. May bagong labanan nanaman kaya? Ito na kaya ang huli? ABANGAN!!! THE VAMPIRE ROYAL...