Chapter 34- Conceived

3.4K 110 18
                                    

Third Person's POV


"Bakit ba ang tatanga niyo?!!! Sinabi kong libutin niyo ang buong lugar ng mahanap ang Carlo na yan! Ganun lang ka simple bakit hindi niyo pa magawa ang inuutos ko sa inyo?!!!!" galit na galit na sigaw ni Gilbert habang isa isang tinututukan ng baril ang kanyang mga tauhan. "Kailangan ko ng patayin ang batang 'yon!!!"


"P-Pero paano po namin siya mahahanap kung hindi namin alam kung anong kanyang itsura?" tanong ng isa sa kanyang mga tauhan.


"Sumasagot ka pa?!!!! Ha?!!!" nagulat nalang ang lahat ng biglang barilin ni Gilbert ito. "Mga wala kayong kwenta! Mga inutil!" tumingin naman si Gilbert kay Stella na tahimik na naka tayo sa tapat ni Clyde. "At ikaw!" lumapit siya kay Stella at mahigpit na hinawakan ang panga nito. "Alam kong may alam ka kung nasaan si Carlo! Magsalita ka ngayon!"


"Hindi ko alam kung nasaan ang batang 'yon!" sagot niya.


"Kuya tama na! Babae yan!" -Clyde


"Isa ka pa!" sigaw ni Gilbert sa kanyang kapatid na si Clyde. "Sige lang hangga't walang nagsasalita sa inyo, unti-unti kong papatayin ang mga malalapit sa inyo! At ikaw Clyde, hintayin mo lang at baka matulad sa tauhan kong yan ang kasabwat mong si Karlie Cross!"


Hindi na nagsalita pa si Clyde. Alam niya na kahit anong gawin niya wala rin siyang mapapala. Nababaliw na ang kuya niya at kinain na ito ng demonyo, wala na siyang magagawa pa para pigilan pa ang kademonyohang ginagawa ng kuya niya.


"Boss!" biglang dumating ang isa sa kanyang mga tauhan. Hinihingal pa ito. "S-Si Master F-Felip! N-Nandito!"


"Ano?!" nataranta ang lahat maging si Gilbert. Si Felip, ang ama ni Rebecca at ang Presidente ng Hunters Association. Ano nalang kaya ang mangyayari kapag nalaman niya na pinatay ng kanyang pinagkakatiwalaang hunter ang kanyang nag-iisang anak na si Rebecca? "Itago niyo ang bangkay ni Rebbecca ngayon din pati na rin ng lalaking yan!" dali dali namang kumilos ang mga tauhan niya, pati na rin siya. "At kayong dalawa!" tinuro niya si Clyde at Stella. "Wag na wag kayong gagawa ng ingay kundi papatayin ko kayo!" sigaw nito bago lumabas at malakas isinara ang napaka laking pintuan.


Naiwan si Clyde pati na rin si Stella sa loob. Tahimik lang silang dalawa ng biglang magsalita si Cylde. "Alam mo ba kung nasaan si Carlo?" tanong niya kay Stella.


"You mean si Jade Waldorf ba?" napatingin si Clyde sa kanya. "Hindi ko alam kung nasaan na siya ngayon pero kilala ko siya at alam ko ang mga nangyari sa magulang niya."


"Paano ka ba napunta sa lugar na 'to?" naglakad si Stella palapit sa isang maliit na mesa at doon umupo, kaharap si Clyde.


"Pati ba naman iyan gusto mong malaman?" natawa si Stella ng mahina. "Detective ka nga talaga."


"Seryoso ako. Gusto kong malaman ang lahat." seryosong nakatingin lang si Stella kay Clyde na seryoso ding naghihintay sa mga magiging sagot niya. Wala na rin siyang nagawa kundi ang mag kwento nalang at sabihin ang mga nalalaman niya.


"Mas pinili kong huwag tumakas at manatili nalang dito," kumunot ang noo ni Detective Clyde "Tinraydor ko ang kapatid kong si Josephine dahil sa inggit. Nilamon ako ng inggit at galit noong mga panahon na 'yon. Nakipag sunod ako kay Gilbert para makuha nila si Josephine. Iyon lang ang ginawa ko."

The  Vampire Royalties: HIDE & SEEKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon