Chapter 24- Escape

5.2K 179 31
                                    


James POV

"Prince James," tawag sa akin ni Lina, isa sa Apprentice. Nasa labas ako ng kwarto ko at papasok na sana ng bigla siyang dumating.


"Bakit? Anong kailangan mo?"


"Alam na ni Aurora kung ano ang natatanging paraan para bumalik ka sa dati."


Nakaramdam ako ng tuwa, "Talaga? Ano iyon?"


"Siya lang ang makakapagsabi sa'yo Prince James. Sige mauna na ako at babalikan lang namin kayo bukas ng madaling araw."


She bow at me bago umalis.


I can't wait. Magiging maayos na ang lahat at babalik na rin ako sa dati. Magiging malakas na muli ako at hindi ko sasayangin ang mga pagkakataon para mailigtas ko ang lahi namin. Like what I have said before, I will do everything.


Pumasok na ako sa loob ng aking kwarto. Nasa baba pa ang iba at binabantayan ang mga kalaban. Sinubukan namin silang kausapin tungkol sa Cransylvania, sinubukan din naming itanong sa kanila kung paano makakarating sa lugar na iyon ngunit wala kaming nakuhang sagot. Kahit anong pagbabanta ang ginawa namin, kahit sinaktan na naming sila ng paulit ulit wala pa rin. Talagang ang titigas nila. Bukas kapag hindi pa sila nagsalita, papatayin na naming sila.


Itinabi ko ang kurtina ng malaking bintana sa kwarto ko. I crossed my arms habang nakatingin sa buwan. Hanggang ngayon hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa para mahanap si Amanda. Kung noong una wala akong ginawa, pwes ngayon hindi na ako mag aaksaya ng oras. I love her, I will do everything for her. At kapag bumalik na siya, I'll make sure na magiging maayos na ang lahat kahit pa na maging hadlang pa sa amin ang propisiya na yan. Matagal tagal na rin, kailangan ko na siyang makita. I missed her so much, my pureblood Princess.


Napahinto ako sa pag-iisip ng biglang pumasok si Kurt sa kwarto ko. May dala siyang bimpo, tubig at mga gamot para sa sugat ko.


"Prince James," lumapit siya sa akin, "Gamutin ko na po ang sugat mo."


"Salamat Kurt,"


Umupo siya sa tabi ko. Tumalikod ako sa kanya at tinanggal ang suot kong damit. Ilang saglit pa ay nagsimula na siyang gamutin ito.


"Ang laki ng sugat mo Prince James." he said, "Bakit ayaw mong ipaalam kay Prince Raven ang tungkol sa'yo? Bestfriend mo siya diba?"


"Hindi ko alam kung mapapagkatiwalaan ko pa rin ba siya."


"May gusto din siya kay Princess Amanda," napatingin ako sa kanya, "anong gagawin mo Prince James kapag naka balik na siya?" tanong niya at sunod namang ginamot ang sugat na nasa binti ko. Natahimik ako ng ilang minuto, "Isa pa, wala pa pong alam si Erin."


Oo nga, si Erin, "I don't know Kurt. Di ko alam anong gagawin ko."


The  Vampire Royalties: HIDE & SEEKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon