Chapter 56- New Pureblood

601 20 2
                                    

Third Person's POV


"James, kailangan natin mag usap." Sambit ni Josephine nang agad silang makapasok sa loob ng bahay. Nawala na rin ang Red Full Moon at maliwanag na ulit ang kalangitan. Agad naman sumunod si James sa kanyang mama at tumungo sila sa may Maze Garden.

"Anong ibig sabihin non mama? Ikaw lang ang may alam ng buong detalye tungkol sa propisya."

"James, listen. Nag bago na ang propisiya." Biglang nanlaki ang mga mata ni James, "Si Rebecca.. siya ang bagong pureblood."

"P-Pero pano nangyari 'yon?"

"Hindi ko rin alam. Siguro ay tumalab pa rin ang kagat ko James and just like what I did to Amanda before naging pureblood din siya. She's the newest pureblood which means malakas din siya tulad ni Amanda."

"Kailangan malaman ni Amanda to!" Agad pinigilan ni Josephine si James. "Mama, may karapatan siyang malaman to."

"And you think kapag nalaman ni Amanda to matutuwa siya lalo na't ang mama niya ang bagong itinakdang papatay kay Gilbert!" Nagulat si James sa sinabi nito, "Listen James, sa oras na malaman ni Amanda ang tungkol dito maaaring pigilan niya si Rebecca. Remember before? Pinigilan ka rin niya na patayin si Gilbert?" Hinawakan niya si James sa magkabilang balikat, "This is our last chance James. Si Rebecca, siya ang tatapos ng lahat dahil siya ang itinakda ng propisiya. Ibig sabihin wala na kayong ibang gagawin kundi ang patayin ang mga nasa Cransylvania lalo na si Miranda. At sa puntong to, matatalo na natin sila dahil pwede nang tumulong ang kahit na sino sa atin. Hindi dapat tayo mag aksaya ng oras ngayon na may pag asa na tayo! Kaya kailangan na nating kumilos at baka madamay pa ang mga anak ninyo ni Amanda at ayaw kong mangyari yon!"

Hindi nakapag react si James sa sinabi ni Josephine. May punto nga ito dahil noong laban ni Gilbert at James papatayin niya na sana ito kaso pinigilan siya ni Amanda. Ngayon na si Rebecca naman ang magiging way nila para matalo si Gilbert malaki rin ang posibilidad na kokontra si Amanda dahil ang mga magulang niya ang maglalaban.

Napabuntong hininga siya. Naguguluhan siya. Kapag nalaman ni Amanda na alam ni James ang tungkol dito at walang sinabi ito sakanya tiyak na magagalit si Amanda. Pero kailangan niya pa ring gawin, kailangan niya pa ring itago to kay Amanda para matapos na ang lahat ng 'to.

"Kailangan kong pumunta sa Transylvania para makita si Rebecca. Gusto ko rin makita ang katawan ng iyong Tita Stella." Hinawakan niya sa magkabilang balikat si James, "Isasama ko si William, Blaze at Yumi. At mamaya, susugod tayo sa Cransylvania. May tiwala ako sayo James. Kausapin mo na ang lahat pag alis ko." Tinapik ni Josephine ang balikat ni James at pinuntahan si Blaze.

"What?!" Napatayo si Julia ng dahil sa sinabi ng kanyang kuya na si James. Kasalukuyan silang nag uusap ngayon sa may sala. Nasa isang tabi naman ang kambal at naglalaro kasama si Kurt, "bakit kailangan tayo ang susugod sakanila?" Tanong ni Julia.

"Dahil nagbago na ang propisiya." Sagot ni James.

"Sino ba kasi ang bagong Pureblood na yan?!" Padabog na tanong ni Julia. Napabuntong hininga naman si James at tumingin kay Amanda. Halatang malalim din ang iniisip nito.

"Ang ibig mong sabihin pwede nang tumulong at kahit na sino sa amin?" Tanong ni Jade at tumango naman si James, "Pero isa pa rin sainyo ni Amanda ang papatay kay Gilbert Lazaro?"

"Tama ka. Mamaya susugod na tayo sakanila."

"Pero paano?" Tanong naman ni Raven, "Si Yumi ang susi natin kung paano makapunta sa lugar na 'yon pero bat isinama siya nila Queen Josephine?"

"Naaalala nyo pa ba ang kaisa isang kristal na binigay sa atin ni Rafael noon? Iyon ang gagamitin natin." Napansin naman nila ang pag tayo ni Lina at agad niyang inilagay ang isang maliit na kahon sa mesa na nasa gitna nila. Binuksan ni Raven ang kahon at nakita niya ang isang bagay --- ang itim na kristal.

The  Vampire Royalties: HIDE & SEEKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon