Detective Clyde's POV
Anong nangyayari? Bat ang daming taong nagkakagulo?
Bumaba ako kotse ko para malaman kung ano ba ang nangyayari dahil sa sobrang dami ng mga taong nag tutumpukan sa daan. Ang iba ay nagsisig
"Anong kaguluhan ba 'to? Isa akong Detective. Nakakaistorbo kayo sa daraanan ng mga tao." sabi ko.
"Nandito na ang mga bampira!" napatigil ako sa narinig ko. "Kailangan na nating umalis dito at baka madamay pa tayo!"
"Sandali! pinigilan ko yung taong nagsalita at mukhang tatakbo na ata paalis, "Anong bampira ang mga sinasabi mo?"
"Hawak ng mga tinatawag na mga Vampire Hunters ang mga bampira ngayon. Yung mga bampirang nagmamay-ari ng Waldorf Academy! Umalis na rin kayo at baka pati kayo madamay!" Sigaw nito saka tumakbo paalis. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at dahil don, wala akong choice kundi ang makipag siksikan sa mga tao.
Hindi pwede. Hindi pwedeng mangyari ang nangyari na noon. Madaming madadamay at madaming pwedeng mamatay tulad ng sinabi ni Stella.
Pagdating ko sa harap, nakita ko sila Kuya. May mga kasamang taong naka itim at sa harap nila naka luhod ang apat na tao---mali, mga bampira. Nakatali ang mga kamay nila at ang isa sakanila ay may takip sa mga mata. Napansin kong nakita ako ni kuya pero ngumisi lang siya ng nakaka asar. Tinignan ko ang mga tao na nasa paligid ko, lahat sila natatakot. Ang iba sakanila ay pinagbabato ang mga bampira at sinisigawan ng kung ano.
"Wag kayong mag alala dahil mamaya may darating pa na mga bampirang tulad nila. Wag kayong matakot dahil pwede nyong gawin kung ano ang gusto nyong gawin sa mga halimaw na tulad nila!" Sigaw ni Kuya. At dahil sa sinabi niya mas dumami ang bumabato sa mga bampirang hawak nila.
Hindi pwede, kailangan kong makausap si Amanda ngayon. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Manager Karlie.
"Hello, papunta na ako. Kailangan kong makausap sa pribadong lugar si Amanda, ngayon din."
James POV
"Paano nangyari yon? Paano nalaman nila Gilbert na pupunta sila mama sa siyudad upang magtago at makihalo sa mga tao?!!" Sigaw ko sa sobrang inis. Napatingin ako kay Rafael. Lumapit ako sakanya at agad siyang kinuwelyuhan, "Ikaw! Ang sabi ng kaibigan mo na dito sila susugod sa Transylvania! Pero ang totoo, hindi!"
"Pasensya na, alam ko na pati si Moss ay naisahan nila. Alam ko na pinlano nila Mama to. Pasensya na."
"James, walang alam si Rafael at maaaring tama sya, pati ang kaibigan nya na naging mata natin sa Cransylvania ay naisahan mismo nila Miranda." Dahil sa sinabi ni Ramon binitawana ko si Rafael at tinulak ng malakas.
Hindi eh, may kakaiba akong nararamdaman. Pakiramdam ko may trayador sa amin. Pakiramdam ko may kakampi sila Miranda dito sa Transylavnia na syang nakaka alam din ng mga pinaplano namin. Hindi basta basta mag dedesisyon si Gilbert ng ganoon kung walang nagsumbong sakanya. Planado nila ang lahat at alam na alam nila ang lahat. Hindi ako pwedeng magkamali sa duda ko. Pakiramdam ko may traydor kaming kasama dito ngayon.
"Prince James, wala na tayong oras. Baka kung ano pa ang gawin nila kayla Princess Julia, Prince Kristoff at Princess Kristina." Lina said.
Naiyukom ko ang mga kamay ko sa sobrang inis.
Pagkatapos nito, papatayin kitang traydor ka.
Third Person's POV
"Mabuti naman at nakarating ka, Detective Clyde." pagsalubong ni Manager Karlie sakanya.
BINABASA MO ANG
The Vampire Royalties: HIDE & SEEK
VampireTHE SEARCH IS NOT YET OVER. Dahil sa isang pagkakamali ay muling babalik ang propisiya na siyang iniiwasan ng lahat. Palaging may mawawala at palaging may magtatago. May bagong labanan nanaman kaya? Ito na kaya ang huli? ABANGAN!!! THE VAMPIRE ROYAL...