Chapter 60- Last Plan

549 19 4
                                    

Third Person's POV

*Kinabukasan*

Tahimik pa rin ang lahat dahil sa mga nangyari. Hindi nagawang tunawin o sunugin ni James ang katawan ni Kurt kung kayat inilibing nalang nila ito sa gitna ng garden ni Jade. Dumating rin kagabi ang dalawang Apprentice na sila Gab at Sean at sinabing nawawala si Manager Karlie kaya lubos na nag aalala si Jade ngayon.

Wala pa ring kibo si Amanda hanggang ngayon dahil hindi niya matanggap ang nangyari kay Kurt. Si Julia naman ay nagmukmok at nag kulong sa kwarto niya. Ang mga Apprentice naman ang nagbabantay ngayon sa kambal samantalang si William at Blaze ang naka bantay kay Miranda na hanggang ngayon ay naka tali pa rin.

"Kailangan na nating umalis dito sa bahay mo Jade. Kailangan natin gumawa nanaman ng plano kung paano patayin si Bianca at Ramon." Biglang sabi ni Josephine.

"May alam akong paraan." Napatingin naman ang lahat kay Rebecca, "Sa Hunters Association."

"P-Pero Rebecca, galit na galit ang papa mo sa mga bampira." Kontra naman ni Josephine, "Lalo na kapag nalaman niya na isa ka na ring bampira. Hindi natin pwedeng pagkatiwalaan ang papa mo."

"Hindi na ngayon, Josephine." Sagot nito, "Walang alam si papa sa tunay na relasyon namin ni Gilbert. Hindi niya alam na ginahasa niya ako, na sinasaktan niya ako, na pinatay nya ako. At kapag sinabi ko ang lahat, sigurado ako na papanig siya sa atin."

"P-pero---" kokontra pa sana si Josephine pero agad na hinawakan ni Rebecca ang mga kamay nito.

"Josephine, anak pa rin ako ni papa. Kilala ko siya at nagawa lang din siyang manipulahin ni Gilbert noon. Trust me, ito lang ang naisip kong paraan." Hindi na nakapagsalita pa si Josephine at niyakap nalang ang kaibigan niya.

"Papunta ako ngayon sa Hunter's Association. Kailangan kong isama si Amanda at James."

"Rebecca, sasama ako. Hindi ako papayag na---"

"huwag kang mag alala William. Kilala ko si papa. Alam ko kung ano ang makakapag lambot ng puso niya." Tugon ni Rebecca.

Hindi na kumontra pa sila Josephine dahil mukha namang kampante si Rebecca sa naisip niyang plano.



Jade's POV

Hanggang ngayon ay nanghihina pa rin ang katawan ko. Ramdam na ramdam ko pa rin ang sakit ng mga saksak at sugat na natamo ko dahil kay Gilbert. At ngayon, hindi ko maiwasan mag alala kay Manager Karlie dahil nawawala siya. Nandito ako sa harap ng malaki kong litrato at nakatayo habang binabasa ang message ng mga taong humahanga sa akin.

"Cj.." isang tao lang naman ang tumatawag sa akin ng 'Cj' eh, at alam nyo na kung sino. Humarap ako sakanya at napansin ko ang mga galos sa balikat niya at ang band aid na nasa noo niya, "M-May sasabihin sana ako."

Napabuntong hininga ako, "What is it?" I asked. Hindi ko pa rin maialis ang tingin ko sa mga sugat niya. Nakakainis, bat kailangan niya pang madamay rito. Bat siya pa ang naging kapatid ni Aurora. Ang liit talaga ng mundo.

"Cj? Nakikinig ka ba?" Hindi ko na namalayan na kanina pa pala nagsasalita si Erin.

"Oo nakikinig ako." I said at tumingin ng seryoso sakanya.

"Ang sabi ko aalis na muna ako."

"Ano? Hindi pwede Erin. Alam mo naman na delikado pa eh. Kung gusto mong lumabas ipapasama ko ang Apprentice sayo."

"No CJ. What I mean is, aalis na muna ako. Pupunta ako sa ibang bansa." At dahil sa sinabi niya napatigil ako, "Kailangan ko pa ata ng kaunting oras para tanggapin ang tunay kong pagkatao. Nahihirapan ako at feeling ko hindi ako nababagay rito."

The  Vampire Royalties: HIDE & SEEKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon