Dylan's POV
"Bukas meron kang meeting with the Director of your upcoming movie. Then mamaya at exactly 3pm may photoshoot ka para sa Ceci Magazine."
"Tae yung base ko! Lecheng mga kalaban to!" sigaw ko. Kanina pa ako nabu'bwiset dito. Matatalo na ata ako dito sa Clash of Clan na nilalaro ko, "Wooo! Ano ba yan! Ang hirap kaya magbantay tapos sisirain nyo lang!"
"Dylan! Are you listening to me?!"
"Wooooo!" grabe na to. Pero kaya ko to, poprtektahan ko ang base ko. Hindi ako papayag na masira ng mga bwiset na to ang base ko, "Oops! Akala mo masisira mo yan HAHAHAHAHA--"
"Ano ba Dylan!" agad na inagaw ng magaling kong Manager ang ipad ko. SHET!
"Hoy sandali lang yung laro kooo!" inagaw ko sa kanya yung ipad ko pero muli niyang inagaw ito saakin at pinatay. Panira talaga ng momentum to. Tsk!
"Nagsasalita ako dito tapos busy ka sa paglalaro dyan?!"
Napasambunot ako sa buhok ko "Pwede ba Manager?! Paki cancel nalang lahat ng schedule na meron ako." reklamo ko.
"Are you out of your mind?!"
"Yes! I'm really out of my mind! Kaya pwede ba? Leave me alone!" tumayo ako at dumeretso sa kwarto ko. Binuksan ko ang malaking closet ko at naghanap ng damit na maisusuot. Pupunta lang ako sa paborito kong club, nakakasawa ng tumambay dito sa condominium ko.
"Hey Dylan! Where are you going?" tanong ni Manager.
"It's none of your business." After I wear my simple back shirt kinuha ko ang kalo na nakasabit sa gilid ng closet ko. Kinuha ko rin ang itim ko na sunglasses pati na rin ang susi ng kotse ko na nasa side table. Nagmadali akong umalis habang yung manager ko naman sunod ng sunod sa akin. Nyeta
"Dylan! May photoshoot ka pa mamaya!" sigaw niya.
Nakalabas nalang ako sa condominium ko pero sunod pa rin siya ng sunod. Nakakainis na talaga.
"Hey Dylan!" dahil sa naiirita na ako huminto ako sa harap ng elevator "San ka ba pupunta?!"
"Ilang months nalang manager at matatapos na rin ang kontrata ko. Kaya ngayon pa lang masanay ka na na wala ako sa tabi mo. Na wala ka ng binabantayan."
"Dylan!"
"Oh isa pa pala, masanay ka na rin na hindi laging tinatawag ang pangalan ko."Hindi siya naka imik. Ngumisi lang ako bago pumasok sa loob ng elevator.
BINABASA MO ANG
The Vampire Royalties: HIDE & SEEK
VampireTHE SEARCH IS NOT YET OVER. Dahil sa isang pagkakamali ay muling babalik ang propisiya na siyang iniiwasan ng lahat. Palaging may mawawala at palaging may magtatago. May bagong labanan nanaman kaya? Ito na kaya ang huli? ABANGAN!!! THE VAMPIRE ROYAL...