Chapter 62- Near Ending

901 33 39
                                    

Third Person's POV




SABAY sabay na sumugod ang magkabilang panig habang abala naman ang mga pulis sa pagbaril sa mga ito. Panay din ang takbuhan ng mga tao samantalang ang iba naman ay naki sali na rin sa gulo. Hindi naman nawawalan ng pag-asa sila James na matatalo nila ang mga kalaban.



Sa kabilang dako..


Patagong nagkita sa gitna ng gubat si Bianca at Felip. Walang ideya si Bianca sa kung anong sasabihin at gagawin ni Felip sakanya. Higit pa si Felip sa inaakala ng lahat. Napangisi siya nang makita si Bianca na naglalakad na palapit sakanya.

"Anong kailangan mo sa akin?" Matigas na tanong ni Bianca kay Felip.

"Alam ko na alam mo ang sagot jan, Bianca Mordeur." Ngumisi si Felip at humithit ng sigarilyo. Nakatingin lang si Bianca sakanya at pinag aaralan ang mga kinikilos nito, "Hindi mo ako kailangang pag dudahan. Iisa lang tayo ng kalaban ngayon."

"At bakit ako maniniwala sayo?" Tanong ni Bianca. Muling ngumisi si Felip at tinignan ng diretso si Bianca, "Hawak ko ang mga anak nila Amanda at James." Sambit nito.

                     ************                  

Patuloy pa rin sa pakikipaglaban sila James. Nagsimula na rin magpa ulan ng bomba ang mga helicopter kung kayat mas lalong nagkagulo ang lahat. Sumabay pa ang sunod sunod na pag putok ng mga baril mula sa mga pulis.

Hindi naman mapakali si Detective Clyde sa isang tabi habang pinagmamasdan ang mga nangyayari. Nag aalala siya sa kung anong pwedeng mangyari kayla James lalo na sa pamangkin niyang si Amanda dahil tuloy tuloy ang pagpapa bomba ng mga pulis.

Napansin naman ni Clyde na mukhang nauubos na rin ang mga kalaban ngunit sila Amanda naman ay mukhang nahihirapan din sa pag iwas sa bomba. Isa isa namang natumba ang mga puno sa lugar dahil sa patuloy na pag bagsak ng bomba. Kalat din ang naparaming dugo sa paligid. Napakagat naman sa labi si James nang makita niyang muntik pa matamaan ng bomba si Amanda at ang ibang Royalties kaya dali dali siyang tumakbo palapit kay Amanda at niyakap ito.

"Paubos na ang mga kalaban. Kailangan na natin umalis ng pasikreto." Sambit ni James na narinig naman ng mga kasama nila.

"Saan tayo dederetso? Sigurado akong kausap na ni Lolo si Bianca ngayon." tanong naman ni Amanda at sinipa sa ulo ang kalaban na susugod sana sa kanya.

"Sa bahay pa rin ni Jade. Wala tayong iba pang mapuntahan" Sagot ni James.

Ilang saglit pa ay muling nagpa bomba ang mga pulis. Sobrang gulo na ng paligid nila. Putol na ang iilan sa mga puno at sira na ang kalsada dahil sa sunod sunod na pag bomba sa lugar. Ang daming duguan at namatay. Iilan naman sa mga tao ay isa isa nang lumisan.

Dahil sa sunod sunod na pag bomba, walang nagawa sila James kundi ang tumakas. Bilang nalang nila ang mga kalaban kaya wala silang pakealam. Gamit ang teleportation nila ay nagawa nilang maka alis nang hindi napapansin ng mga pulas. Samantalang naiwan si Josephine at Blaze dahil hindi magawang mag teleport ni Josephine dahil hindi pa naibabalik ang mga kapangyarihan nya.






Rebecca's POV




Ilang beses akong napa kagat sa labi ko habang naglalakad ng pabalik balik dito sa opisina ni papa. Ano na kaya ang nangyayari sa labas? Kamusta na kaya sila Amanda? Ano na kaya ang napag usapan nila papa at Bianca?

Napatingin ako sa mga apo ko na sina Annika at Jameson. Tahimik silang naglalaro kasama ang mga apprentice. Wala silang ideya sa mga nangyayari ngayon. Sana naman walang mapahamak ni isa sa mga Royalties.

The  Vampire Royalties: HIDE & SEEKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon