Amanda's POV
Ang sakit..
Parang ayaw kong tanggapin ang mga nangyayari ngayon. Pero wala akong magawa dahil iyon ang dapat na mangyari. Kailangan ni James ang kapangyarihan niya. Kailangan niyang lumakas. Kailangan niyang bumalik sa dati dahil iyon ang gusto niya. Pero bakit ganito? Ang sakit sakit.
Ganito rin kaya ang naramdaman niya noon? Noong nakalimutan ko siya?
"Amanda.." si Raven. "You're not okay." Sabi niya at hinawakan ako sa magkabilang balikat.
"H-hindi ko alam." Napayuko ako "ang sakit sakit pala Raven"
"Kailangan mong maging malakas para sa mga anak niyo ni James." Niyakap ako ni Raven "Nandito lang ako." Bulong niya.
Kahit papano gumaan naman ang pakiramdam ko. Ang laking pasasalamat ko kay Raven dahil noon pa lang palagi siyang nandyan kapag kailangan ko ng karamay. Lagi niyang pinapagaan ang loob ko. Kahit alam ko ang nararamdaman niya para saakin at kahit nasasaktan siya, nandyan pa rin siya at handang tulungan ako.
Pumunta na ako sa kwarto ko at doon nakahiga ang kambal ko. Napangiti nalang ako sa tuwing tinitignan ko sila. Tama nga si Raven, kailangan kong maging malakas para sa mga anak ko.
"Amanda.." napalingon ako kay Rafael. Oo nga pala, hindi ko pa siya gaanong napasalamatan dahil sa lahat ng mga naitulong niya.
"Rafael, okay ka lang ba? Diba ikaw ang pakay ng mga iyon kanina?" Tanong ko sa kanya at tumango naman siya. Lumapit siya sa akin at tinignan ang mga anak ko.
"Kapag nalaman ni mama ang nangyari sa kanang kamay niyang si Hector pati na rin sa iba pang mga kasamahan nito sigurado ako na manggugulo nanaman sila," seryosong sabi nito "At kapag nangyari yon pwedeng mapahamak ang anak niyo, Amanda. Princess Amanda."
"S-Sigurado ka ba sa mga sinasabi mo, Rafael?"
"Alam naman nating lahat na makapangyarihan ang mga batang yan. Kaya hindi na ako magtataka pa kung balak kunin ni mama ang mga anak mo kapag nalaman niyang anak niyo ni James ang mga sanggol na iyan."
Natahimik ako. Ano ba ang dapat kong gawin? Kailangan kong ingatan ang mga anak ko. Hindi dapat sila mapahamak. Napatigil nalang ako sa pag iisip nang mapansin kong nakangiti silang dalawa sa akin. Lumapit ako sakanila at hinawakan ang mga kamay nila. Ang lambot.
Ngumiti ako, "Mga anak, kaya natin to ha? Ang papa niyo, maaalala niya rin ako, maaalala niya rin kayo." Nakangiti kong sabi habang hinahaplos ang pisngi nila pareho.
Hindi ako nawawalan ng pag-asa. Alam ko tulad ng nangyari sa akin noon, maaalala din kami ni James.
Erin's POV
Nakaupo lang ako sa stage habang nag pa'practice ng mga kakantahin ko mamayang gabi sa gig. Maaga pa naman at dahil nababagot na ako sa bahay naisipan ko na pumunta nalang dito sa bar ng mas maaga. Habang nag gigitara hindi mawala sa isip ko iyong nangyari isang araw. Ang pagka wala ko ng malay sa harap mismo ni Dylan. Hindi ko ma'explain kung ano ang naramdaman ko nun. Basta, masyadong kakaiba.
Nagsimula na akong tumugtog at kumanta. Nasaan na kaya sila Fiona? Matagal na silang hindi nagpapakita sa akin. Hindi na rin sila pumapasok sa trabaho. Nag aalala nga ako at baka mag hanap ng bagong banda ang may-ari ng bar na ito.
Nasa chorus na ako ng kanta ng biglang bumukas ang pinto ng bar na siyang kinagulat ko ng husto. Naka lock kasi e. At close tuwing umaga. Napatayo ako habang naka kunot noo. Bumaba ako ng stage at lumapit sa may entrance. Nagulat ako dahil may isang lalaki na naglalakad papasok dito sa loob. Kulay dilaw ang kanyang buhok. Black v-neck shirt ang kanyang suot panloob at naka red coat naman siya. Black pants and shoes. Para siyang bampira. Sino ba ang lalaking yan? Nanlaki nalang ang aking mga mata nung lumapit na ito sa akin at saka ko lang siya nakilala.
BINABASA MO ANG
The Vampire Royalties: HIDE & SEEK
VampireTHE SEARCH IS NOT YET OVER. Dahil sa isang pagkakamali ay muling babalik ang propisiya na siyang iniiwasan ng lahat. Palaging may mawawala at palaging may magtatago. May bagong labanan nanaman kaya? Ito na kaya ang huli? ABANGAN!!! THE VAMPIRE ROYAL...