Chapter 46- Reminiscing

2.9K 115 64
                                    

Third Person's POV

"What?!!!" Napatayo ang CEO nang malaman ang balita tungkol kay Dylan Glamour. "Anong nangyari sakanya? Bakit mo ba siya hinayaang umalis?!" Galit na galit ito ngayon pero bakas naman sa mukha niya ang pag aalala sa alaga niya.

"I-I don't know Mr. Ceo." Naiiyak na sagot ni Manager Alex. Bumuntong hininga ito.

"Ano na ba ang kondisyon niya ngayon?"

"He's in coma right now." Nagulat ito sa sinabi ng Manager ni Dylan. "Masyadong malaki ang impact nang nangyaring aksidenta kay Dylan." Dugtong pa nito.

Binalot nang katahimikan ang buong opisina. Lahat sila ay hindi makapaniwala sa biglaang aksidenta na nangyari sa actor.

                               ***

"Anong sabi mo? Naaksidente si Dylan Glamour?" Napatayo na lamang si Detective Clyde dahil sa kanyang nabalitaan.

"Oo. Car Accident daw." Biglang may iniabot na files ang ka trabaho nito sa kanya. "Gusto ng Unit Commander na ikaw ang umasikaso sa insidenteng ito." Kumunot ang noo ni Detective at kinuha ang files sa kasama niya.

"B-Bat ako?"

"Hindi ko rin alam." Bumuntong hininga ang kasama niya "At yung kaso naman ni Cj at ng Waldorf Academy, ibinigay niya muna saakin."

"Hindi pwede." Kontra agad ni Detective Clyde.

"Kahit ako nga kumuntra din nung una. Alam ko naman na gustong gusto mo ang kasong 'to. Pero di naman pwede na tanggihan ko to dahil kapag ginawa ko 'yon, mawawalan ako ng trabaho. Ang weird lang ni Commander ngayon. Kaya kung ako sayo, sundin mo nalang siya. Babalitaan nalang kita." Sabi niya sabay tapik sa balikat ni Cylde at umalis na.

Bakit? Bakit biglang nagbago ang isip ni Commander? Mahigpit na hinawakan ni Clyde ang files na ibinigay sakanya ng kasama niya. Bakit ba sunod sunod? Nung una si Cj ngayon naman si Dylan. Pareho silang may koneksyon sa isat isa. Hindi kaya sinadya talaga ng Gilbert Lazaro na yon ang lahat ng ito? Isip ni Clyde. Sigurado siya na si Gilbert lang ang pwedeng gumawa ng mga bagay na ito.  Ang dami niya pang kailangang gawin. Bukod pa dyan, kailangan pa niyang malaman kung sino ang traydor sa lahi nila Stella.

Pupuntahan ko muna si Dylan.

Erin's POV

Tulad ng laging nangyayari saakin, tulala nanaman ako sa kawalan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tulad ng laging nangyayari saakin, tulala nanaman ako sa kawalan. Bukod sa nangyari kahapon, sa amin nila James at Cj, balita ko naaksidente si Dylan. Comatose siya ngayon. Ano bang nangyayari sa mga tao--este bampira ngayon? Diba dapat hindi tinatablahan ng mga ganyan ang mga bampira? Bakit ganun? Bakit si Dylan? Dapat nga hindi siya na coma eh. Ang weird lang ha.

Jusko, ano ba tong nangyayari?

Napatigil ako nang biglang may nag doorbel. Sino nanaman kaya yan? Sana naman hindi si James or si Cj. Gusto ko muna ng katahimikan ngayon.

The  Vampire Royalties: HIDE & SEEKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon