Chapter 57- Memories from the Past

429 12 1
                                    

Third Person's POV



Sabay sabay na sinugod ng mga kalaban ang mga Royalties kaya agad din namang lumaban ang mga ito. Dahil sa galit na nararamdaman ni James ngayon at pag aalala niya sa mga anak nila, madali niyang napatay ang ilan sa mga kalaban. Napansin naman niya na apat na kalaban ang naka palibot kay Amanda kaya agad niyang hinila ang dalawa at itinapon sa era. May dalawa nanamang kalaban ang sumugod kay James. Mariin niyang hinawakan sa leeg ng sabay ang dalawa at tinignan ng masama. Ilang saglit pa ay sabay niya ring tinulak ang mga to sa dibdib dahilan para sumuka sila ng dugo. Napatingin naman sa ikalawang palapag ng palasyo si James kung nasaan si Miranda at Gilbert na parehong nakangisi at nanonood sa kanila. Tinaas ni James ang kamay niya at itinapat ito kay Miranda. Kahit nasa taas ito ay kaya niya nang kontrolin si Miranda at hawakan sa leeg. Agad naman itong lumutang sa ere habang hawak hawak ang leeg niya. Inilapit ni James si Miranda sa kanya.

"Kahit anong gawin mo Miranda, mahina ka pa rin. Wala kang binatbat. Kaya hindi ka itinakda kay Grandpa eh dahil mahina ka." Pang aasar nito. Halata namang nainis si Miranda sakanya at pilit siyang inaabot nito pero hindi nito magawa dahil naka lutang pa rin siya sa ere at kontrolado pa rin siya ni James.

Isa isa namang pinalutang ni Julia sa ere ang mga kalaban kaya nawalan ito ng mga malay.

"New powers huh?" Tanong sakanya ni Raven. Tumango lamang si Julia at nagpatuloy na sila sa pag sugod sa mga kalaban. Bigla namang tinamaan sa tagiliran si Raven na siyang ikinagulat ni Julia. "I'm okay, maliit lang to. Ang importante matalo natin ang mga kalaban ngayon din." Napahawak siya sa tagiliran niya at hindi na pinansin ang pagsakit nito. Malas niya lang dahil hindi niya kayang pagamutin ang sarili niya kahit siya pa ang Vampire's Healer. Si Kristina naman kahit nawala ang mga kapangyarihan niya ay nagawa niya pa ring lumaban dahil nagawa siyang pagalingin ni Raven kanina.

"Nasaan nga pala si Kuya Jade?!" Nagtatakang tanong ni Julia nang mapansin niyang nawawala si Jade.





Jade's POV


Shit.

Kailangan kong mahanap ang mga kristal para makabalik ako. Kailangan kong makausap sila Manager Karlie tungkol kay Ramon dahil kung hindi patay na! Mabuti nalang at naka hanap ako ng tyempo kanina habang naglalaban laban sila. Alam ko naman na kaya na nila 'yon at ayaw ko rin naman mag aksaya pa ng oras. Dapat isa sa amin ang makabalik para ipaalam kayla Kurt ang tungkol kay Ramon para hindi sila mauto nito!

Mabuti na nga lang at wala ako nakikitang mga kalaban dito kaya tuloy tuloy lang ako sa paglalakad. Bawat kwarto na nadadaanan ko ay talagang pinapasukan ko para hanapin yung mga lecheng kristal!

Asan ba kasi nila tinago ang mga 'yon?! Nakakainis!

-- ( author's note: madaming papalit palit na POV dito guys dahil nasa fight scenes keme nanaman po tayo hehehe ) ----







Amanda's POV

"Ahhhhhh!!!!!" Nakahanap ako ng tyempo para makapag teleport sa likod ng kalaban at agad ko siyang pinugutan ng ulo gamit ang buong pwersa ko. Halo halong emosyon yung nararamdam ko ngayon --- galit, kaba at inis. Hindi ko akalain na magagawa kaming traydurin ni Ramon! Tama nga sila, kung sino ang mabait sa mata ng ibang tao siya pa ang sukdulan ng kasamaan. Huwag na huwag niyang susubukang galawin ang mga anak namin dahil kapag may nangyaring masama sakanila ako mismo ang papatay sakanya!

"Aaaaaaaaaahhhh!!!!!" Isa isa nanaman sumugod ang mga kalaban sa akin kaya isa isa ko rin silang napatumba. Gamit ang teleportation ko nagagawa ko silang lituin. Ginamitan ko naman ng telekinesis ang isa sa mga kalaban dahilan para lumutang ito sa ere. Napangisi ako, nagpapasalamat ako dahil bumalik na ang mga kapangyarihan ko. Gamit ang kabila kong kamay pinalutang ko ang isang malaking vase at ibinagsak ko ang mga ito upang mabasag. Nang mabasag ito ay agad ko namang pinalutang sa ere. Kitang kita ko ang paglaki ng mata ng kalaban ko. Katapusan mo na. Agad kong itinama ng malakas sa kalaban ang basag basag na vase dahilan para tumama ang mga ito sa iba't ibang parte ng katawan niya. Pagkatapos ay ibinagsak ko ng malakas sa sahig ang kalaban dahil patay na rin ito.

The  Vampire Royalties: HIDE & SEEKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon