Third Person's POV
"Amanda!" biglang dumating sina Julia at Kristoff sa silid aklatan ng mga Wizards at Witches. Nang makita ni Julia ang nangyari sa kuya niya agad siyang napahinto "A-Anong nangyari kay Kuya James?" tanong niya.
Patuloy pa rin sa pag iyak si Amanda. Hindi niya magawang magsalita kaya si Ramon na ang nagsalita "Patay na si James." nagulat sila Julia at Kristoff, "pero huwag kayong mag alala, mabubuhay din siya."
"A-Anong ibig mong sabihin, Ramon?" tanong naman ni Kristoff.
"Para bumalik siya sa dati mangyayari kay James ang nangyari noon kay Amanda." kumunot ang noo ng dalawa "Kinailangan patayin ni Amanda si James para bumalik ito sa dati. At pag gising ni James magiging malakas na siya at babalik na siya sa pagiging bampira. Ngunit--"
"D-Don't tell me na makakalimutan niya rin si Amanda?" tanong ni Julia.
Bumuntong hininga si Ramon, "Tama nga kayo." sagot nito.
Dahan dahang lumapit si Julia kay Amanda at niyakap ito. Walang ibang ginawa si Amanda kundi ang umiyak ng umiyak. Ganon pala ang feeling kapag pinatay mo ang lalaking mahal mo. Ngayon alam na niya kung ano ang mga naramdaman ni James noon.
"It's okay Amanda. Makakaya niyo rin ni Kuya ang lahat."
"Ramon, may dapat kang malaman." napatingin si Ramon kay Kristoff, "Patay na si Aurora. Pinatay siya ni Miranda."
"A-Ano?"
"May ginamit si Miranda na itim na kapangyarihan na naging dahilan ng pagka matay ni Aurora." dugtong ni Kristoff.
Hindi naka imik si Ramon. Para bang ang hirap tanggapin na sa ikalawang pagkakataon, namatay si Aurora. Hindi na sila nagpa ligoy ligoy pa at agad na inalalayan si Amanda. Si Kristoff naman ang bumuhat kay James at inilagay sa isang coffin na nasa kwarto nila ni Amanda. Binihisan at nilinisan siya saka inayusan sa loob ng coffin.
Maghihintay nanaman sila ng eclipse bago magising si James.
"Halina kayo at ipapa'alam na natin sa lahat ang tungkol sa nangyari kay James."
Bago sumama si Amanda kayla Ramon ay nilapitan niya muna si James. Muli ay tumulo nanaman ang kanyang mga luha. Hinawakan niya ang mga kamay ni James at mula sa kanyang bulsa, inilabas niya ang sing-sing ni James na kinuha ng mga tauhan ni Miranda noon. Isinuot niya ito kay James bago niya halikan ito sa noo.
"Halika na, Amanda." tawag ni Ramon. Tumango si Amanda at sumunod sa kanila.
Sabay silang lumabas sa silid aklatan at tumungo sa labas ng palasyo kung saan nag titipon tipon ang iba sa tauhan ng Transylvania kasama ang Royalties, si William ang ang nag-iisang taga Cransylvania dati'y taga Transylvania na si Rafael.
BINABASA MO ANG
The Vampire Royalties: HIDE & SEEK
VampireTHE SEARCH IS NOT YET OVER. Dahil sa isang pagkakamali ay muling babalik ang propisiya na siyang iniiwasan ng lahat. Palaging may mawawala at palaging may magtatago. May bagong labanan nanaman kaya? Ito na kaya ang huli? ABANGAN!!! THE VAMPIRE ROYAL...