Chapter 59- UnEnding

598 30 8
                                    

Third Person's POV

Nang makarating sila Josephine sa bahay ay wala silang nadatnan ni isa. Sobrang gulo ng bahay.

"Nasaan sila?!!!" Sigaw ni Blaze. Napansin naman ni Josephine ang laptop na nasa mesa sa may sala. Kinuha nya ito at nakita niya ang litrato ni Bianca kasama ang isang batang lalaki.

Ang batang lalaki ay si Dylan Glamour. Iyan ang nag iisang litrato nilang dalawa ni Bianca noon. Nagpanggap lamang si Bianca bilang kakilala ni Ramon noon para magkaroon sila ng litrato ni Dylan.

"Sino ang lalaking to?" Nagtatakang tanong ni Josephine. Agad namang lumapit sakanya sina Rebecca at Blaze para tignan ang litrato.

"Jade, wag ka munang kumilos. Malala ang mga sugat mo." Saway ni William dito dahil bigla itong lumapit kayla Josephine at tinignan ang litrato. Nanlaki naman ang mga mata ni Jade nang makilala kung sino ang batang kasama ni Bianca sa litrato.

"Si Dylan Glamour." Napatingin sila Josephine kay Jade nang bigla itong magsalita, "Isa siyang sikat na aktor. At ang laptop na yan ay pag mamay-ari ni Detective Clyde. Binigay ng kaibigan niyang Detective ang laptop na yan kay Amanda at James." Wika ni Jade.

"S-Si Clyde?" Tanong ni Rebecca.

"Oo. At ngayon ay comatose siya dahil may nagtangkang pumatay sakanya." Sagot ni Jade. Napatakip naman si Rebecca sa bibig niya nang malaman ang sitwasyon ni Clyde ngayon.

"Malakas ang kutob ko na may alam na si Clyde tungkol kay Bianca noon pa at malakas din ang kutob ko na siya ang dahilan kung bakit na comatose si Clyde dahil ayaw niyang masira ang mga plano niya sa oras na malaman natin ang lahat." Seryong sabi ni Josephine.

"Oo nga pala, bampira din ang Dylan na yan. Binigay ko sakanya ang singsing ko noon para maiwasan niya ang dugo at hindi siya masunog kapag tinatamaan ng araw." Dugtong pa ni Jade.

Napaisip si Josephine. Hindi pamilyar sakanya ang mukha ni Dylan dahil kilalang kilala nya halos lahat ng bampira sa mundo. Ngunit si Dylan, paanong? At dahil sa kuryosidad hinalungkat ni Josephine lahat ng files na nakapalood sa laptop at binasa ito lahat. Ayon sa report ni Clyde, nadisgrasya si Dylan at makalipas lamang ang ilang araw ay nawala ito at may kumuha sa kanya. Pinanood din nila ang video at pinakinggan ang isang recording kung saan narinig nila ang boses ni Bianca at nagulantang sila sa mga narinig nila.

"Simula ngayon wag na wag mo kaming papakealaman ng anak ko!!"

"A-Anak ni Bianca si Dylan?" Hindi makapaniwalang tanong ni William.

"Nagawang itago sa atin ni Bianca at Ramon ang tungkol dito. Matagal nilang pinlano ito. Hindi ako papayag na mag wagi sila." Seryosong tugon ni Josephine, "Blaze at William sumama kayo sa akin, hahanapin natin ang kambal at ang anak ni Bianca." Tumingin naman si Josephine kay Rebecca, "At ikaw Rebecca, kailangan ka ni Jade ngayon. Nanghihina siya at hindi siya pwedeng makipaglaban ngayon."

"Ayoko sasama ako!" -Jade

"Carlo! Maiwan na kayong dalawa dito. Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sainyo." Saway muli ni William.

"Rebecca, ikaw ang bagong pureblood pero kailangan mo pa ring sumabak sa ensayo dahil kailangan mong malaman kung paano gamitin ang mga kapangyarihan mo. Hindi ka pa marunong makipaglaban kaya maiwan ka nalang muna rito sa anak mong si Carlo." Tumingin naman ng seryoso si Josephine kay Jade at sa tingin palang niya hindi na pumalag pa si Jade. "At ikaw naman Yumi, kailangan mong sumama sa amin dahil ikaw ang susi para makabalik kami sa Cransylvania." Tumango lang si Yumi bilang tugon at maya maya pa ay umalis na sila. Hinalikan muna ni William sa noo si Rebecca saka sumunod kina Josephine.

The  Vampire Royalties: HIDE & SEEKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon