Third Person's POV
"Ano bang gagawin natin? Wala naman tayong mapapala sa kanila eh. Hindi naman sila nagsasalita. Inabutan nalang tayo ng gabi wala pa rin. Nakaka'stress." reklamo ni Kristina.
Bumuntong hininga si Blaze, "mukhang malabo ata."
Natahimik ng ilang segundo ang lahat. Maging ang Vampires Apprentice hindi alam kung ano ang gagawin nila. Hindi naman nila pwedeng patayin ang mga ito dahil hindi nila gawain iyon. Tinakot lang nila ang mga ito na kapag hindi pa sila nagsalita, papatayin nila ang mga kalaban. Hindi sila ganon ka sama.
Tumayo si Kristoff, "Akyat muna ako." sabi niya.
"Hey brother," tawag sa kanya ni Kristina pero hindi siya pinansin nito, "Nakakaloka." sambit ni Kristina.
Napakunot noo nalang si Julia sa inasal ni Kristoff sa kapatid niya. Naisip niya na talagang may nagbago kay Kristoff. Alam niyang may malaking problema ito o maaaring may sinisikreto ito. Kailangan niyang malaman kung ano iyon.
Maya maya pa ay nagkaroon na ng malay si Hector. Hanggang ngayon may mga yelo pa rin sa mga paa nila kaya hindi pa rin sila nakaka galaw, "Hindi kayo magwawagi. Hahaha!" napatingin ang lahat kay Hector, "alam ko na gagawa ng paraan ang mga taga Cransylvania para sugurin kayo!"
Agad na tumayo si James at lumapit kay Hector. Hinawakan niyo ito ng mahigpit sa leeg, "Are you really trying to piss me off?! Sabihin mo lang kung paano pumunta sa Cransylvania at papakawalan ka namin dito!"
"Hinding-hindi ko sasabihin sa inyo! Para ano? Para kami naman ang guluhin niyo?"
Lumapit si Blaze kay Hector, "ano sa tingin mo ang gagawin namin? Tumunganga?! Eh kayo naman ang unang umatake sa amin!"
"Dahil iyon ang naka saad sa propisiya! At wala na kayong magagawa! Kahit anong iwas niyo, kahit anong gawin niyo may mangyayari pa ring gulo!" Napatigil ang lahat ng dahil sa sinabi ni Hector, "Oh bakit natahimik kayo? Hindi niyo ba alam na hanggang ngayon may propisiya pa rin?!"
Nagkatinginan sila Blaze at James, habang si Kristoff naman na nasa taas ay tahimik na pinakikinggan ang lahat ng pinag-uusapan nila, "We don't care about the prophecy! Ang kailangan namin si Amanda at ang mama at papa ko!" mas hinigpitan ni James ang pag hawak sa leeg ni Hector, "Kaya sabihin mo na!"
Pero kahit anong pag pilit ni James, wala pa rin siyang napala.
Sa kabilang dako..
Tahimik na pinagmamasdan ni Jade si Erin. Hanggang ngayon hindi pa rin ito nagigising. Talaga ngang matindi ang naging epekto ng pagpapakita ng totoong anyo ni Jade sa kanya. Ayaw niya lang mapahamak si Erin kaya habang mas maaga pa sinabi niya na ang totoo lalo na ngayon na may koneksyon siya kay James. Importante si Erin kay Jade dahil tinulungan siyang bumangon nito. Oo naging sila, oo akala niya mahal niya si Erin pero nagkamali siya dahil iisang babae lang ang mahal niya, at iyon ay walang iba kundi si Amanda Lazaro lang.
BINABASA MO ANG
The Vampire Royalties: HIDE & SEEK
VampireTHE SEARCH IS NOT YET OVER. Dahil sa isang pagkakamali ay muling babalik ang propisiya na siyang iniiwasan ng lahat. Palaging may mawawala at palaging may magtatago. May bagong labanan nanaman kaya? Ito na kaya ang huli? ABANGAN!!! THE VAMPIRE ROYAL...