Third Person's POV
"A-Anong nangyari sa kanya?" tanong ni Jade nang makita ang bangkay ni Rebecca na buhat buhat ni William.
"Pinatay siya ni Gilbert." sagot ni Raven.
Hindi muna sumama si Stella at Detective Clyde sa kanila dahil may kailangan pang asikasuhin si Detective Clyde. Kusa namang sumama si Stella sa kanya para tumulong. Hindi pa alam ng ibang Royalties na natagpuan na nila Raven si Stella. Uunahin muna nilang ibalita sa lahat ang tungkol sa nangyari sa ina ni Amanda--maliban kay Amanda. Dahil baka ano pa ang mangyari sa kanya lalo na sa batang dinadala niya.
Tumawa ng mahina si Jade. "Niloloko nyo ba ako? Siya? Papatayin ng asawa niya? Baka naman sinasabi niyo lang ang bagay na yan para tanggapin ko na ang lahat." biglang nainis si William at ibinigay muna kay Raven ang katawan ni Rebecca. Lumapit siya kay Jade at hinila ang kuwelyo nito.
"Wala ka na ba talagang kahit kaunting respeto ha? Jade?! Nanay mo pa rin yan baka nakakalimutan mo!" sigaw ni William. Dahil don nagsi'datingan ang ibang Royalties pati na rin si Ramon at ang Apprentice. "Isa kang Francois, Jade! At hindi mo yun mababago kahit ano pa ang gawin mo!" pagkatapos ay malakas na itinulak ni William si Jade.
"Anong nangyayari dito?" tanong ni Ramon. Bumuntong hininga si William.
"Kasama na namin si Rebecca Lazaro ngunit, isa na siyang bangkay." sagot ni William at ipinakita sa lahat ang nangyari kay Rebecca. Napatakip sa bibig si Julia pati na rin ang iba pa.
"P-Papa, s-sinong pumatay sa kanya?" tanong ni Julia.
"Si Gilbert Lazaro." nagulat ang lahat sa naging sagot ni William. Napayuko na lamang si William.
"Nababaliw na talaga ang Gilbert Lazaro na iyon. Pati ang sarili niyang asawa nagawa niyang patayin. Ibang klase talaga siya." naiiritang sabi naman ni Blaze.
"Ohmygosh, anong gagawin natin? Hindi ito pwedeng malaman ni Amanda. Baka mapahamak ang baby niya pati na rin siya." wika ni Kristina na sinang-ayunan naman ng lahat. Ilang segundo natahimik ang lahat. Mas lalo silang natahimik ng biglang dumating si Amanda habang inaalalayan siya ni Blaze. Nagulat sila.
"May problema ba dito?" nanghihinang tanong ni Amanda habang inaalalayan siya ng isa sa mga Apprentice na si Lina. "Bakit nandyan kayong lahat? May problema ba?" tanong niya. Agad na lumapit si Jade sa kanya.
"Amanda, magpahinga ka muna." hinawakan niya si Amanda at inilayo sa kanila pero nag pumilit si Amanda na lumapit kayla William. "Amanda!" tawag ni Jade. Hindi siya pinansin ni Amanda at agad agad itong lumapit kina William. Pilit namang hinaharangan nila Kristina at Julia si Amanda upang hindi niya makita ang nangyari sa kanyang ina.
"Ano ba! Ano bang meron?" pilit na pagpupumilit ni Amanda.
"Amanda, listen. Kailangan mong magpahinga muna. Saka nalang naman sasabihin sa iyo ang mga napag-usapan namin." sabi ni Julia na sinang ayunan naman ni Kristina.
BINABASA MO ANG
The Vampire Royalties: HIDE & SEEK
VampireTHE SEARCH IS NOT YET OVER. Dahil sa isang pagkakamali ay muling babalik ang propisiya na siyang iniiwasan ng lahat. Palaging may mawawala at palaging may magtatago. May bagong labanan nanaman kaya? Ito na kaya ang huli? ABANGAN!!! THE VAMPIRE ROYAL...