Third Person's POV
"Ibalik mo sakin ang mga kapangyarihan ko!!" sigaw ni Amanda sa kaharap niyang impostor.
"Hindi ba sinabi ni Miranda sayo na kailangan mo muna akong talunin bago mo makuha ang mga kapangyarihan mo sakin?" pang aasar na tanong nito. Hindi naman nakatiis si Amanda at dahil na rin sa sobrang galit sinugod niya ang kalaban. Magaling umilag ito dahil mabilis at malakas ito. Pero hindi sumusuko si Amanda. Tulad ng nga sinabi nya noon,
Nawala man ang kapangyarihan nya, pero hindi ang lakas ng pagiging bampira niya.
Mahigpit niyang hinawakan ang bakal na hawak nya. Ilang beses nyang sinugod ang kalaban pero talagang magaling ito sa pag ilag.
"Wala ka naman palang binatbat eh!" pang aasara ng impostor at tinawanan lamang si Amanda. Napakagat na lamang sa kanyang labi si Amanda at tinignan ng masama ang impostora, "sa tingin mo ba makakaya mo ako? Lahat ng kapangyarihan mo nasa akin kaya wala kang laban ngayon!"
Agad naman siyang sinugod ng kalaban dahilan para bumagsak siya sa mga lumang gamit na nasa kanyang likuran. Napa sigaw nalang sa sakit si Amanda at dahil sa nangyari nagkaroon siya ng sugat sa kanyang balikat at likuran. Pinilit niyang tumayo ngunit agad namang nakalapit ang kalaban sakanya inapakan siya sa kanyang dibdib.
Hindi, hindi ako pwedeng matalo sa laban na 'to---isip ni Amanda.
"Paano ba yan? Mukhang katapusan mo na, Princess Amanda." sarcastic na sabi nito at mas inapakan pa ng todo si Amanda sa kanyang dibdib. Unti unting kinuha ng kalaban ang dala niyang Cross Gun at umupo sa tabi ni Amanda.
"Handa ka na bang mawala, Princess Amanda?" tinignan lamang sya ng masama nito. Ilang beses napabuntong hininga si Amanda at sa pagkakataong ito, inipon nya na lahat ng lakas niya para lang matalo ang kalaban. Iniisip niya si James at ang kanilang mga anak. Hindi siya pwedeng matalo, kailangan niyang lumaban upang matapos na ang lahat ng kaguluhan na to. Kailangan niyang lumaban dahil siya ang Pureblood Princess.
Akmang babarilin na sana siya ng kalaban ng biglang niyang suntukin ito sa mukha dahilan para magalit ang kanyang kalaban. Napasigaw ang kanyang kalaban sa sobrang galit at babarilin na sana siya ng biglang niyang hampasin sa ulo ang kalaban gamit ang bakal na hawak hawak niya kanina pa na pilit niyang inaabot habang kinakausap siya nito.
Napatumba naman ni Amanda ang kalaban ngunit buhay pa rin ito. At dahil don, ginamit na ni Amanda ang pagkakataong 'yon upang tumayo at lapitan ang impostora na may hawak lahat ng kapangyarihan nya. Hawak hawak ni Amanda ang kanyang dumudugong balikat habang naglalakad palapit sa kalaban. Tinignan naman siya ng masama nito.
"Hindi matatapos dito ang laban natin! Ahhhhhhh!!!!" galit na galit na sigaw ng kalaban nito at muli siyang sinugod.
Malakas ng hinawakan ng kalaban si Amanda sa leeg nito at hila hila naman ni Amanda ang buhok ng kalaban. Hindi maisip ni Amanda na makakalaban niya mismo ngayon ang kamukha nya. Parehong nanlilisik ang mga mata nilang dalawa. Nang makahanap ng tyempo malakas na sinipa ni Amanda ang kalaban sa may sikmura at pinagsusuntok sa mukha. Sa pagkakataong ito, parang dinaig nya pa ang isang boxer. Susuntukin pa sana ni Amanda ang kalaban ngunit naka ilag ito at agad na hinawakan ang braso nito at inilagay sa likod ni Amanda. Napasigaw ang kalaban at tumalon ng mataas at sinipa sa likuran si Amanda dahiln para mapatumba muli ito.
Ngayon ay ramdam na ramdam na ni Amanda ang panghihina ng katawan nya. Hindi nya lubos maisip na ang pagiging malakas nya dapat ay napunta lamang sa isang impostor na kalaban niya. Ramdam na ramdam nya ang panghihina ng mga buto nya at ng buong katawan niya.
"Wala kang kapangyarihan ngayon kaya wala kang pinagkaiba sa mga normal na tao." unti unting naglakad palapit ang kalaban habang hawak hawak naman nito ang Cross Gun. Humarap si Amanda sa kalaban ng nakahiga at tinignan ito ng masama "Tama nga sila, walang binatbat ang Pureblood Prince at Princess sa lahi ninyo. Hindi ko akalain na naka handusay ka lamang dyan sa lupa habang tinitignan ako ng masama." Ngumisi ito, "Hindi mo ako matatalo sa mga tingin na yan dahil hindi nakakamatay ang masamang tingin tulad ng ginagawa mo ngayon." Muling humakbang palapit ang kalaban at muling itinutok ang Cross Gun sa dibdib ni Amanda, "Katapusan mo na. Naway hindi ka na makabalik pa dito sa mundong 'to." nakangising sabi nito.
BINABASA MO ANG
The Vampire Royalties: HIDE & SEEK
VampireTHE SEARCH IS NOT YET OVER. Dahil sa isang pagkakamali ay muling babalik ang propisiya na siyang iniiwasan ng lahat. Palaging may mawawala at palaging may magtatago. May bagong labanan nanaman kaya? Ito na kaya ang huli? ABANGAN!!! THE VAMPIRE ROYAL...