Chapter 28- Celebration

4.9K 160 33
                                    

Miranda's POV


"Nasaan si Amanda?!!!!!!" galit na galit na tanong ko sa kanilang lahat. Nakita kong wala si Amanda dito sa loob ng madilim na kwarto kung saan ko sila ikinulong ni Rafael, at tanging si Rafael lang ang nandirito.


"Mama..." tawag sa akin ni Rafael.


Lumapit ako sa kanya at hinila ang kuwelyo niya. Pinandilatan ko siya ng aking mga mata. Naiinis na ako! "Nasaan si Amanda ha?! Sabihin mo!"


"Sandali lang kamahalan, a-anak niyo po yan." pag singit ni Hector.


Nilingon ko siya at tinignan ng masama, "Wala kang pakealam!" sigaw ko sa kanya. Muli kong tinignan si Rafael, "Nasaan si Amanda?! Magsalita ka!"


Pinigilan ni Rafael ang kanyang sarili na huwag mainis, "Mama, nasasaktan ako."


"Sumagot ka! Nasaan si Amanda?!!!!"


"Ano baaaa!!!!" sigaw ni Rafael sabay tulak ng malakas sa akin na siyang ikinagulat ko. "Naka takas na siya mama at wala na kayong magagawa pa! Hayaan niyo na si Amanda. Tutal ang Waldorf lang naman ang kailangan niyo hindi ba?"


"Parte na rin siya ng Waldorf Family Rafael!"


"Wala akong pakealam." walang ka emosyong sambit ni Rafael.


Bakit parang may nag bago kay Rafael? Wala na siyang respeto sa akin! Ano ba ang ginawa ng Amanda na 'yon sa kanya?! Dahil sa sobrang inis, inutusan ko si Hector na dalhin si Rafael sa underground jail. Kailangan maturuan ng leksyon ang batang yon! Habang tumatagal nawawala na ang respeto sa akin!


Galit akong tumungo sa pinaka dulong kwarto kung nasaan si Josephine at ang asawa nitong si William. Pagdating ko agad kong binuksan ang kabaong nilang dalawa at nakita ko na mahimbing silang natutulog hanggang ngayon. Ginamit ko ang isa sa mga kapangyarihan ko para patulugin sila. Ayoko ng may sagabal sa mga pinaplano ko kaya ko ginawa iyon. Pero tulad ni James at ng kapatid niyang si Julia, sisiguraduhin kong masasaktan din ang kanilang ina.


Tumingin ako kay William, "Alam ko na hindi ikaw ang asawa ni Josephine." sambit ko. "Wag kang mag alala, gagamitin din kita." ngumisi ako.


Tumingin naman ako kay Josephine, at muli nakaramdam ako ng matinding galit at sakit sa aking dibdib. Naalala ko nanaman siya, naalala ko nanaman ang walang hiyang lalaki na 'yon! Ang lalaking nanakit at nang-iwan sa akin. Hinding-hindi ko siya mapapatawad!


"Kamahalan, naikulong na po namin si Rafael." si Hector.


"Mabuti kung ganun." muli kong tinignan si Josephine at ang asawa nito, "Mag tipon ang lahat, may kailangan tayong gawin." wika ko sabay ngisi. Tumango naman si Hector at agad na ginawa ang iniuutos ko sa kanya.


Magsisimula na ang totoong laban. Hintayin niyo kaming mga taaga Cransylvania. Hanggang kakampi niyo ang Purebloods lalo na ang Waldorf, idadamay ko kayo, lahat kayo---mga taga Transylvania.

The  Vampire Royalties: HIDE & SEEKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon