Chapter 22- Cj Mendez

5.7K 183 71
                                    

Detective Clyde's POV

"K-Kuya Gilbert.." tawag ko sa kanya.

"Kamusta ka na?" inalis niya ang kanyang suot na sumbrero, "talaga bang kinamumuhian mo ako ng todo at nagawa mong palitan ang apilyedo mo?"

"A-Anong ginagawa mo dito?" napahawak ako ng mahigpit sa file na hawak ko, "paano mo ako natagpuan?"

"Hindi ba halata? Dinadalaw kita." Kung noon nakakatakot siya, ngayon mas nakakatakot siya. Talagang hindi pa siya tumigil sa trabaho niya bilang isang Vampire Hunter. Medjo matanda na rin siya at mas dumami ang kanyang bigote, "titignan mo lang ba ako Clyde? Wala ka bang sasabihin sa kuya mo?" ngumisi siya.

"May kailangan pa akong gawin. Makakaalis ka na."

Mahigpit niya akong hinawakan, "Alam kong hinahanap mo si Amanda, ang anak ko."

Tinignan ko siya ng masama, "Hindi ko siya hinahanap." tinabig ko ang kamay niya, "Umalis ka na. Nakakaistorbo ka sa mga nagtatrabaho dito."

"Alam ko simula ng umalis ka sa atin nagkikita pa kayo ni Rebecca," natigilan ako, "Kaya ibig sabihin alam mong nagkaroon sila ng anak ng halimaw na William na 'yon."

"Wala akong alam sa sinasabi mo!"

"Nasaan si Carlo? Nasaan ang anak nila ni William ha?!" sigaw niya. At ng dahil sa sigaw na 'yon napatingin ang mga kasama ko dito sa puwesto naming dalawa.

Wala talaga siyang pinagbago.

Agad ko siyang hinila at dinala sa likod ng station. Walang tao, walang makakakita sa amin.

Binitawan ko siya, "Pwede ba?! Wala akong alam sa mga sinasabi mo! Hindi ko kilala si Carlo!"

"Sinungaling ka!" agad niya akong hinawakan sa panga at isinandal sa ding ding, "Kailangan kong mahanap si Carlo dahil hindi sinunod ni Rebecca ang utos ko sa kanya noon! Hindi niya pinatay si Josephine!"

Pilit kong inaalis ang kamay niya, "D-Dahil hindi siya tulad mo," naliit ang mga mata niya sa sinabi ko, "H-Hindi niya kayang saktan ang mga mahal niya sa buhay." at dahil sa sinabi ko sinuntok niya ako ng malakas na malakas. Nababaliw na talaga siya. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa kanya.

"Tangina Clyde! Sabihin mo kung nasaan si Carlo!"

Pinilit kong maka tayo, "Sabing wala akong alam!" susuntukin niya pa sana ako ng biglang may sumalo ng mga kamao niya. 

Isang babae?

Kalahati lang sa mukha niya ang natatakpan. Bibig at ang kanyang ilong lang. Pero kung titignan mo ang kanyang mga mata, ang haba ng kanyang pilik mata at ang hugis ng kanyang katawan, halata na isa siyang babae. Ngunit, sino nga ba ang babaeng ito?

Malakas niyang itinulak si kuya kaya bumagsak ito sa sahig. Agad siyang lumapit kay kuya at inapakan ito sa may dibdib. 

"Sino ka?!" tanong sa kanya.

Hindi sumagot ang babae. Mabilis siyang lumapit sa akin at hinila ako papunta sa kanyang kotse.

"Sandali lang! Sino ka?!" tanong ko sa kanya. Pero ganun pa rin, hindi pa rin siya kumikibo. Tumingin ako sa mga mata niya. Sino ba talaga ang babaeng ito? Anong ginagawa niya dito?

Tumingin ako sa labas ng kotse at nakita kong naka tayo lang siya kuya. Nagsinungaling ako, dahil ang totoo may alam ako tungkol kay Carlo, ang anak ni Rebecca at ni William na isang bampira. Dahil simula nang lumayo ako kay kuya, hindi nawala ang koneksyon naming dalawa ni Rebecca. Noong nawala si kuya ng isang taon dahil sa kanyang trabaho, nadodoon ako noong mga panahon na nagdadalang tao si Rebecca. Hindi ko kilala kung sino ang Josephine na tinutukoy ni kuya dahil wala namang nabanggit sa akin si Rebecca tungkol sa kanya. Basta ang alam ko lang, nagkaroon ng anak si Rebecca sa isang bampira at yun ay walang iba kundi si William Francois. 

The  Vampire Royalties: HIDE & SEEKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon