Note: Medjo mahaba to dahil puro fight scenes na thisss. Enjoy reading!
Third Person's POV
"Hindi ba parang ang harsh mo naman kay Amanda, James? Tungkulin niya pa rin ang pagiging isang Pureblood Princess. Dapat natin siyang isama sa laban." Tuloy tuloy na sabi ni Kristina habang naglalakad sila palabas ng Hunters Association.
"Natatakot ka ba, kuya?" Tanong ni Julia dahilan para mapatigil sa paglalakad si James "Wala ka bang tiwala kay Amanda?"
"Oo nga James. Kailangan mong mag tiwala sa kanya dahil asawa mo siya. Baka anong isipin o maramdaman ni Amanda sa ginagawa mo." -Kristina
"Ano ba kayo, sinong magbabantay sa kambal kapag sumama si Amanda?" Singit naman ni Raven sa usapan at tinapik ang balikat ni James. Wala namang imik si Jade sa isang tabi habang nakikinig sa usapan nila. Naalala niya kasi ang pag-uusap nila ni Amanda noong isang araw.
Ilang saglit pa ay nakarating na sila sa siyudad. Nagulat silang lahat nang makita ang mga bangkay ng mga tao sa paligid. Ang mga sasakyan sa kalsada na nagka banggaan at ang mga dugo na kumalat sa paligid nila. Tuloy tuloy na pag putok ng baril ang umalingawngaw sa buong lugar. Ang daming nagsisigawan, nagtatakbuhan, umiiyak at pilit na nakikipaglaban. Kumalat din ang mga taong naka itim at mas dumami pa sila ngayon.
Ano bang ginawa ni Bianca?
Sa di kalayuan ay makikita ang mga pulis na pilit pinuputukan ng mga baril ang mga kalaban pero sadyang hindi tinatablan ang mga 'to.
"This can't be happening." Nanghihinang sabi ni Kristina habang pinagmamasdan ang mga nangyayari. Hindi nila inaasahan na ganito ang kinahihinatnan ng galit ni Bianca sa mga tao. Biglang naiyukom ni James ang mga kamay niya sa sobrang galit sumabay pa ang pag pula ng mga mata niya.
"Kailangan hindi tayo makilala ng mga pulis sa oras na nakipaglaban tayo." Wika ni Raven. Tama nga siya, sa oras na nakipaglaban sila, baka makilala sila ng mga pulis. Lalo pa ngayon na pinaghahanap na sila nga mga ito
"Gamitin nyo 'to." Isang pamilyar na boses ang kanilang narinig. Sabay silang napalingon sa nagsalita at laking gulat nila nang makita kung sino ito.
"M-Manager Karlie? P-paanong--" gulat na tanong ni Jade.
"Mamaya na tayo mag usap ang importante mailigtas ninyo ang mga tao." Sabi nito sabay abot ng kulay itim na pantakip sa mukha at kulay itim na kalo. Okay na rin to atleast hoodie na jacket ang kanilang mga suot kaya malabong makilala pa sila ng mga pulis.
Kanya kanya na silang ayos sa kanilang mga sarili hanggang sa isang malakas na pag sabog ang kanilang narinig.
Sa kabilang dako..
Hindi mapalagay si Amanda at kanina pa lakad ng lakad sa loob ng opisina ng kanyang lolo. Gusto niyang sumunod sa Royalties at tumulong pero talagang pinipigilan siya ng asawa niya.
"Okay ka lang ba, apo?" Tanong sakanya ni Felip na kanina pa pala nakatingin sa kanya, "Gusto mo ba talagang sumunod sa kanila?"
"Lo, kailangan ko silang tulungan. Hindi ako pwedeng tumunganga rito."
"Pero nakiusap si James sa akin na huwag kang payagan at protektahan ka." At dahil sa narinig ni Amanda ay agad siyang napaupo sa tabi ni Felip. Tahimik naman na naglalaro ang kambal sa tabi.
"Pero kaya ko naman ang sarili ko. Kaya kong protektahan ang sarili ko."
"Talaga bang kaya mo?" Napatigil si Amanda, "Talaga bang hindi na ikaw ang Amanda na kilala ko?" Halatang dismiyado si Felip kay Amanda ngayon dahil hindi niya akalain na magiging bampira ito. Ang kanyang nag iisang apo na buong akala niya na magiging isang Vampire Hunter din katulad niya at ng kanyang ina ay isa na palang Pureblood Princess ngayon o bampira. Agad namang lumapit si Amanda sakanya at hinawakan ang mga kamay niya.
BINABASA MO ANG
The Vampire Royalties: HIDE & SEEK
VampireTHE SEARCH IS NOT YET OVER. Dahil sa isang pagkakamali ay muling babalik ang propisiya na siyang iniiwasan ng lahat. Palaging may mawawala at palaging may magtatago. May bagong labanan nanaman kaya? Ito na kaya ang huli? ABANGAN!!! THE VAMPIRE ROYAL...