Chapter 4- Trouble

9.4K 258 31
                                    

James POV

"Amanda Lazaro, wear this ring as the symbol of my love for you." Isinuot ko ang sing-sing sa kanya after that I smiled "You're now my wife Amanda Waldorf."

"Mahal na mahal kita James. Habang buhay."

"Mahal na mahal din kita Amanda, walang katapusan." I said at hinalikan ko siya.

Kitang kita ko ang saya sa mga mata niya. Pareho kaming masaya ngayon. Laging nakangiti at umaapaw ang pagmamahalan naming dalawa. Kaso nagulat ako dahil biglang dumilim ang langit. Masyadong malakas ang hangin at kitang kita ko kung paano tangayin ng hangin si Amanda. Pilit kong inaabot ang mga kamay niya pero unti unti, tinatangay at nilalayo na siya sa akin.

"James.. gising na." isang pamilyar na boses ang narinig ko. Dahan dahan ko idinilat ang mga mata ko, "Okay ka na ba?" tanong ni Erin.

Nilibot ko ang buong paningin ko.

Panaginip lang pala ang lahat ng nangyari kanina.

"Ito oh, pinaghanda na kita ng pagkain." inalalayan niya akong umupo "Ano ba ang nangyari sa'yo kagabi? Ang init mo tapos pinagpapawisan ka pa ng todo. Wala ka namang lagnat tapos ang tagal ng tulog mo."

"Im fine." tipid kong sagot.

"Hm. Sige, kumain ka na. Sa sala lang ako." she said at lumabas na ng kwarto. Hindi ko pinansin ang pagkaing dala niya at tumayo na ako agad mula sa kama.

Napaisip ako. Ano kaya ang ibig sabihin ng nasa panaginip ko? Bakit ganun? Bakit unti-unting lumalayo at tinatangay ng malakas na hangin si Amanda? May ibig sabihin kaya 'yon? Kailangan kong puntahan si Aurora ngayon. Kailangan ko ang tulong niya.

Nagmadali akong lumabas ng kwarto at pag labas ko nadatnan ko na nanonood ng TV si Erin. Napansin niya ata ako kaya napatayo siya "Oh san ka pupunta?" tanong niya.

"May gagawin lang." kinuha ko ang itim na jacket na naka sabit sa gilid. Lalabas na sana ako pero may dalawang salita akong narinig na nagpa tigil sa akin.

 

"Waldorf Academy.." napahinto ako "Patuloy pa rin sa pag iimbestiga ang mga pulis tungkol sa nangyaring pag sunog sa paaralan na ito" napatingin ako sa TV "Sa ilang araw na pag iimbestiga may mga taong nag reklamo sa paraalang ito. Pakinggan ang reklamo ng isa sa mga magulang patungkol sa paaralan na ito." Kumunot ang noo ko at dahan dahan akong lumapit sa TV. Hinihintay ko ang sasabihin ng babaeng tinutukoy nung reporter.

"Ilang buwan ng nawawala ang anak ko. At hanggang ngayon hindi pa rin namin alam kung nasaan ito. Ang sabi ng mga pulis wala naman daw silang natagpuan na katawan sa sunog." wika ng babaeng umiiyak.

Muli, ang reporter naman ang nag salita "Hindi lang isa kundi marami raming mga magulang ang nag reklamo. At halos lahat sila'y hinahanap ang kanilang mga anak. Bukod pa dyan haka haka din sa ibang tao na ang Waldorf Academy ay isang kakaibang paaralan kung saan mismong bampira daw ang nagmamay-ari nito." Nagulat ako sa sinabi ng reporter "sa ngayon pinaghahanap na ng mga pulis ang isang lalaki na nagngangalang James Waldorf na siyang Presidente at may-ari ng paaralan na ito." kitang kita ko ang buong Waldorf Academy, sunog na sunog.

The  Vampire Royalties: HIDE & SEEKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon