James POV
Ilang buwan na ang nakakalipas..
Sa loob ng ilang buwan na yan, parang araw-araw kong pinapatay ang sarili ko. Lagi ko siyang hinahanap. Lagi ko siyang naalala. Kahit sa panaginip ko nakikita ko siya. Pero kahit anong gawin ko hindi ko siya matagpuan.
Amanda, nasaan ka na ba?
Damn..I miss her so bad..
"James! Kainan na!!" tawag sa akin ni Erin.
Si siya Erin Gibson. She's nice pero nag-iisa lang siya sa buhay. She likes singing at lagi siyang may gig tuwing gabi. Umuuwi na siya ng mga madaling araw na.
I'm so thankful to Erin dahil sa mga oras na hinahanap hanap ko si Amanda lagi siyang nandyan para tulungan ako. Lagi niya akong pinapayuhan. Inaalagaan niya ako na parang isang ka'pamilya. Oo, sa loob ng ilang buwan nananatili ako dito sa pamamahay niya. At wala akong balak umalis dito dahil alam ko balang araw, kakailanganin ko rin ang tulong niya. At kapag nangyari 'yon, babawi ako sa lahat ng naitulong niya sa akin.
At isa pa, hindi niya alam na isa akong bampira..
Umupo ako kaharap niya. Binigyan niya ako ng plato pati kutsara't tinidor. Lalagyan niya pa sana ng kanin ang plato ko but I stopped her. Agad siyang napatingin sa akin "Bakit?" nagtatakang tanong niya.
"I have my own hands to do that.." I said.. "Unahin mo muna ang sarili mo."
"Hay nako. Mabuti nalang at medjo sanay na ako sa pagiging cold mo." she said habang nilalagyan ng kanin ang plato niya "San ka ba kasi nakatira? Wala ka rin bang pamilya tulad ko?" she asked. Hindi ako umimik. Wala akong sa mood magsalita ngayon "Alam mo, ang weird mo talaga. Ang tahi-tahimik mo. Ang seryoso mo." dugtong pa niya.
"Just eat.." I said without any expressions.
"Eh ikaw? Wala kang balak kumain?" Tinuro niya ang plato ko na wala pang laman gamit ang nguso niya.
"Hindi ako gutom." tumayo ako "magpapahinga na ako. Eat well."
Dumeretso ako sa kwarto at doon nag-isip. Umupo ako sa kama at tahimik na tinititigan ang sing-sing na isinuot sa akin ni Amanda sa araw ng kasal namin. Mabuti pa ako,suot ito pero si Amanda? hindi. Noong isusuot ko na sana ang sing-sing sa kanya doon pa nagkaroon ng panibagong problema. Akala ko ayos na ang lahat, akala ko wala ng problema pero bakit ganon?
Ngayon na hawak hawak ng mga taga Cransylvania si Amanda, kailangan makagawa ako ng paraan para mabawi siya. Para makasama na siya. Pero masyadong mahirap makapunta o mahanap ang lugar ng mga masasamang Wizards at Witches na 'yon. Noong ipinasok nila ako sa isang portal akala ko nasa ibang lugar na ako, yon pala walang pinagbago. Kung saan nagsimula ang lahi namin, nandito pa rin ako. Talagang wala akong ideya kung saan hahanapin ang Cransylvania. Sinubukan ko ring pumunta sa Transylvania para humingi ng tulong kay Aurora pero sa tuwing kumikilos ako pakiramdam ko mas lalo akong nanghihina. Pakiramdam ko umiinit ang buong katawan ko sa hindi ko malaman laman na dahilan. Kung noon mahina lang ako, ngayon I feel like I'm dying because of being too weak--- ang hirap ng ganito.
BINABASA MO ANG
The Vampire Royalties: HIDE & SEEK
VampireTHE SEARCH IS NOT YET OVER. Dahil sa isang pagkakamali ay muling babalik ang propisiya na siyang iniiwasan ng lahat. Palaging may mawawala at palaging may magtatago. May bagong labanan nanaman kaya? Ito na kaya ang huli? ABANGAN!!! THE VAMPIRE ROYAL...