Chapter 50- History Repeats

1.3K 57 12
                                    

Raven's POV

"That's it?" Tanong niya sa akin habang nakaupo kami sa loob ng Pavillion, "yun lang ba ang kailangan nyo sa kin kaya pinapunta nyo ako rito at sinabing ako ang papalit sa pwesto ng ate kong si Aurora?"

I sighed at ibinulsa ang mga kamay ko.

"Hindi basta basta ang ginawa mo Yumi. If you don't get the point, your the key para makapunta kami sa Cransylvania. You're a big help. Don't you know that?" Umiling lng siya.

Ilang araw na ang nakalipas simula nang matuklasana namin ang Gate ng Pavillion. Of course sinabi namin agad sa mga kasama namin at alam namin na magtatagumpay kami lalo pa ngayon na bumalik na si Queen Josephine. Si Amanda at Jade naman ilang araw nalang palabas pasok dito sa Transylvania just to find Gilbert Lazaro. We can't stop Amanda kaya hinayaan nalang namin sya. Hindi naman siguro si pababayaan ni Jade.

At ngayon like our everyday routine, tinitrain ko pa rin si Yumi until na maging malakas na sya at matuto ng makipaglaban.

"Pagkatapos ba nito pwede na akong umalis dito?" Naka kunot akong napatingin kay Yumi. Ang laki talaga ng pinagbago niya, "Hindi ako nababagay dito Raven. Normal na tao pa rin ako at masaya na ako na walang na iinlove ni isa sa inyo sa buhay ko."

Napatayo ako, "are you mad at me? Because of what happened in the past Yumi?" Umiwas sya ng tingin, "if that's the reason of you for being so cold hearted, why can't you forget about that? Past is past Yumi and I din't mean to hurt you."

"Hindi 'to tungkol sa past o ano pa Raven. All I want is a simple and quiet life. Dahil kapag sumama ako sa inyo dito gugulo lang ang buhay ko." She said pagkatapos ay tinalikuran nalang ako.

Napabuntong hininga ako. Ang dami na nga talagang nagbago. At si yumi ang laki ng pinagbago niya.

Aalis na sana ako sa pavillion nang marinig ako ang boses ni Prince William.

"Ikaw ba?" Napahinto ako lumingon sa kanya. Anong pinagsasabi niya? Humakbang siya palapit sa akin habang naka cross ang kanyang mga balikat, "Ikaw ba Raven?" Muli niyang tanong.

Kumunot ang noo ko, "Ang alin?"

"Ang pumeke ng ritual para kay James?" May inilabas siyang isang piraso ng papel mula sa kanyang bulsa at hinarap sa akin. "Pumunta ako sa kwarto mo para hanapin ka at itanong sayo ang tungkol sa pag eensayo mo kay Yumi. At nakita ko tong papel na to sa ilalim ng kama mo."

Umiwas ako ng tingin.

"Pwede mo bang i explain sakin kung ano ang ibig sabihin nito?"

I think wala na akong choice. Magsasalita ako hindi dahil sa traydor ako, mag sasalita ako upang matigil na tong konsensya ko. Ang tagal na rin, kaya panahon na.

"Oo tama, yan ang totoong nakasulat sa libro na gagawin para sa ritual kay James. Pero hindi ako ang pumeke sa ritual na gagawin dapat kay James."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Pagkatapos sunugin ang Waldorf Academy, bumalik ako dito noon sa Transylvania para sabihin kay James ang nangyari. Pagkatapos nun, umalis na ako at habang naglalakad ako nakita ko ang papel na yan. Noong una wala akong ideya pero habang binabasa ko ng paulit ulit, naintindihan ko rin ang lahat."

"Pagkatapos anong ginawa mo?"

"Hindi ko sinabi agad kay James dahil hindi rin naman talaga ako sigurado na pineke ang ritual sakanya. Saka ko lang napatunayan nung napapansin ko na unti unti siyang nanghihina at ayaw magpagamot sakin. At nung napatunayan ko na nga hindi ko pa rin sinabi sa kanya."

"And why?" Matigas na tanong ni Prince William sa akin.

"I don't know! Hindi ko rin alam! Sguro dahil gusto ko syang humina at di na makabalik pa kay Amanda? Hindi ko alam! Naguguluhan pa ako noon. Pero nagsisisi ako dahil hindi ko sinabi sakanya. Pero maniwala ka sakin, hindi ako traydor. Nagawa ko lang yun dahil gustong gusto ko si Amanda at mas lalong hindi ako ang pumeke sa ritual!"

The  Vampire Royalties: HIDE & SEEKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon