Chapter 43- Lost Sister

2.7K 109 19
                                    

James POV

"Wow!" Pumalakpak ako pagkatapos sabihin ng babaeng kaharap ko kung sino ba siya sa buhay ko. Hindi ko alam kung anong pinagsasabi niya. She looks like an idiot right now. Lumapit ako ng konte sa kanya at tinignan siya ng nakaka asar "And do you expect me to believe that?" Tanong ko sa kanya. Hindi siya naka imik instead napayuko nalang siya. Tss "Look Amanda, whoever you are, I don't care. Ang akin lang ayoko na nangengelam ka sa mga bagay bagay dito sa Transylvania. That's all." Sabi ko bago ko siya tuluyang tinalikuran.

Hindi na niya ako tinawag o hinabol man lang. Huh. I don't care.

Bumalik ako sa Headquarters at pagbalik ko seryosong nag uusap ang lahat. Agad naman akong tinignan ng masama ni Jade pero binalewala ko nalang iyon. He's still the same. Nakakumay nang makipagtalo sa kanya.

"Anong nangyari? Si Amanda?" Tanong ni Blaze saakin.

"I have no time for that questions," tumingin ako kay Jade, "ano bang kailangan mong sabihin ha?" Tumayo siya at ngumisi sa harap ko. Ibinulsa niya ang mga kamay niya at ngitian ako ng nakaka asar.

"Itanong mo sakanila. I'm done here. Aalis na ako. May kailangan pa akong kausapin."

Pinapainis mo talaga ako, Jade.

Third Person's POV

Naiwang tulala si Amanda sa labas ng pavillion pagkatapos niyang aminin kay James kung sino ba talaga siya. Para bang napanghinaan siya ng loob dahil nagawa lang siyang sungitan nito pagkatapos ng mga sinabi niya. Napaluha nalang siya sa mga nangyayari. Pero alam niya na hindi pa huli ang lahat. Gagawin niya ang lahat para bumalik ang mga ala ala ni James. Hindi siya susuko.

Pinunasan niya ang mga luha sa pisngi niya at sinubukang ayusin ang kanyang sarili. Aalis na sana siya at babalik na ng headquarters nang biglang may tumawag sa pangalan niya---isang pamilyar na boses. Agad siyang napahinto at dahan dahang nilingon ang taong yun.

"Amanda!" Tumakbo ito palapit sakanya. Nanlaki ang mga mata ni Amanda at halos hindi siya makapaniwala sa nakita niya. "Amanda! Kamusta ka na?" Niyakap siya nito.

"Y-Yumi? N-Nakabalik ka na?"

Sa kabilang dako..

"Hindi pwede to Detective Clyde! Magkakagulo nanaman ang lahat! Hindi pwedeng mangyarin'to." Pagmamaktol ni Stella Black sa harap nito.

Kasalukuyan silang nasa Condo ni Detective Clyde ngayon. Ilang araw na rin silang magkasama ni Stella dahil ayaw pang bumalik ni Stella sa mga kasama niya. Sa ngayon, tinutulungan niya si Detective sa pag lutas ng kaso patungkol sa Waldorf Academy. Pero ng dahil sa nalaman ni Stella tungkol sa pagbubukas ulit ng kaso, nakaramdam siya ng inis.

"Kumalma ka muna, Stella. Kahit ako nga hindi rin makapaniwala sa desisyon ng Unit Commander namin. Maganda naman ang naging usapan niyo, diba? Kaya kahit ako nagtataka rin kung bakit bigla nalang nag bago ang isip niya." Sambit ni Clyde na nakaupo sa sofa ngayon habang pinag aaralan ang mga ebidensya laban sa Waldorf Family at iba pang bampira. "Sino naman kaya ang nagpadala ng mga 'to?" Tanong niya. Lumapit si Stella sa kanya at inagaw ang mga ito. Tinigan niya ito isa-isa.

"Imposibleng may maka kuha ng ganitong litrato mula kayla James. Paano sila nagkaroon nito? Naguguluhan ako!'

"Stella, tapatin mo nga ako." Napahinto si Stella sa sinabi ni Detective Clyde, "may traydor ba sa lahi niyo?" Napahinto si Stella. Hindi siya naka imik agad. Maya maya pa ay bumuntong hininga siya at umupo sa maliit na couch na nasa harap ni Clyde.

"Ang pagkaka alam ko, ako lang ang traydor dahil sa ginawa ko sa kapatid kong si Josephine." Malungkot na sambit nito. Napayuko siya.

"Maliban sayo Stella," biglang naiangat nito ang kanyang ulo, "magkaiba na ang inyo ng kapatid mo sa nangyayari ngayon. Sa tingin mo, may traydor ba sa lahi niyo?"

The  Vampire Royalties: HIDE & SEEKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon