Erin's POV
"Erin, hindi ka pa rin mag gi'gig?" tanong sa akin ni Fiona. Isa sa mga kabanda.
"Hindi na muna ngayon guys. Alam niyo naman nasangkot ako sa isang issue. Baka ano pang mangyari sa akin, mahirap na." napakamot ako sa ulo.
Kakagising ko lang. At pag gising ko tamang tama dumating silang lima. Tinatanong lang nila kung kailan daw ako babalik sa trabaho. Ilang araw na rin kasi akong hindi pumapasok sa trabaho.
"Osige, naiintindihan namin." sabi ni Lina.
"Salamat ha, kayo munang bahala sa banda natin. Nagpaalam na rin ako sa boss natin kaya wala na kayo dapat pang ikabahala." ngumiti lang ako sa kanila.
Natahimik nalang kami bigla ng biglang lumabas galing sa kwarto si James. Una niya akong tinignan sunod ay ang lima kong ka banda. Grabe ha, kung makatingin sa mga kasama ko si James parang ang tindi ng galit.
"Ano Erin, aalis na kami. Hihintayin namin ang pag balik mo. Sige bye." pagpaalam ni Erin. Napansin ko naman na parang nagmamadali silang umalis. Ni hindi man lang ako nakapag paalam sa kanila ng maayos. Pambihira.
Tumingin naman ako kay James.
Simula kagabi kakaiba na ang kinikilos niya. Hindi ko talaga gets ang ugali ni James. Akala ko okay na kasi diba ang bait bait na niya. Siya rin kasi ang nagluto at nag hugas kagabi. Pero ngayon ewan anong nangyayari sa kanya. Bipolar talaga.
"I'm sorry.." nagising ang diwa ko ng bigla siyang magsalita, "sorry kung masyado akong cold sayo."
"A-ano ka ba! O-okay lang no. Sanay na rin ako sayo!" Grabe. Ano ba to! Parang ang awkward naman.
"Mag ready ka. May pupuntahan tayo." sabi pa niya.
Bago pa ako maka react ay pumasok na siya agad sa kwarto. Teka, may pupuntahan kami? Saan naman kaya? Ang weird niya lang. Baka naman naka drugs siya? O di kaya may binabalak siyang masama? Jusko Erin! Tumigil ka! Sa tagal ba naman ni James sa bahay mo ngayon ka pa mag-iisip ng masama tungkol sa kanya? Hay nako!
Aurora's POV
"Aurora, hindi pwede yan. Si Amanda ang naka tadhana kay James. Imposibleng mahalin niya ang babaeng yan." reklamo ni Ramon.
Wala na ata kami ibang ginawa kundi panoorin nalang ang mga nangyayari kay James pati na rin ang sa dalagang si Erin. Talaga ngang nagbago na ang lahat.
Nagbago si James, pati ang nararamdaman niya.
"Aurora!" napalingon ako kay Bettina ng bigla niya akong tawagin.
"Ano yun Bettina?" tanong ko sa kanya. May inabot lang siya sa akin na isang papel, "ano 'to? San nanggaling?"
BINABASA MO ANG
The Vampire Royalties: HIDE & SEEK
VampireTHE SEARCH IS NOT YET OVER. Dahil sa isang pagkakamali ay muling babalik ang propisiya na siyang iniiwasan ng lahat. Palaging may mawawala at palaging may magtatago. May bagong labanan nanaman kaya? Ito na kaya ang huli? ABANGAN!!! THE VAMPIRE ROYAL...