Chapter 1

19.9K 457 16
                                    

Eli's POV

Nakarinig ako ng malakas na pagkatok mula sa labas ng aking pinto. My eyes are still close and I am still feel sleepy. 

"Ma'am Eli, pinapatawag po kayo ni Don Eden. Andito na daw po kasi ang bagong maid," sabi ni Manang Linda habang patuloy sa pagkatok.

I can't understand why do they have to call me when they can face the maid by themselves. Tinakpan ko ang ulo gamit ang malambot at kulay puting unan sa tabi ko. I don't want to wake up early in the morning. Gabi na ako nakatulog kagabi. I still need to rest for 3 hours.

"Ma'am! Baba na daw po kayo!" sigaw niya at til ay naiinip na ito.

Malakas at may halong inis akong bumalikwas. I can't stop my forehead to crease, "Manang, naman! I still want to sleep! Bakit ba?" tanong ko sa kaniya.

Tumayo ako mula sa malambot na kama na nakakunot noo. Hindi naman ako maldito pero kapag nasisira ang tulog ko, nagagalit ako. Hindi ako ako magandang magalit.

Binuksan ko ang pinto, I didn't even look at my face in the mirror dahil baka madami pa akong muta or what. I touched my eyes to know, mabuti at wala. Bumungad sa'kin si Manang Linda na nagkakamot ng ulo.

"Manang, hindi ko naman kailangang malaman kung sino ang iha-hire ni daddy," sabi ko sa kaniya at ginulo ang buhok ko. Gulong-gulo na nga, ginulo ko pa lalo.

"Kasi, ma'am. Aalis si Don Eden, eh. Dalawa lang daw kayo dito sa bahay maliban sa mga guards dahil magle-leave din po ako," malamya niyang sabi sa'kin habang ginagalaw ang kamay niya. Manang Linda started working here when I was 10 years old. Matanda na siya ngayon at malapit nang pumuti ang buhok niya.

Tumaas ang dalawang kilay ko, "What? Si daddy aalis? Ngayon na?" I asked hysterically. I didn't know that he is leaving. Hindi niya sinabi sa'kin.

"Yes po, ma'am. Kaya nga po pinapatawag niya kayo," sagot niya sa'kin at nag-iwas ng tingin.

Nameywang akong tumingin sa kaniya, "Manang? Why are you leaving too? So, hindi ko siya kilala, them we're going to spend each other's day? Ha!" tugon ko. Hindi ako makapaniwala. I really need to know that woman. Paano kaya kung suplada siya? Mabait si Manang Linda kaya gustong-gusto ko siya.

Tumango ito, "Uuwi po muna sa probinsya, ma'am. Babalik naman po ako sa susunod na buwan," sambit niya at ngumiti.

Nanalaki ang mga mata kong binigyan siya ng tingin, "Now way, manang! Isang buwan ka do'n? Paano ako?" malakas kong tanong sa kaniya. Napahawak ako sa dibdib. I can't cook for myself!

"Opo, ma'am. 'Wag ka pong mag-aalala ang papalit sa'kin ay tiyak na magaling mag-alaga. Marunong din siyang magluto." Ngumiti itong ng matamis.

Ilang ulit akong umirap sa kaniya. Kailangan ba sabay silang umalis? Nakakatakot naman kasi ang mga kasama ko dito, bodyguards ba naman na ang lalaki ng katawan na feeling mo anong oras ay bubugbugin ka.

Bumuntong hininga ako at hinawakan siya sa braso, "Nakakainis, sino ba kasi 'yan? Ano naman kaya ang gagawin ko dito loob ng malaking bahay na 'to?" tanong ko. Hindi ko napigilang umikot ang mga mata ko dahil sa inis. Hindi ako maka-move on eh. Bumaba na kami sa hagdan.

"Hindi ko pa siya nakikilala, ma'am. 'Di bale makikilala mo naman siya maya-maya," sagot niya, "Ando'n na rin kasi si Don Eden. Nagkakape kasama niya," dagdag pa nito.

I Fell In Love With The Hot Maid(COMPLETED✔) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon