Chapter 32

7.1K 183 6
                                    

3 years later

Pagbaba ko ng eroplano ay agad kong naramdaman ang init na simoy ng hangin. Muntikan ng lumipad ang sumbrero ko kaya kinuha ko ito.

Agad kong nakita si dad sa waiting area ng airport. Holding my name. I smiled at him, its been years when I left Philippines. Nagpunta akong States where dad let me handle our business, I learned and failed but I made it.

Ayaw ko na sanang bumalik dito but dad will let me handle his future business here while it's ongoing. Mas-start na daw ang construction nito pero magte-take siya ng leave.

I waved my hand from side to side with proper posture and confidence. Hindi na ako ang dating inosenteng walang alam sa mundo. I've been tough and strong.

"Dad!" sambit ko at niyakap siya. Niyakap niya ako pabalik.

"Eli, how are you? You look more beautiful in person. You grown up really goddess," sabi niya. Sobrang laki ng ngiti niya habang tinitingnan ang kabuuan ko.

"I'm fine, dad. Makapagsalita ka parang hindi tayo nag-uusap sa call," sagot ko at inangkla ang braso ko sa braso niya.

Malakas siyang tumawa, "We do not talk often, Eli. You are so busy with your career, duh!" he said and we started walking. Nakasunod naman ang secretary ko. She is from the States too pero Pilipino din siya kagaya ko. Thanks God that she is so kind and obedient, we became friends.

"You don't even let me go there." Dagdag pa niya. Parang nagtatampo naman pero nag-eenjoy din naman siya na wala ako.

"Because I want to focus, dad! Baka ma-distract ako sa'yo. And I just want to tell you that I love you." Matamis akong ngumiti at sinandal ang ulo ko sa balikat niya. How I missed Philippines.

"I love you too, anak. Thank you that you opened my mind to let you live your life."

Pagdating sa bahay ay agad kaming kumain. Umuwi din sa kanilang bahay ang secretary ko.

We rest for 3 days and now we are going to dad's office.

Pagkatapos kong maligo ay lumabas ako na nakatapis ng tuwalya. My room still the same, hindi na ako nag-isip pa ng mga ibang bagay. Kailangan kong mag-focus. Napatingin ako sa body mirror, my hair is blonde. I never thought that it would suit me. Ang ganda tingnan.

Nagbihis ako ng pencil skirt na kulay black, coat, and my heels. I curled my blonde hair. I used to fix my make up and hair but in States I prefer not putting some make up dahil malamig naman do'n.

Ngumiti ako sa salamin, "Perfect!" komento ko sa sarili. Kinuha ko na ang LV handbag ko. I put my essential things like cellphone and sanitation.

Bumaba ako mula kwarto at dumeretso sa dining. I saw dad sipping his coffee. Relax na relax ah?

"Good morning, Eli. Ready for today?" he asked, smiling.

Tumango ako sa kaniya, "Ano ba ang ipapatayo mong building, dad?" I asked curiously.

Nilagyan na ako ng pagkain ni manang sa hapag. Ngumiti ako sa kaniya at nagpasalamat.

"Mall lang, hija. Actually matagal na dapat 'to pero dahil hindi ako nakapag-focus, umabot siya hanggang ngayon," sabi niya. Mall pala. Napatango alo habang nagsisimulang hiwain ang pagkain ko.

"Set na ba ang meeting? Ayoko ng nale-late ah?" prangka kong sabi. I hate lates. Filipino time. Dapat dedicated sila sa trabaho.

Mahina siya tumawa, "Yes, hija."

"Anong gagawin ko do'n, dad?" hindi ko pala alam ang gagawin ko. Baka umupo lang ako do'n at magpakilala na ako ang papalit kay Don Eden.

"Handle them, lahat ng trabaho dapat ando'n ka. Ready to ship na rin ang materials, ready your engineer," bilin niya, "They will discuss this blueprint." Kinuha niya ang mahabang tarp at binigay sa'kin. Kinuha ko ito at nagtaka. Mamaya ko na lang bubuksan. Siguro ang haba nito.

I Fell In Love With The Hot Maid(COMPLETED✔) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon