Chapter 9

8.9K 216 13
                                    

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Kanina pa kasi kumakatok ng pintuan si Hector. Lumabas ako suot ang pajama at spaghetti top ko. Pinusod ko ang buhok ko dahil sobrang gulo nito.

Nakita ko siyang nakaupo sa harapan ng mesa at nagkakape. Napatingin siya sa'kin.

"Good morning," bati niya. Meron na palang pagkain sa mesa.

"Morning, Hector," bati ko sa kaniya pabalik. Ilang ulit akong humikad hanggang sa umupo sa tapad niya.

"Nagpa-room service ako. Mamaya na lang tayo kakain sa restaurant," sabi niya. Nakatingin siya sa kaniyang phone at tila ay may kausap.

"Okay," inikot ko ng tingin sa mesa pero wala ang hinahanap ko, "Wala?" pabulong kong tanong.

"Want me to get you a milk? Meron sa loob ng fridge, El," tugon niya. Nakataas ang kilay niya habang nakatingin sa'kin.

Lumawak ng ngiti ko sa kaniya, "Yes, please," sagot ko sabay tango.

Tinulak niya patalikod ang upuan niya at tumayo. Iniwan niya sa ibabaw ang phone nito habang nagba-vibrate. Dami namang kausap.

Bumalik siya sa harapan ko na may dalang karton ng gatas. Nilapag niya ang baso sa harapan ko at nilagyan ito.

"Salamat, Hector," matamis kong sambit. Ngumiti lang siya sa'kin.

"Let's eat, Eli. Baba na tayo mamaya habang hindi pa masyadong mainit ang araw."

I nodded my head on him as my response. Nilatag na niya ang mga pagkain sa harapan namin. Tahimik kaming kumain na dalawa. Excited ako para mamaya, I wanna swim and do sunbathing.

"Bagay kaya sa'kin kapag naging morena ako, Hector?" bigla kong tanong. Sobrang puti ko kasi. I want to try na maging medyo maitim.

He looked at straight in my eyes, huminto siya sa pagnguya at tila tinatanya kung tama ba ang pagkakarinig niya. Kumunot ang kilay niya.

"Your skin is fine, why do you want to be dark?" he asked. He started to chew again. His jaw clenched.

"Ita-try ko lang kung bagay sa'kin. At sobrang puti ko kasi," sabi ko sa kaniya sabay subo ng chicken sa plato ko.

He smirked, "Ang ibang maiitim gustong pumuti tapos ikaw na maputi gustong umitim?" he said, groaning. Naiinis ata siya, "Depend on you, Eli. Hindi mo naman malalaman kung bagay nga sa'yo kung hindi ka magpapaitim," he added and gave me a short smile.

Bigla naman akong nakaramdam ng excitement. Gusto ko talagang magpaitim eh. I feel like my skin is so pale and fragile.

"Sasama ba sa'tin si Mica mamaya? Ando'n din ba siya?" bigla kong natanong. Curious lang ako. Ayaw ko kasing makita siya dahil naiinis ako, inaagaw niya ang atensyon ni Hector sa'kin. Ngumoso ako at nanatiling nakatingin sa pagkain na ngayon ay hinihiwa ko.

"Uhmmm...I think so, sabi niya pupuntahan niya daw tayo, eh," sagot niya.

Nalaglag ang knife na hawak ko sa pinggan at nakagawa ito ng hindi kaaya-ayang tunog. Napatingin si Hector sa'kin dahil sa pagtataka.

Tipid akong ngumiti sa kaniya, "I'm sorry, nabitawan ko. Medyo matigas kasi ang manok," tugon ko sa kaniya. Agad ko nang ipanagpatuloy ang paghiwa.

"Parang hindi naman, Eli. Mine is not," mahina niyang sagot sa'kin, "Anyways, sasabay din ata ang mga kaibigan niya sa'tin," dagdag pa niya.

Tumango na lang ako bilang tugon sa kaniya. Hindi na lang ako mamamansin at hahayaan sila. I want to enjoy, baka dito pa ako ma-stress.

"Okay lang ba?" tanong niya sa'kin.

"Oo naman! Sige lang."

"Thank you," sabi niya.

I Fell In Love With The Hot Maid(COMPLETED✔) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon