Chapter 39

9.8K 216 2
                                    

Hindi pa rin ako makapaniwalang si dad ang may pakana no'n. Ilang ulit kong inisip pero parang ayaw pumasok sa isip ko.

Biglang may pumulupot na braso sa likuran ko. I'm on the site. Ilang araw na rin ang nakalipas magmula ng magbalikan kaming dalawa ni Hector. Gumaan ang pakiramdam ko.

"Hey, love. Bakit ganiyan ang mukha mo? Iniisip mo na naman ba ang daddy mo?" tanong niya at hinalikan ang leeg ko.

Lumabi ako at tumango, "Oo, hindi ko alam kung bakit niya nagawa sa'kin 'yon," sagot ko at hinawakan ang kamay niya na nasa bandang tiyan ko.

"Alam kong may rason kung bakit niya nagawa 'yon, okay? Tanongin mo siya." He sniffed my shoulders. He's so clingy. Kung si Hector ba naman ang yayakap sa'yo? Papalag ka? No.

Sinabihan ko na si dad na kailangan niyang umuwi dahil may pag-uusapan kami. Tungkol na rin sa'ming dalawa ni Hector.

"Yeah. Anyway, kumain ka na, Hector. Alam mo bang pumayat ka?" naiinis kong tanong sa kaniya. I hold his hand and pulls him towards my table. Nagluto ako para sa kaniya.

"Yeah, I know. Madaming nagsabi. It's because you left me, love." Mabilis niya akong hinalikan sa labi. Matamis akong ngumiti. Siya lang talaga ang makakapagpaligaya sa puso ko. Kahit paulit-ulit akong masaktan at mahulog.

"I'm sorry, Hector. Para din naman sa'tin 'yon. Look at us now, we're strong," I said and gave him a hug. Mahigpit niya rin akong niyakap pabalik.

"It's okay, ang importante, we're back. You forgive me, and accept me. I love you for that, love. You're still the innocent love of my life," he sweetly told me. Lalo kong siniksik ang mukha sa dibdib niya. Napakagat-labi ako sa sobrang kilig.

"I love yo----,"

"WHERE'S ELI?! ELIZABETH?!"

Pareho kaming nagulat ni Hector sa biglaang pagpasok ni dad. Tila ay hinihingal ito habang hinahanap ako. Nahulog ang panga ko ng makitang nakasuot pa rin siya ng Bohemian polo at boarder shorts. Kumunot ang noo ko at kumalas sa yakap.

"D-dad?!"

Napatingin siya sa gawi ko at lumiwanag ang mukha. Tumakbo siya papalapit sa'kin at niyakap ako. Ramdam ko ang takot sa loob niya. He's slightly trembling.

"Saan ang masakit? Ha? Eli, may sugat ka? Galing ka ng hospital?" natataranta niyang tanong habang hawak ang kamay ko at tinitingnan ako.

I chewed my lips and stared at him. I feel sorry, "I lied, hindi naman talaga ako naaksidente," sabi ko. I never thought na magiging ganito ang reaksyon niya. I sent him a message na naaksidente ako sa site at kailangan niyang bumalik.

"What?! No!" hindi ko lubos maisip ang reaksyon niya. Parang binagsakan siya ng langit at lupa. Hindi siya makapaniwalang tumingin sa'kin.

"We need to talk, dad," matigas kong sambit, "With Hector."

Kumunot ang noo niya na tumingin sa likuran ko, "I thought you backed out, Engineer."

Napalingon ako kay Hector. His sweet face earlier changed into expressionless. Dad was about to walk towards him but I hurriedly stop him.

"Stop, you're the one at fault here, dad." I pointed him while gritting my teeth.

We decided to talk in private. Not in the office but in the luxurious restaurant. I looked at dad with my bored face.

"What's this, dad?" nakasunod lang si Hector sa likuran ko. Kanina pa siya tahimik.

He shrugged, "I'm hungry, Eli. Let's go," he answered. Nauna siyang naglakad at nagpa-iwa ako kay Hector. Hinarap ko siya, ngumiti ito sa'kin.

I Fell In Love With The Hot Maid(COMPLETED✔) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon