Pagkagising ko ay ang una kong tiningnan ay ang phone ko. Shocks! Tanghali na pala! Nakita ko ang madaming text ni Sam sa'kin kaya hindi na ako nagdalawang-isip na tawagan siya. Hindi ko alam kung gising na siya ngayon.
I nibbled my lips while waiting for him to answer my call. Nakahinga ako ng maluwag ng masagot niya.
"What the f*ck, Eli?! Okay ka lang? Si Hector! Kinuha ka niya! Nasaan ka ngayon?!" natataranta niyang tanong. Sa sunod-sunod at sobrang bilis niyang magsalita ay hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.
"Uhhhh...Andito ako sa bahay niya. Sorry, okay ka lang ba?" tanong ko.
"Ako pa talaga ang tinatanong mo?! Ikaw?! Are you having trauma? Gusto mong magpunta tayong doctor?"
I sighed heavily. Parang baliw 'to, "Okay lang ako. Medyo masakit na lang ang ulo ko. Sino 'yong sinabi ni Hector na hinalikan mo daw ah?!" singhal ko sa kaniya. Iniwan niya siguro ako dahil dumating ang babae niya.
"I'm very sorry, Eli! That was Stella. Hindi ko naman alam na mangyayari 'yon," sagot niya.
"You bitch! Sige na usap na lang tayo. Sabi nga pala ni Hector, i-break daw kita kasi nambabae ka," natatawa kong sambit. Paulit-ulit pa rin 'yon na tumatakbo sa isip ko.
Narinig ko ang malakas niyang tawa mula sa kabilang linya, "Is he joking? Iniisip niya talaga na tayo?" hindi niya makapaniwalang tanong. Maski ako, hindi ko alam kung bakit akala niya na boyfriend ko siya.
"Yeah, Sam! At humanda ka sa kaniya." Pagbibiro ko.
"What? No! 'Wag mo naman akong ipabugbog! Nagkabalikan na kayo?" he asked curiously.
Nawala ang ngiti ko dahil sa sinabi niya,"N-no, Sam. Magkita na lang tayo ah? Bye for now." Binaba ko na ang tawag at nagtakip ng kumot. Bigla akong nangulila.
Hector gets in, "Gising ka na pala. Kumain ka na sa baba," sabi niya. Dahan-dahan kong binaba ang kumot hanggang bibig ko at nakitang kumukuha siya ng damit sa closet niya, "Bakit ka pa makikipagkita sa lalaking 'yon matapos ka niyang lokohin?" nanlaki ang mga mata ko.
"N--narinig mo? K-kami? Nag-uusap?" pautal-utal kong tanong sa kaniya.
Humarap siya sa'kin at nagkibit-balikat. May iba sa pinapakita niyang ngiti.
"A-ano kasi, mag-uusap lang kaming dalawa," ngumisi ako, "Oo tama, mag-uusap lang." Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya.
"Mag-uusap? Why you did not break up with him? Gano'n mo siya kamahal?" may kung anong pait sa sinabi niya. Pilit ko siyang hinarap at nakita kong masama ang mukha niya, nakakunot ang noo at nakabaluktot ang kilay.
Ngumisi ako habang kinakabahan, "A---," he cut me off.
"At ako? Hindi mo man lang binigyan ng pagkakataon? Damn, Eli!" kumirot ng husto ang puso ko. Pulang-pula ang mukha niya. I can see his fist gripping his clothes tight.
"Did he kneel? Did he even say sorry? D-did he cry?" sunod-sunod niyang tanong hanggang sa nabasag ang boses niya, "Dahil ako? Nagmakaawa ako sa'yo, umiyak, ilang ulit humingi ng pagkakataon pero wala, eh." Umismid siya. Nakita ko ang ilang butil ng luha na dumaloy sa mukha niya. Nabasag ang puso ko, nasasaktan ako. Mabilis niya itong pinahid at napayuko.
"H-hector," napakagat-labi ako. I held my chest. Ang sakit ng dibdib ko.
Umiling siya, "I'm sorry, forget what I said. Kumain ka na sa baba," utos niya bago ako iniwang nakatulala kung saan siya nakatayo kanina. Hindi ko alam na gano'n siya nasaktan.
Tulad ng utos niya. Kumain ako sa baba. Nakita kong maraming nagbago. Ang kulay, the ambiance become more light. Para siyang vintage type.
Bigla kong naalala ang pagpunta namin dito. I thought we're going to the hotel para mag-date pero dito niya ako dinala. I smiled bitterly.
BINABASA MO ANG
I Fell In Love With The Hot Maid(COMPLETED✔)
RomanceWarning ⚠️ This is not suitable for 18 years old below⚠️ Hector Montenegro, a 25 years old-Engineer. He is tall and hot man. Siya ang ginawang substitution para maging maid sa mansion ng mga Reyes sa loob ng isang buwan. Elizabeth Reyes, she is a...