Chapter 23

7.5K 158 10
                                    

Habang kumakain kami ay hindi maiwasan ang mga tingin nilang dalawa. I let them do that.

Akala ko hindi ko magugustuhan ang pagkain. Masarap naman pala.

"Ma'am, okay lang po ba kayo?" nag-aalalang tanong ni Leo.

Tipid akong ngumiti, "I'm okay, kuya."

Patingin-tingin naman si kuya Albert sa'kin na parang may sasabihin pero hindi masabi-sabi.

Nilapag ko ang kubyertos na hawak ko at deretsong tumingin sa kaniya. Noong nakaraan ko pa gustong malaman ang sasabihin niyang naudlot, "Kuya Albert, sabihin mo na kung may sasabihin ka sa'kin," matigas kong sabi sa kaniya.

Nataranta siya sa pagtawag ko sa pangalan niya. Nakita ko ang pagsiko ni Leo sa tagiliran niya. Nagbubulungan din ang mga ito.

"Sabihin mo na!" lumakas ang boses ko.

Napaayos sila ng upo habang nakapikit. Hindi sila sanay na sumisigaw ako. Kilala nila ako bilang mahiyain at tahimik.

"Sabihin mo na kasi, pare!" asik ni Leo sa kaniya. Ang matitikas at nakakatakot nilang mukha at napalitan ng kaba at pagkataranta.

"K-kasi po, ma'am, nakita ko rin po si Hector na kasama ang babaeng 'yon," sabi niya. Hindi siya makatingin sa'kin ng deretso pero nanlaki ang mga mata ko habang nakatulala sa kaniya.

Napakuyom ang kamao ko sa ibabaw ng mesa.

"Ang alam ko po kasi may namamagitan sa inyong dalawa. Pero hindi din ako sigurado kung may namamagitan sa kanila kaya hindi ko sinabi sa'yo,"dagdag pa niya. Pinagsaklop niya ang sarili niyang mga kamay habang nakapikit na animo'y nanghihingi ng tawad sa'kin.

Napayuko ako sa mesa. My jaw clenched while gritting my teeth. Kaya siguro lagi siyang ginagabing umuwi. He is dating that woman. Lagi silang magkasama.

Marahas akong tumayo. Nandidilim ang paningin ko dahil sa galit. Naluluha ako na. Napatakip ako ng mukha. Ayokong umiyak sa harapan nila.

Tinulak ko ang upuan at natumba ito sa sahig, "Sa inyo na lang ang pagkain ko," sabi ko sa kanila. Binuksan ko ang mukha at tumingin sa kanila.

"M-ma'am, namumula ang mga mata niyo."

Nagsimula na akong maglakad palabas ng dining. Tanging sakit lang ang nararamdaman ko. Ganito pala ang pakiramdam. They are doing their things behind my back!

Kumirot ng husto ang puso ko kaya napahawak ako sa dibdib ko. Pabigat nang pabigat ang naging hakbang ko sa hagdan.

Nagsiunahang tumulo ang mga luha ko pero agad ko din itong pinunasan.

"Bakit ako nasasaktan? Wala namang kami! Hindi naman kaming dalawa. Hindi niya ako mahal!" pilit kong pinapaintindi sa sarili ko. Pero hindi ito nakikinig eh.

Umiyak ako sa ilalalim ng unan ko. Pinatay ko ang cellphone ko kaya wala na akong tawag na natatanggap. Ramdam ko na ang paghapdi ng mga mata ko.

"Hindi ka naman niya mahal, Eli. Ginagawa niya lang ang trabaho niya bilang maid mo," sabi ko sa sarili. I pulled out my hair. Para akong nabaliw habang sinasaktan ang sarili ko.

Dahil sa pagod ay agad akong nakatulog. Sa sobrang himbing ay pati sa panaginip ko ay naroon ang pangyayaring nakita ko sa mall. Nag-iiyak ako at hindi maimulat ang mga mata ko. Hindi puwedi! Ayoko! Tama na. Ayoko nang ganito.

"Tama na!" nagising ako na puno ng pawis ang mukha ko. Habol ang hininga ko habang napupunas ng mukha. Nandoon pa rin ang sakit. Napatingin ako sa wall clock.

It's 9:30 PM at wala pa siya.

Bumuntong-hininga ako at tumayo mula sa aking kama. Hindi na ako mage-expect na darating siya pero wala akong ganang bumaba sa mula sa kwarto para kumain.

I Fell In Love With The Hot Maid(COMPLETED✔) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon