Chapter 21

8.2K 178 4
                                    

Sunod-sunod ang naging trabaho ni Hector kaya ang ginawa ko ay libangin ang sarili ko sa loob ng bahay, maghintay sa kaniya at matulog sa kwarto.

Kasalukuyan akong naghihintay sa kaniya sa hapag habang walang ganang nakatunganga sa pagkain na nasa harapan ko. Sabi niya kasi maaga siyang uuwi, I decided to wait for him.

Nami-miss ko siya. Bigla tumaas ang tingin ko ng marinig ang yapak mula sa labas ng dining. Parang sinindihan ang puwet ko dahil sa excitement, ilang araw din kaming hindi masyadong magkasama at nagkakausap dahil lagi siyang pagod.

Lumawak ang ngiti ko ng makitang lumabas siya sa pintuan habang hinuhubad ang damit coat niya. Matamis siyang ngumiti sa'kin.

Hindi ko na napigilan ang sarili kong itulak palabas ang upuan ko at dali-daling tumayo para salubungin siya. Nilagay niya ang coat sa ibabaw ng upuan at niluwagan ang tie na nasa leeg niya. Pinaghiwalay niya ang dalawang braso para sa isang yakap.

I wrapped my arms behind his back and leaned my head towards his broad chest.

"Akala ko matatagalan ka pa," sabi ko sa kaniya.

Mahina siya tumawa, hinawakan niya ang pagkabilang pisngi ko at ipinantay ang tingin sa mga mata ko, "I'm sorry," mahina niyang sagot sa'kin. Halata sa mukha niya ang pagod. He kissed me, caressing my cheeks, "Bakit hindi ka pa kumakain? Did you reheat your food?" tanong niya sabay akbay sa'kin. Naglakad kami hanggang sa upuan ko. Nauna akong umupo sa kaniya.

"Hinihintay nga kita, eh. Oo naman, 'yan kaya lagi ang bilin mo." Lumabi ako at saka na ginalaw ang pagkain, "Hindi ka kakain?"

Umiling siya at pinatong ang magkabilang siko sa ibabaw ng mesa, "I'm done. May pakain ang architect namin dahil birthday niya no'ng nakaraan," sambit niya sabay tawa. Ginulo niya ang buhok sabay buntong- hininga.

Kumunot ang noo ko. Bakit parang tense na tense siya?

"Okay ka lang ba, Hector? Pagod ka na ba?" nagtataka kong tanong. Nagsimula na akong kumain at hindi maalis ang tingin sa kaniya.

Tumaas ang gilid ng mga labi niya habang nakatingin sa'kin, "Nothing, Eli. Napagod lang ako," sagot niya at nag-iwas ng tingin.

"Edi, mauna ka na sa taas. Magpahinga ka na do'n, okay lang ako dito," tugon ko. Hindi mapigilan ng mga mata ko ang umikot dahil sa inis. Minsan na nga lang kami nagkakaharap ng ganito.

"Oh come on, Eli. I'm okay, I'll wait for you besides I'll be the one who will take care of your dishes," he said. Parang nagagalit na siya na ganito lagi ang ginagawa niya sa'kin ah?

I smirked mockingly, "Kaya ko naman, eh! Sige na, umakyat ka na do'n mukhang napagod ka na yata sa party ng architect mo," matigas kong sambit. Napalakas ang pagtusok ko ng beef sa pinggan ko kaya tumunog ito.

Hindi siya makapaniwalang lumingon sa'kin. Nakakunot ang noo niya at tila ay hindi ako maintindihan, "Hindi party 'yon. Nagpakain lang siya, Eli!" naiinis niyang paliwanag sa'kin. I don't care. Party pa rin 'yon.

Tinaponan ko siya ng masamang tingin, "Bakit? Wala bang alcoholic drinks do'n?!" asik ko. I gritted my teeth while slicing the beef.

Nakita ko na naman ang pag-igting ng mga panga niya, "She brought wine."

"Oh! Kita mo na? Hindi ba party 'yan?" hindi ko mapigilan ng sarili kong ituro siya gamit ang table na hawak-hawak ko. Ako pa ang uutuin niya. Alam ko na 'yan, "Uminom ka?" tanong ko.

Hindi siya nakasagot kaagad kaya alam ko na ang totoo, uminom ng siya. Palagi silang magkasama baka 'yon na ang drinking buddy niya.

"Uminom ako, Eli...konti lang naman, ayaw kasi nila akong pauwiin, eh," mahina niyang sagot sa'kin. Nangungusap na naman ang mga mata niya.

I Fell In Love With The Hot Maid(COMPLETED✔) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon