Sa mga sumunod na araw ay lalo lang napadalas ang pagdalaw ko sa kaniya, paghintay ko sa kaniyang opisina at gano'n rin ang pagsulpot-sulpot ni Xia para ipaalala sa'kin ang folder na 'yon. I still choose not to get it.
Bigla akong naihi kaya agad akong napatayo mula sa upuan ko. Nahihiya akong lumabas at baka bigla akong lapain ng mga aso ay este mg demonyita. Pero hindi ko na talaga mapipigilan. Binuksan ko ang pinto at sumilip. Inikot ko ang tingin ko at nakitang nasa malayo pa ang banyo dahil malawak ang buong kwarto na 'to.
Napapikit ako at nanalangin na wala sanang Xia ngayon. Napagdesisyonan kong umalis na. Lumabas ako at mabilis na naglakad. Hindi alintana ang mga matang nakasunod sa'kin.
Hindi naman akong nahirapan sa paglalakad dahil naka-rubber shoes ako. Pagbukas ng banyo ay agad akong nakahinga ng maluwag. Napasandal ako sa likod ng pintuan habang napapapikit.
"Anong ginagawa mo?" biglang nagsalita ang pamilyar na boses, "Baliw ka talaga nuh?" tanong niya.
Napakagat-labi ako at nag-angat ng tingin doon ko nakita si Xia na nakatingin sa salamin at nagre-retouch ng mukha niya.
Kapag minamalas ka nga naman.
Ipinagsawalang bahala ko na lang dahil puputok na ang pantog ko. Dumeretso ako sa loob ng banyo. Nasa kalagitnaan ako ng pag-ihi ng bigla na naman siyang magsalita.
"Hindi mo pa rin tinitingnan ang kasunduan na 'yon?" tanong niya.
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Anong kasunduan ba 'yon?
Narinig ko ang pagtawa niya, "Kawawa ka talaga. Sa sobrang inosente mo hindi mo na alam kung pinaglalaruan ka lang ba," sabi pa niya. Kinabahan ako ng husto, sunod-sunod ang paglakas ng tibok ng puso ko. Tila ay naging blangko ang isip ko sa palaisipan na sinabi niya.
Paglabas ko ng banyo ay nakita ko siya nakasandal sa lababo at tila ay hinihintay ako. Ngumiti siya sa'kin, "Hindi ka naniniwala sa'kin?" tanong niya ulit.
Naghugas ako ng kamay habang nakatingin sa salamin at siya ay nanatiling nakatalikod, "Bakit naman kita pakikinggan? Wala kang ginawa kung 'di guluhin ako," sagot ko sa kaniya.
I have no reason to believe her. Nakakainis siya.
"Edi tanongin mo si Hector. Siya lang naman ang trumabaho sa'yo." Umismid siya at ipinag-ekis ang kaniyang braso.
Nangunot ang noo ko. Tumingin ako sa kaniya, "Ano ba ang pinupunto mo, Xia? Dahil naiinis na ako sa mga sinasabi mo!" tugon ko. Naging malakas ang boses ko. Kumuyom ang panga ko.
Hindi ako paglalaruan ni Hector. Mahal niya ako.
"Ang pinupunto ko lang ay 'wag ka papaikot sa lalaking 'yon! Hindi mo ba alam na pinagkasunduan la lang?!" sigaw niya kasabay ng pagharap niya sa'kin.
Parang nabasag ang puso ko dahil sa sinabi niya. Umiling ako, "H-hindi puwedi, hindi niya magagawa 'yon..." Hindi ako makapaniwala. Nanginginig ang mga kamay ko. Hindi ko alam kung bakit ko ulit ito hinugasan.
Umirap siya at nameywang, "Elizabeth! Mayaman ka, oo! Pero 'yang talino mo hindi mo nagagamit! Pinaglalaruan ka lang ni Hector para sa kasunduan 'yon!" sigaw niya ulit.
Ang nabasag kong puso ay tuluyan ng napira-piraso. Nanubig ng mga mata ko pero pilit ko itong pinababalik sa loob. My lips is trembling as well as my hands.
Alam kong hindi niya kayang gawin 'yon. He is kind, he loves me and cared for me. I shook my head.
"N-no, hindi! Ano ba ang pinagsasabi mo?! Kung gusto mo lang kaming sirain, hindi mo kayang gawin 'yon!" I shouted. My tears fell on my cheeks. I couldn't stop it anymore. By the thought that he fooled me, that all of those wasn't true, it breaks my heart into million pieces.
BINABASA MO ANG
I Fell In Love With The Hot Maid(COMPLETED✔)
RomanceWarning ⚠️ This is not suitable for 18 years old below⚠️ Hector Montenegro, a 25 years old-Engineer. He is tall and hot man. Siya ang ginawang substitution para maging maid sa mansion ng mga Reyes sa loob ng isang buwan. Elizabeth Reyes, she is a...