Chapter 36

7.6K 155 2
                                    

Gewang at kembot ang mga ginawa ko. Sumasabay sa tugtog ng malakas na musika na umalingawngaw sa buong lugar. Hindi ko na alam kung nasaan si Sam dahil nawala siya sa paningin ko. Biglang may nagbigay sa'kin ng inumin at tinanggap ko ito. Hinarap ko siya at nakitang foreigner ito. Mas matangkad siya sa'kin, I think 6'5" siya.

"Thanks," bulong ko sa kaniya. He's dancing in front of me. Mabilis kong tinunggan ang inuming binigay niya. Lalo akong nalula parang lumilipad ako habang naglalakad para maghanap ng malalagyan niyo. Mabuti at may nakita akong mesa.

Naramdaman ko ang pagpulupot ng braso niya sa beywang ko, napangiti ako.

"Let's dance," bulong niya sa tenga ko.

Tumango ako sa kaniya. Lalo atang umikot ang paningin ko. Hinila niya ako sa gitnang bahagi. Sinayawan niya ako mula sa likuran. I swayed my waist at malakas na tumawa. Hindi alintana ang kalasingan sa katawan ko.

Humarap ako sa kaniya. Hindi ko na makita ng maayos ang mukha niya. Naging blurr na ang paningin ko. Napatakip ako ng mukha at humawak sa dibdib niya. Iniling ko ang ulo para mawala ang nangyayari sa paningin ko.

"Excuse me!" I excused myself at mabilis na naglakad. Hinawi ko ang mga tao. Naramdaman ko ang paghawak niya sa siko ko. Hinayaan ko na lang. Dumeretso ako sa second floor na kasama siya.

"Are you okay?" he asked.

Umupo ako sa couch at sinandal ang ulo ko. Namura ako sa isip ko, "Don't worry, I'm fine. You can go now, thank you for the time," I said. Huminga ako ng malalim.

"No, I'll stay here. Let's drink," he said. I saw him pouring a tequila on the glass. He is so white and hunk. In fairness ang gwapo niya. Napangiti ako.

"Alright! Let's enjoy the night!"

Magkasamang kaming uminom na dalawa. Kailangan kong i-enjoy ang gabing 'to.

"You're beautiful, why are you alone?" he asked curiously.  Napatingin ako sa kaniya.

Bumungisngis ako, "No, I am not alone. My friend is somewhere else with someone else." I laughed drunkly.

"Cheers?" he asked, raising his bottle. Matamis akong ngumiti. Tingin ko ay nalulunod na ang paningin ko dahil sa alak. Hindi ko na maramdaman ang mga paa ko na nakatapak sa sahig.

"Cheers!" sigaw ko. Mabilis namin itong ininom.

Kinuha niya ang kamay ko. Napapikit na ang mga mata ko habang pilit na tinutuwid ang lakad ko. Pinaikot niya ako habang nagsasayaw kaming dalawa.

Napatakip ako ng bibig dahil sa pagtawa. Lumapit ang katawan niya sa katawan ko. Nayakap niya ako ng mahigpit. Tawa na lang ang tanging nagawa ko at hindi ko alam kung bakit.

"You are too close," I said, laughing. Bigla kong naramdaman ang paghalik niya sa leeg ko. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat. Nanindig ang mga balahibo ko sa balat. Hindi ako makagalaw dahil sa pagkakayakap niya sa'kin, dala na rin ng kalasingan.

"You are so delicious," bulong niya sa tenga ko. Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Nag-iba ang boses niya. He cupped my face and moves his head closer to me.

I tried to pull my head out from his hold pero hindi ko magawa. He is too strong. Sinipa ko ang paa niya bago pa lumapat ang mga labi niya sa labi ko.

"Hmmmmppff! S---ttt---op!" hindi ko siya mapigilan. Sobrang kaba ng nararamdaman ko at takot. Bakit ko ba pinasok 'to?  Humawak ako sa dibdib niya. Naluluha na ako.

Gumalaw ang mga labi niya. I tried to push him away from me pero lalo lang nito nilalakasan ang paghawak sa'kin.

Nawawalan na ko ng lakas. Isa na lang ang naiisip ko, "S---am..." Si Sam!

I Fell In Love With The Hot Maid(COMPLETED✔) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon