Chapter 5

10.6K 225 10
                                    

Kinabukasan ay hinanap ko na naman siya sa loob ng bahay. Hindi ko siya makita kaya dumeretso ako sa library.

I nibbled my bottom lips bago sinarado ang pinto pagkatapos kong pumasok. I saw his back, so I smiled. I walked towards where he is at umupo kung saan ako nakaupo kahapon.

Sa sobrang tutok niya sa trabaho ay hindi ko alam kung napansin niyang nandito din ako sa loob. I saw the same book in front of me. Siguro ita-try kong basahin ito.

"Why are you here again?" he asked in a serious tone.

Muntikan ng tumalon ang puso ko sa biglang pagsasalita niya. Sumilip ako sa kaniya at nag-iwas din ng tingin. His attention is still on the paper.

"Wala akong makausap, eh," sagot ko sa kaniya. Napayuko ako at pinaglalaruan ang libro sa harapan ko.

"So, you think that I can talk to you?" tanong niya ulit.

Nag-aalangan akong tumingin sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ang pinupunto niya pero syempre, gusto ko lang siyang pagmasdan.

"Y-yes, busy ka ba?" tanong ko pabalik sa kaniya. Magtatanong na lang ako ng kahit ano para makausap siya.

Nilapag niya ang papel na hinahawakan at lumingon sa'kin. He let out a playful smile on his lips, "No, not really, Eli." Nilagay niya ang dalawang pinagsaklop na kamay sa ilalim ng baba niya.

Sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi ko, "So, anong ginagawa mo ngayon? Bakit ka andito lagi?" kuryoso kong tanong. Lagi niyang sinasabi sa'kin na may tinatrabaho siya pero hindi ko alam kung ano 'yon.

"Analyzing the blueprint," sagot niya. Kinuha niya kaagad ang papel at sumenyas sa'kin na lumapit.

Namula ang pisngi ko na pumunta sa gawi niya. Dumungaw ako sa papel na hawak niyang may kulay asul. Kumunot ang noo ko sa pagtataka.

"This is the blueprint, ito ang project na pinag-aaralan ng grupo namin ngayon. This is a supermall," dagdag niyang sambit, "Ipapatayo 'to namin."

Napaawang ang mga labi ko habang tinatakpan ito. Namangha ako habang tinitingnan ang mga guhit na may mga pangalan na nakalagay.

"Project? Kayo ang gagawa niyan?" laking gulat kong tanong. I looked at him pero sa blueprint lang siya nakatingin.

"Not sure about it. Sana nga, if ever na kami ang mapili this would be the biggest project na gagawin namin," sagot niya sa'kin.

Siguro may iba pang grupo na pinag-aagawan ang project na gusto nila.

"Ano ba ang pinagka-iba ng maliit na proyekto at malaki?" kuryoso kong tanong, "So, engineer ka?" dagdag kong tanong. Hindi ko siya lubos na kilala at ilang araw pa lang naman kami magkasama sa bahay na 'to.

Tumango siya, "Yeah, an engineer, Eli. Kapag nakakagawa ka ng malaking proyekto ay madaming kukuha sa'yo, madaming papasok na trabaho," tugon niya, "At kikilalanin ka pa."

Bigla akong napaisip. Kailangan ba talagang malawak ang koneksyon sa pagtatrabaho.

"Can't you work with the things na binibigay sa inyo? I know na lahat hindi natin makukuha but if you really want it, you can achieve that with dedication," sabi ko sa kaniya. I am not good at advice but I think it will work naman.

Bumalik ako sa upuan ko habang nanatili siya sa ganoong posisyon.

"Gustong-gusto naming makuha to, Eli. Malaking bagay 'to para sa'min," sambit niya. Naiintindihan ko naman. Hindi ko lang siguro naranasan but I understand them.

"Then, good luck! I wish you a good luck, Hector!" masigla kong sambit sa kaniya.

Nanlaki ang mga mata nito sa gulat. I gave him approve sign at tsaka kumindat. I saw his jaw clenched as he look away. Siguro ay nahiya siya bigla. Ang akward ko ba?

I Fell In Love With The Hot Maid(COMPLETED✔) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon