Chapter 13

10K 235 6
                                    

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa pisngi ako. Nasisilaw ako kaya humarap ako sa kabilang direksyon. Biglang tumama ang paa ko sa isang bulto ng tao kaya napamulat ako. Bigla naman umikot ang mundo ko kaya agad akong pumikit.

At least nasilayan ko kahit sandali ang natutulog na si Hector. Pumayag siyang matulog dito pero walang yakapan. Hinalikan niya nga ako eh. Tapos yakapan ayaw niya.

Biglang pumintig ang ulo ko kaya mahina akong napadaing. Nilagay ko ang kamay sa ulo ko. Nanatili aking nakapikit.

"Sh*t! Ang sakit ng ulo ko," bulong ko sa sarili. Mahina ko itong hinampas gamit ang kamay ko pero ando'n pa rin. Nagulat naman ako ng may biglang humawak sa pulsuhan ko.

"What are you doing, Eli? Kung masakit ang ulo mo, 'wag mong pukpokin," he said using his husky voice. Nagising ata siya sa'kin. Pero ang sexy ng boses niya, napakagat-labi ako.

"Umiikot ang paningin ko, Hector. Ano ang gagawin ko?" tanong ko sa kaniya. Parang ang sama talaga ng pakiramdam ko. Hinahalukay ba naman ang tiyan ko.

"That's what you get, Eli. Sinabi ko na sa'yo na 'wag kang uminom," matigas niyang sambit. Naramdaman ko ang paggalaw ng kama. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya.

Bigla akong napatikom ng bibig. I can feel his breath in my ears. Hinawakan ng kamay niya ang magkabilang balikat ko.

"Upo ka na, Eli. Kapag nasusuka ka, 'wag mong pigilan," sabi niya sa'kin.

Tinulungan niya akong umupo. Doon na talaga sumama lalo ang pakiramdam ko. Para akong nanlamig. Napabukas ako ng mata ng wala sa oras.

"Sh*t! Nasusuka ako!" sigaw ko sa kaniya. I covered my mouth to stopped it. Ayokong magkalat dito sa kama. Naramdaman ko na lang na binubuhat na ako ni Hector papasok sa banyo ng kwarto ko.

Pilit kong pinipigilan ang suka ko kahit labas na labas na talaga ito. Nagsiakyatan lahat ng tubig mula sa tiyan. Sh*t! Mapapaiyak na naman aki nito.

Binaba ako ni Hector at binuksan ang kubeta sa harapan ko. Dumukwang ako sa butas at doon nilabas lahat. Kitang-kita ko pa ang gatas na ininom ko kagabi. Ilang ulit kong narinig si Hector na nagmumura habang hinahaplos ang likod ko. Panay pangangaral niya sa'kin.

Napaubo ako ng malakas. Ang pangit na naman ng lalamunan ko. Parang natuyo ito na hindi ko alam o dahil lang ba ito sa mga alkohol na lumabas mula sa tiyan ko.

"Are you done?" tanong niya. Naaupo ako sa sahig. Sumasakit ang ulo ko kasabay ng pag-ikot ng paningin ko.

"Ang sama ng pakiramdam ko," sabi ko sa kaniya. Pinunasan ko ang bibig ko at sumandal sa pader. Binaba ko ang ulo ko sa mga tuhod ko, "Hindi na ako iinom. Hindi na talaga!" dagdag ko. Hindi ko kaya ang maging ganito. Nawawalan ako ng lakas.

He sighed, "Come on, bumalik ka na sa kama mo at ipaghahanda kita ng almusal," tugon niya sa'kin.

Umiling ako sa kaniya, "Umiikot nga ang paningin ko, Hector! Ang sakit ng ulo ko!" pagalit kong sigaw. Hindi ko na naman maiwasang mapaiyak. Hindi ko kaya 'to, kapag masama ang pakiramdam ko ay umiiyak ako lagi sa mga doktor na pumupunta sa bahay.

Napahikbi ako habang nakapikit ang mga mata ko. Hindi ko kayang imulat.

"Shhh...stop crying, Eli. Sige na, ibabalik na kita sa kama, just close your eyes," malumanay nitong sambit. Nararamdaman ko ang pag-aalala niya sa'kin.

He carried me from the bathroom floor. Napakapit ako sa leeg niya. Lumakas ang hikbi. Kahit nakapikit ako ay tumutulo ang luha ko.

"Shhh...stop crying now. Magiging okay ka din. Bibili ako ng gamot para sa'yo," bulong niya sabay halik sa noo ko.

I Fell In Love With The Hot Maid(COMPLETED✔) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon