A/N: Don't forget to vote and leave comments.
We landed at 1 PM. Ngayon ay nakasakay na naman kami ng van patungo sa coron palawan. Malayo pa kasi ito sa isla.
Nakarating kami sa hotel kung saan kami may reservation ng 1:45 PM. Kumakalam na ang sikmura ko.
Nasa ibang room si kuya. Kami naman ni Hector ay magkasama sa iisang suite pero magkaiba ng kwarto. Actually tatlo nga ang kwarto sa loob but I decided na sa ibang kwarto na lang si kuya kasi nakakailang naman kung kasama din namin siya sa loob.
Napaupo ako sa kulay kremang couch at isinandal ang ulo ko sa backrest. Nakakapagod ang byahe. Hindi ko na kayang maglakad, ang sakit sa balakang.
"Kuya, pakilagay na lang diyan ang mga bagahe niya. Ako na ang magpapasok niya," sabi ni Hector sa kaniya. Ipinikit ko ang aking mga mata para magpahinga. May bellboy naman, eh.
"Aalis na po ako. Pakitawagan na lang ako sa kwarto ko kapag may kailangan kayo," tugon ni kuya sa kaniya.
"Salamat po."
Nakarinig ako ng pagkasarado ng pinto kaya agad akong nagsalita, "Room service please...I am hungry, Hector," sabi ko sa kaniya sabay lumabi. Pero nanatiling nakapikit ang mga mata ko.
"Alright, sabi ko naman sa'yo na mag-take out tayo," sagot niya sa'kin. Narinig ko ang yabag niya papunta sa kung saan. This suite is so big. Puwedi ng tumira ang isang buong pamilya dito.
"I don't like take outs," maikli kong tugon.
"What food do you want, then? Para naman hindi masayang kapag hindi mo gusto," he asked.
Nag-iisip pa ako, "Kung ano 'yong sa'yo, 'yon na lang din ang akin," sagot ko sa kaniya. I opened my eyes and roamed it around. It's perfect, ang ganda ng kulay parang ang gaan niya tingnan.
Bigla akong tumihaya sa couch. Pumipikit-pikit ang mga mata ko habang nakatingin sa kisame. Sorry pero inaantok na talaga ako.
Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog pero nagising ako ng maramdamang merong mga mata na nagmamasid sa'kin. Dahan-dahan kong binuksan ang talukap ng mga mata ko ng makita ang mukha niyang sobrang lapit sa mukha ko.
Agad akong bumalik sa pagkakapikit. He is staring at me intently.
"Hep! I saw you! You opened your eyes!" sambit niya, "Come on, Eli. Wake up and eat, sabi mo kanina gutom ka hindi ba?"
I sighed, "Bakit ba kasi ang lapit-lapit ng mukha mo sa'kin?" nagtataka kong tanong sa kaniya.
"I am waiting for you to wake up. Napagod ka ba sa byahe o sa pagsususka?" tanong niya sa'kin.
Nang maramdaman kong wala na ang mga mata niyang nakatingin sa'kin ay bumukas ito. Hinanap ko siya kung nasaan siya, nakaupo siya sa kabilang couch.
"Puwedi both? Pero gutom na talaga ako. What did you order?" tanong ko sa kaniya.
Bumangon ako at umupo sa couch. Nakita kong wala siyang pang-itaas kaya kitang-kita na naman ang ulam niya.
"Vegetables, I got egg and hotdogs. Sorry, gano'n ang order kasi sabi mo gutom ka na," he explained.
"That's okay. Nakakain ka na? Teka, nasaan na ba 'yon?"
Inikot ko ang paningin pero wala naman akong nakikitang pagkain.
"Hindi pa ako nakakakain, I am waiting for you nga. Wait up! Kukunin ko sa mesa." Tumayo siya mula sa couch. Ilang minuto pa ang lumipas ng makita kong naglalakad siya papunta sa'kin dala ang tray ng na may takip na kulay pilak.
BINABASA MO ANG
I Fell In Love With The Hot Maid(COMPLETED✔)
RomanceWarning ⚠️ This is not suitable for 18 years old below⚠️ Hector Montenegro, a 25 years old-Engineer. He is tall and hot man. Siya ang ginawang substitution para maging maid sa mansion ng mga Reyes sa loob ng isang buwan. Elizabeth Reyes, she is a...