Hindi ako nakatulog sa kakaisip sa nangyari. Mulat na mulat ang mga mata ko, natuyuan ng luha ang mukha ko at nabasag ang puso ko.
Napatingin ako sa telepono kong kanina pa ring nang ring. He's calling me continuously. Hindi ko kaya, I couldn't even answer it. I turned off my phone and leaned my head on the cement railing of my veranda. I am wearing my bathrobe, feeling the cold breeze of the night.
Sa ilalim ng makinang na butuin ay ang isang babaeng niloko at pinaglaruan. Hindi ko na namalayang napapikit na pala ang mga mata ko at nahulog sa pagkakatulog.
"Hector, mahal na mahal kita!" sigaw ko sa kaniya habang naglalakad siya papalayo sa'kin. Dumaloy ang mga luha ko pero tumigil ito ng humarap siya.
"Pinaglaruan lang kita, Eli! Kahit kailan hindi ako magmamahal ng isang pabigat! Walang trabaho! Palamunin!" sigaw niya pabalik sa'kin at nagsimula ng maglakad.
Parang hinigop ko ng dilim mula sa liwanag. Napalitan ng kulob ang maliwanag na sikat ng araw. Bumuhos ang luha ko, I held my chest. Ang sakit! Ang sakit-sakit.
Nagising ako na hingal na hingal. Namamawis ang noo ko at nanlalamig ang mga kamay ko. Mabilis na tumaas-baba ang aking dibdib. Napapikit ako para pakalmahin ang sarili.
"Nakatulog pala ako habang nakaupo sa sahig," sabi ko sa sarili.
Napalingon ako mula sa loob ng kwarto ng makarinig malakas na pagkatok. Parang nagmamadali ito.
"Ma'am Eli! Ma'am Eli!" malakas na tawag sa'kin ni manang.
Kumunot ang noo ko at unti-unting tumayo mula sa kinauupuan ko. Nagulat ako sa malakas na pagtibok ng puso ko.
"Ma'am Eli! Kailangan po kayo sa baba!" sigaw niya habang patuloy sa pagkatok.
Hinigpitan ko ang roba ma suot ko. May iba akong nararamdaman sa boses ni manang, parang kinakabahan siya at natataranta.
I opened the door and saw her biting her lips. Agad nanlaki ang mga mata niya ng makita ako, "Ma'am! Mabuti at binuksan niyo!" sambit niya. Napalingon siya sa kanang bahagi na parang may tinitingnan.
"What is it, manang? Importante ba 'yan? Because I am not feeling well tonight," I said in bored tone. I feel so blue. Tumingin ako sa kaniya na blangko ang mukha.
"Ma'am, kasi, si Hector nasa baba hinahanap kayo at nagwawala po siya!" sabi niy sa'kin. Napatakip siya ng bibig dahil sa kaba, "Susmaryusep, ma'am! Lasing na lasing siya."
Malakas ma kumabog ang dibdib ko. Nanatiling blangko ang mukha ko. Kumuyom ang panga at napatingin sa sahig.
Anong ginagawa niya dito?
Napailing ako. Hinakbang ko ang mga paa paalis na kwarto ko. Pinanatili ko ang sariling maging kalmado kahit na naghuhurumentado ang puso ko. What's with my heart? Why am I being like this?
"Ma'am, sigurado po ba kayo? Baka saktan ka po niya. Lasing po siya, ma'am!"
Tumango ako, "Oo naman, manang. Hayaan niyo siya. Hindi naman siya masama---" napatikom ako ng bibig. Huminga ako ng malalim, "Hayaan niyo na lang po."
BINABASA MO ANG
I Fell In Love With The Hot Maid(COMPLETED✔)
RomanceWarning ⚠️ This is not suitable for 18 years old below⚠️ Hector Montenegro, a 25 years old-Engineer. He is tall and hot man. Siya ang ginawang substitution para maging maid sa mansion ng mga Reyes sa loob ng isang buwan. Elizabeth Reyes, she is a...