Chapter 6

9.9K 234 18
                                    

Nandito kami ngayon sa loob ng mall. Yes, wala akong kasamang bodyguard-si Hector lang. I am wearing a flowy red dress. It's a cross lace in the back kaya kita ang maputi kong likod. Nasa tabi ko naman si Hector, deretso lang ang tingin at seryoso ang mukha.

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang andaming tao mula sa taas. They are carried by an escalator and we're going to ride that one too. Pagdating namin doon at matamis akong ngumiti sa kanila.

I waved my hands from side to side. Hindi mawala ang ngiti ko. I never been this happy, ngayon lang ako nakakapag-interact sa tao. Ngiti lang din ang naging tugon nila sa'kin kaya okay na 'yon.

"What are you doing?" biglang tanong ng katabi ko. Binaba ko ang kamay at lumingon sa kaniya. His serious eyes, gumagalaw na naman ang panga niya.

"Wala, I am trying befriend them," I answered.

Habang nakasakay kami ay may nakita akong lalaki na nakangiti sa'kin. He is wearing a badboy polo and leaning at the moving railing of the escalator. Kumindat siya kaagad at kumaway sa baba.

Biglang lumiwanag ang mukha ko, kumaway ako pabalik sa kaniya. Ganito pala ang pakiramdam ng may kaibigan.

Bigla may humawak sa kamay ko na malakas. Binaba niya ito at hinawakan ng mahigpit.

"Stop doing that. Hindi nakakatuwa," sabi niya sa'kin. His forehead creased and brows move in a straight line.

He didn't let go of my hand, "Hindi naman ako nagpapatawa, Hector," sagot ko sa kaniya. I looked at his hands on mine. Maugat ang kamay niya, siguro ay sa kakatrabaho.

"But you are making yourself crazy, Eli. You are waving your hands on them, hindi mo naman sila kilala," matigas niyang sambit. Para akong batang pinagalitan ng ama. Nanatili akong nakayuko, "And I am telling you, ang weird mong tingnan."

Bigla akong naestatwa sa kinatatayuan ko. Am I really weird?

"Eh, anong gagawin ko kung gano'n?" mahina kong tanong sa kaniya, "All of the things I am doing are all wrong," I said and nibbled my lips. Weird nga ako. I can say that. Hindi ako nabuhay ng normal, I am caged at our huge mansion, no friends and family members.

"No, not all. You are just innocent baby, Eli," sambit niya na nakapagpaangat ng tingin ko. He gave me a smile. His red lips lifted, damn. He's handsome. Innocent baby? Parang gusto kong tumawa.

Binitawan niya ang kamay ko at binuka ang kamay niya sa harapan ko, "Hold my hand," utos niya sa'kin.

Nagkagat-labi ako at tumingin sa kaniya ng deretso, "Ito ba ang ginagawa ng magkaibigan, Hector?" I asked curiously. I can see his rough palm from here but I wanted to hold it, cross our fingers together. Merong nagtutulak sa'kin na hawakan ito.

He nodded his head, "Yes, of course, Eli. Hindi mo ba gustong hawakan ko ang kamay mo?" he asked, smiling. He is waiting for me to answer him so I did hold his hand as my answer.

Matamis akong ngumiti sa kaniya bago kami naglakad papaalis sa escalator na 'yon. I can feel my heart is shouting and trying to get out from my chest. His hand and my hand, parang gusto kong tumili.

Napayuko ako habang kinakagat ang labi ko.

"Chin up, Eli. You are holding the hottest man's hand today," pagbibiro niya at ngumiti sa'kin.

Parang natunaw ang puso ko lalo sa ngiti na 'yon. He is wearing a plain shirt and pants. His simplicity gave him a sex appeal, lalo lang siyang gumwapo.

Imbis na tumango sa kaniya ay tumawa ako, "Hottest? Are you the hottest?" I asked while laughing. Pero ang totoo hot naman talaga siya, sobra.

"Bakit hindi ba? Don't lie because I am," sagot niya at hinila ako sa tabi niya.

I Fell In Love With The Hot Maid(COMPLETED✔) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon